Chapter 10

271 6 0
                                    

City Girl

By Ms Sapphire

Chapter 10

“Coming through!” sigaw niya habang naglalakad papasok sa isang night bar.

Maraming tao sa loob dahil biyernes ngayon at karamihan sa katatapos lang ang shifts ay dito kaagad tumatambay. Tinawagan siya kanina ni Clark na magkita raw sila dito sa bar para I celebrate ang engagement nila. Inabisuhan na rin niya ang Dad at Mom niya---- na kadarating lang galing Amerika at tumutuloy sa condo niya kasama ang Step Dad at Half Bro niya--- parehong nagulat ang dalawa dahil alam ng mga ito na may ugnayan sina Delene at Clark noon. Pero, as a mom, mas naging understanding and Mommy niya kesa sa Dad niya.

“Aray!” sigaw niya matapos siyang mabangga ng isang matabang lalaki.

Hindi man lang ito humingi ng patawad sa kaniya at dire-diretso lang itong naglakad palabas ng bar. Hindi na siya nagpasundo kay Clark dahil galing pa itong probinsya kasama si Carlo. Isasama na sana siya nito kaso natambakan na naman siya ng trabaho kanina. Mabuti nalang at may balita na siya galing kay Geoff, nasa mabuting kalagayan na raw si Cassie. Aabutin pa ng ilang linggo ang mga ito sa Amerika bago ita-transfer ang bata sa St Luke Hospital para sa chemo theraphies nito.

Nakita niya si Clark na kumaway sa kaniya sa may di kalayuan. Isang halik sa labi ang iginawad nito sa kaniya pagkalapit niya dito.

“Hmmm I miss you.” Wika ni Clark.

“I miss you too.” Inayos niya ang kuwelyo nito “anong oras kayo dumating ni Carlo?”

“Mga alas kuwatro na ng hapon. I drop him off right to his moms…”

Magkatabi silang umupo sa isang leather bench nang may lumapit na waiter. Umorder sila pareho ng pagkain at drinks. Hindi nagtagal ay bumalik kaagad ang waiter dala ang drinks nilang dalawa. Habang umiinom siya ay naramdaman niya ang tingin ni Clark sa kaniyang binti. Isang see through stocking na kulay itim ang suot niya. Pinarisan niya ito ng isang knee high boots at mini skirt na halos lantad na ang kaniyang puwet. Ang pang itaas naman niya ay isang black strapless top na may grey sleevless blazer.

“What?” nagtatakang tanong niya dito.

Umiling si Clark sabay inom ng drinks nito “Nothin’…”

Binalewala nalang niya ito at minamasdan ang mga taong nagsasayaw habang may isang bandang kumakanta. Naramdaman niya ang paglapit ni Clark sa kaniya at ang pag-akbay nito. Nilingon niya ito para ngitian, pero imbes na ngiti ang igaganti nito sa kaniya ay isang mainit na halik ang nalasap niya buhat dito.

“A-anong kulay ng pang-ibaba mo?” bulong ni Clark sa kaniya.

“Bakit mo naisip na may suot ako?” napapangiting sagot niya dito.

Naramdaman niya ang paglunok ni Clark. “You mean…”

“Ah-uh” sagot niya sabay abot ng drinks niya.

“Waiter!” biglang sigaw ni Clark sabay senyas ng ‘check’ sa waiter nila.

Lumabas na silang dalawa papunta sa pinakamalapit na elevator. Nakayakap pa rin sa kaniyang bewang ang isang kamay ni Clark. Humarap siya dito sabay dikit ng sarili niya sa katawan nito. Naramdaman na naman niya ang paglunok ni Clark at ang marahan nitong pagsinghap. Dinampian niya ng isang halik ang leeg nito. Naaamoy niya ang pabango nitong Armani na bigay niya bilang monthsary gift niya dito. Bumaba ang labi niya sa clavicle bone nito papunta sa sternum habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang binubuksan ang butones ng polo shirt ni Clark. Naging sunod-sunod ang paglunok ni Clark nang bumaba na ang kaniyang labi sa ibabaw ng puson nito. Lumuhod siya sa harap nito habang nakatingala dito.

City GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon