Umandar na yung motor..
AKO ? Syempre ako nakakapit kay Rush . Backhug ! XD oh diba ? Ang sweet namin noh . I can take this moment , make it last forever~~~! wahahaha . Sana bagalan ni Rush ang pagdadrive , so fast kasee . Pero okey lang atleast nakapikit pa ako habang nakahug sa kanya . Oh diba ? feel na feel ko talaga xD hahahah ang lantod ko nyahahaha .
Naramdaman ko na parang di sa bahay papunta yung sinasakyan namin .
"Uy san tayo pupunta ? " tanong ko kay Rush sa nagtatakang emosyon .
"Kung san tayo nag date nung 9th monthsary natin.."
"Sa rooftop ? "
"Hmmm.." with nod .
Ilang oras lang ay..Andito na kami .
Katulad ng unang punta ko dito , maganda pa rin . Pero di kasing ganda nung gabing yun..wala pa kasing mga ilaw ngayon dahil maaga pa .
"Bakit tayo nagpunta dito ? " nakaupo na kami sa isang bench na nandoon .
"Maaga pa kasing masyado..saka gusto din kitang makasama.." ngumiti siya sakin .
Bigla kong naalala yung itatanong ko..
"Hmm baby pede ba akong magtanong ? " ako .
"Nagtatanong ka na nga e hahaha..."
"Ihhh..."
"Oh sige ano ba yun baby ko ? huh ? "
Kinakabahan ako..baka kasi magalit siya e..saka pano kung sabihin niya yung totoo..na girlfriend niya yun at mahal pa niya yun baka di ko kayanin..pero sige itatanong ko na din para matahimik na ang kalooban ko .
"Si-sino si....Trish ? " nakatitig ako sa kanya..tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon niya pero ang nakita ko..Nakita ko na may gumuhit sa mga mata niya na sakit at poot nung marinig niya yung name na yun .
l
l
l
l
l
v
*Rush POV*
Nandito ulit kami sa rooftop para sana maging masaya siya kaso bigla siyang may itinanong .
"Si-sino si...Trish ? "
Nabigla ako sa tinanong niya . Di ko ineexpect na yun ang itatanong niya . Parang bumigat yung dibdib ko pagkarinig ko sa name na yun...bat ganito ? Bat parang ang sakit ? Di na dapat ako masaktan dahil may Maylie na ako..pero..di ko alam . Di ko maintindihan .
"Ah..sige wag na lan--"
"Hinde . Sasabihin ko na sayo...9 months na tayo kaya ayoko ng may tinatago pa..si Trish..siya yung......"
*flashback*
"Uy Trishkulet ! " sabi ko sabay kalabit ko sa kanya .
"..Sorry na wag ka na magalit . Iloveyou.." dugtong ko pero di pa rin siya umiimik .
Hmm nga pala siya si Trish Espinosa . Bestfriend at Girlfriend ko . hahahaha magulo ba ? Ganito kasi yun . Mula nung elementary kami , bestfriend ko na siya..palagi kasi kaming classmate e saka kababata ko siya kasi friends yung parents namin . Pero nung third year high school kami , nakita ko na lang ang sarili ko na mahal ko na siya at ayoko ng mawala pa siya sa buhay ko..kaya naisipan ko na ligawan siya hindi naman ako nabigo dun dahil ilang buwan lang ay sinagot na niya ako at naging mag on kami . Ang saya namin..sobra..kaya yung mga magulang namin napagkasunduan na ipakasal kami pag ka graduate namin ng college para na din daw sa business ng parents namin at para na din sa ika sisiya namin .
Pero isang araw..
"Bakit ba ganyan ka ? Kung may problema ka sabihin mo sakin makikinig naman ako e.."
sinusundan ko si Trish . Nakasunod din samin yung iba ko pang barkada--sila Cian . Friends ko na sila dati pa .
"Ayoko nga kitang kausap !! " sigaw niya sakin .
Nagulat ako nung sigawan niya..ang sakit..pero di ko na pinansin .
"Bakit ? May ginawa ba ako ?? Trish naman oh . Sorry kung may nagawa ako.." sunud pa rin ako ng sunod sa kanya .
"Hindi naman ikaw e ! " lumingon siya sakin . Pero nagulat siya nung may iba pa kaming kasunod . Sila Lawrence yun..yung prince hearthrob ng buong campus .
Nakita ko na biglang nag iba yung itsura niya..lalong tumindi yung galit sa kanyang mga mata..
Di ko maintindihan ang nangyayari..
"Trish wait ! " sabi ni Lawrence kay Trish pero tumakbo si Trish . Highway yung labas ng gate namin .
"TRISSHHHHH ! " tawag ko sa kanya pero takbo pa rin siya ng takbo hanggang sa...
"TRISSSSSSSHHHHHHHHHH !!!!! "
lahat kami sumigaw .
*BEEP ! Beep ! Beep ! BUGGGGSSSHHHHHHHH !!!!*
Nabangga siya ng isang kotse..sobrang lakas ng bangga..
"TRISHHH ! " iyak ako ng iyak habang nasa hospital kami . Si Trish..na comatose siya . Di ko na napigilan yung sarili ko..kaya wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak..sobrang sakit..Napakasakit..para akong unti unting pinapatay..parang gumuho ang mundo ko..mahal na mahal ko siya...mahal na mahal...
*End of Flashback*
l
l
l
l
l
l
v
*Maylie's POV*
"...mahal na mahal ko siya..Siya kasi ang first love ko.." umiiyak na sabi ni Rush . Hindi ko alam na iiyak siya..ibig sabihin sobrang importante nga talaga sa kanya ni Trish..
Bakit ganito ?? Bat parang ansakit ng puso ko ?? Dahil ba to sa naaawa ako sa kanya o nagseselos ako dahil nararamdaman ko pa na may nararamdaman pa siya para dito ??
"Sobrang mahal mo siya hano.."
Pinahid niya yung luha niya at tumango..
"Hamu na yun baby..ngayon andito ka na sa tabi ko..at ikaw na ang mahal ko.." ngumiti siya pero di umabot sa mata niya ang ngiting yun . Nakikita ko pa rin sa kanya yung lungkot at sakit..
ang lahat ng yun..lahat ng nakikita ko mula sa kanya..nagdudulot ng labis na sakit sakin . Mahal ba talaga niya ako ?? Hindi kaya..si Trish pa din ?
"Uwi na tayo.." tinabanan niya yung kamay ko at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya .
"Mahal mo pa siya diba ?? " tanong ko sa kanya nang nakayuko..ayokong makita yung mata niya..Umiiyak na din ako .
"Mahal kita Maylie.."
pinunasan niya yung luha ko . Pero pinigil ko yun...
"Oo mahal mo nga ako..pero mahal mo pa din siya..tama ba ? "
"Comatose pa rin yung tao Maylie ! Bat ba ganyan ka ??!! Ikaw naman yung nagsimula ng usapang to ah ! Damn !! " sumisigaw na siya . Kaya napahagulgol na ako..ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito..sobrang sakit..parang nawala yung Rush na nakilala ko dati..yung sweet at mahal na mahal ako...
"Sorry..."
nakita ko sa mukha niya yung pagsisisi .
"Babe Im so sorry..iloveyou.." dugtong pa niya . Pero di ko pinansin yun .
"Aalis na ako.." at tumakbo na ako paalis . Di naman niya ako hinabol pa..at yun ang mas nakapagpasakit sakin..
Narealize ko NapakaTANGA ko pala . TANGA . TANGA . TANGA .
Naniwala ako ng husto sa kanya na ako lang ang mahal niya..takbo lang ako ng takbo habang umiiyak..wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng tao . Pumara na ako ng taxi..pero di pa rin tumigil sa pag agos ang luha ko...
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Ficção AdolescenteIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...
