City Girl 12
By Ms Sapphire
PAGKAPASOK ni Sommers sa clinic ni Clark, ay dire-diretso lang siya sa paglalakad patungo sa opisina nito. Nakabalik na rin ang lalaki sa trabaho nito matapos itong tulungan ng dating propessor na nagpaaral nito. She’s happy for him dahil nasa pagiging dentista talaga ang passion nito. Walang nakapansin sa kaniyang pumasok ni isa. Pati na ang receptionist nitong si Brenda na palagi siyang binabati ay may inaasikasong pasyente.
Huminto siya pagdating niya sa harap ng pintuan ng opisina ni Clark. Inalis niya ang sunglasses na suot at maingat na ipinasok niya sa kaniyang purse.
“This is it Sommers. You have to win your man back.” Bulong niya sa kaniyang sarili.
Magiging siya ba si Sommers kung magbaback-out nalang siya basta-basta? She was born to fight. Kahit na sariling pamilya pa niya ang makakalaban niya, ay gagawin pa rin niya dahil ito ang tama.
Kumatok muna siya bago siya pumasok.
“Hi Doctor Santillan!” bungad niya kay Clark na naka-upo sa harap ng computer nito.
Nakita niya ang pagkagulat na naka rehistro sa mukha nito. Ngumiti siya.
“Sommers? Anong ginagawa mo dito?” maang na tanong nito sa kaniya.
“Just visiting.” Pagsisinungaling niya. She’s here on a mission. “Napadaan lang kase ako galing sa bahay ng isang client namin. Kaya I decided na bisitahin ka.”
“Pasensya ka na masyado lang kase akong busy eh.” Pilit siyang nginitian nito.
Isang linggo pa lang ang nakalipas matapos itong makipag-break sa kaniya. Ngayon, parang isa nang estranghero ang turing nito sa kaniya. That’s unacceptable! Nagkukotkot ang kaniyang puso dahil sa inaasal ni Clark. They were lovers. Ang awkward ng sitwasyon nila dahil sooner or later magiging brother-in-law niya ang lalaki. Unless, she win him back.
“Ah ganon ba. I was busy too, pero I made an effort to visit you kahit sandali lang.” Yeah go ahead. Made him feel guilty.
“Yeah, were’s my manners? Teka would you like something to drink? Water, juice, tea?” tumayo ito para lapitan ang mini fridge sa may sulok.
“Water nalang.” Sagot niya habang sinusuri ang kabuuan ng kuwarto. So my sister didn’t waste any time to re-decorate his room.
Lahat ng binili niya kay Clark para sa office nito ay inalis ni Delene at pinalitan ng mga bagong decorations. Napataas ang kilay niya nang mapadako ang mga mata niya sa isang family protrait. Parang may bumikig sa kaniyang lalamunan kaya siya sunod-sunod na napa-ubo.
“Here’s your water.” Dali-daling ibinigay ni Clark ang water bottle sa kaniya. “Are you alright?”
“Yes. I’m fine.” Though, it’s a lie.
Bumalik sa pagkaka-upo si Clark at hinarap ulit nito ang monitor. Napasimangot naman siya dahil sa lantarang pag-iignora nito sa kaniya. She decided to open some safe topics, all of which Clark nicely answered. Hindi nila namalayan na oras na pala ng uwian. Kung hindi pa bumungad si Brenda sa opisina ni Clark, ay baka hindi rin matatapos ang kuwentuhan nilang dalawa.
Clark decided to stay a little longer dahil may tatapusin lang daw itong reports bago umuwi. She slightly bit her lip. She need to make her move bago siya umuwi. What’s the point of taking this risk kung hindi niya magagawa ang kaniyang mission?
Palihim niyang inabot ang isang black laced thong sa loob ng kaniyang purse. Tumayo siya paalapitan si Clark at umupo sa kaungan nito. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
