Chapter 11

207 6 0
                                    

City Girl

Ms Sapphire

Chapter 11

NAKAYUKO siya habang binabasa ang isang file ng kanilang previous client nang may tumakip sa kaniyang mga mata.

“Ayy sino to? Clark? Zack?” hinawakan niya ang malalaking kamay na nakatakip pa rin sa kaniyang mga mata “okay fine hindi talaga kita mahulaan eh.” Natatawa niyang sabi.

“It’s me!”

“Geoff!?” tili niya sabay yakap sa kaibigan.

“Grabe ka naman at tinawag mo pa talaga akong Clark at Zack? Mas guwapo naman ako sa mga yun.” Wika ni Geoff.

Hinampas niya ang braso nito. “Mas guwapo pa rin ang nobyo ko ano.”

“Bias mo talaga.” Lumapit si Geoff sa isang upuan na nasa tapat ng kaniyang mesa at naupo “kumusta ka na?”

Namewang siya paharap dito “Ako dapat ang magtanong niyan dahil ikaw ang kadarating lang galing sa bakasyon.”

“I’m good and so is Cassie.”

Mukha ngang masaya ang kaibigan niya dahil sa magandang aura na nakikita niya dito. Hindi gaya nang huling araw na nagkausap sila na may eye bags ito at halatang puyat. Nagpapasalamat naman siya at mabuti na ang kalagayan ni Cassie. Nag-alala rin siya sa bata dahil naranasan na rin niya ang maospital noong isang taon nila sa America. Halos mamamalimos ang Mommy niya para may pampa-ospital lang sa kaniya. Binawalan kase itong ng Lolo niya na makipag-usap sa Daddy niya. Sa hospital ring iyon nakilala ng Mom niya si Craig. Bumisita si Craig sa isang kaibigan nito na naputukan ng baril sa puwet.

“Hey, is there a problem?” tanong ni Geoff sa kaniya.

Lumapit siya sa kaniyang upuan at naupo.

“Nothing huge, really.” Pagdedeny niya “do you remember my sister Delene right?”

Tumango si Geoff.

“Well, we found out that Carlo is Clarks’ son. And now my very intrusive Grand Father wants Clark to marry my sister. Alam ng lolo ko that I can’t say no to him and he’s using that againts me.” Pagpapaliwanag niya kay Clark.

“Aren’t you gonna do something about it?”

“As a matter of fact, yes. I am fighting for Clark. Hindi ibig sabihin na may anak sila ay dapat magpapakasal silang dalawa. That’s BS! Mas lalong magiging complicated ang lahat dahil naiipit ang bata sa gitna. And I know for a fact that Clark doesn’t love Delene. He told me what happened before is over between the two of them.”

“Darn Grandpa.” Naibulalas ni Geoff “guess what? May bagong bukas na Italian restaurant malapit dito, my wife and I want to invite you and Clark for a dinner.”

“Sure.”

“Okay. Huwag mong isipin masyado yang problema mo.” Tumayo na si Geoff para lumabas ng office niya, pero huminto muna ito kalagitnaan “by the way, bakit hindi ninyo unahan ang lolo mo at magpakasal kayo ni Clark sa judge?”

“That’s a nice idea!--- but you don’t know my Grandpa. Kahit na langgam ay hindi nakakawala doon. He’s one of the influential people in this country just incase you forgot.”

“Eh di lumipad kayo papuntang US, change your identity and get married. And ya’ll live happily ever after!”

“Easy for you to say.” She sigh.

Kahit na pumunta sila ng pluto ay mahahanap pa rin sila ng lolo niya. Lahat ay naisip na niya pati ang pagtira sa isang isolated island, yes, ganoon na siya ka despiradang ilayo si Clark sa kapatid niya. And come to think of it, siya na hinahabol ng mga lalaki ang humahabol na sa isang lalaki. But this one is different, kase alam niyang mahal na mahal siya ni Clark. He was not playing games with her, that she knows.

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon