Chapter 26
*Rush POV*
Pagkatapos ikwento sakin ni Gail ang lahat ng nangyari parang napagkabigat ng pakiramdam ko . Hindi ako makapaniwala . Pero kasalanan ko naman talaga ang lahat , kung sana hindi ko siya iniwan hindi mangyayari yun sa kanya .
Hinanap ko siya..hanggang sa matagpuan ko siya sa dati naming inuupuang barkada . Sa bench malapit sa field . Nakaupo siya dun habang tinitingnan yung box . Yung box na yun..yun yung pinabigay ko kay Gail . Ang ganda niya ngayon sobra . Ibang iba siya sa dating Maylie pala ayos na siya ngayon . Gusto kong tumakbo para yakapin siya ng mahigpit pero hindi pwede . Hindi na kasi niya ako kilala .
Lumapit ako .
"Hi.."
tumabi ako sa kanya .
"Sino ka ? " inaasahan ko na na yun ang sasabihin niya pero di ko alam na masakit pala marinig . Ang sakit.. Masakit na yung taong minahal mo at mahal na mahal mo pa rin hanggang ngayon hindi ka maalala .
Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanya na 'ako to si Rush yung lalaking minahal mo at mahal na mahal ka . Yung taong nagtatanggol sayo . Yung taong palaging nagseselos pag may kausap kang iba . Yung taong hindi makakaya na wala ka sa buhay niya' pero hindi pwede.. Dahil kahit anong gawin ko ngayon , hindi niya ko makikilala . Wala na akong magagawa kundi hintayin na lang ang oras kung kelan babalik sa dati ang lahat .
"..pasensya ka na ha di pa kasi kumpleto yung ala ala ko . Ano nga pala kita dating kaklase o isa sa mga kaibigan ko ? "
Maylie boyfriend mo.. yun ang salitang gustong lumabas sa bibig ko .
Ansakit grabe ! Dahil saken nagkaganyan siya . Kung maibabalik ko lang yung oras..kung pwede ko lang ayusin ang nakaraan gagawin ko..
Gusto ng pumatak ng luha ko pero..dumating yung barkada ko .
Buti naman..
Tanong lang sila ng tanong sakin . Si Maylie..nakatingin lang siya . Parang naguguluhan .
"Im Rush Dominique Joong.." pagpapakilala ko sa kanya .
Tinanggap naman niya yung kamay ko . Two years kong inintay to . Ang mahawakan ulit yung kamay niya..ito na ata ang pinakamaganda at pinakamalambot na kamay na nahawakan ko . Parang ayoko na siyang bitawan . Miss na miss ko na kasi siya e .
Pero binawi din niya agad yung kamay niya . Doon naramdaman ko ang kirot sa puso ko .
***
Nasa balkonahe ako ng building namen nang may lumapit sakin...
si Maylie .
Tumingin ako sa kanya ngumiti naman ito .
"Kabilang ka pala sa barkada..pasensya ka na kanina kung di kita nakilala ha ? "
"Hmmm*nod* okey lang yun.."
"Nga pala bat ngayon lang kita nakita ? " may pagtataka sa mukha niya .
"Nagpunta kasi ako ng states e.."
"Bakit naman ? "
Sasabihin ko ba ? Sabi naman ni Gail ako daw bahala kung ipapaalala ko lahat ng nangyari sa amin .
"May inasikaso e.." pag sisinungaling ko .
"Ah..kilala mo ako ? "
"Oo..kilalang kilala kita.." mahina lang yung pagkakasabi ko dun . Para kasing nawawalan na ako ng lakas . Sobrang naguguilty kasi ako e..
"Talaga ?? " nangingislap yung mata niya .
"Ito ! Yung singsing na to alam mo ba kung san to galing ?? " tinaas niya kamay niya para makita ko yung singsing na yun . Yun yung singsing na niregalo ko sa kanya nung christmas na kami pa .
"..sabi kasi ni Gail sakin talaga to pero di ako naniniwala . " umiling na dugtong pa niya .
Tumango ako .
"Alam mo ?? Pwede mo bang sabihin sakin ? "
tiningnan ko yung mata niya . Kitang kita dun ang pagkainteresado .
"Malalaman mo din yan..pagdating ng oras.." bigla siyang nag pout . Ang cute niya , kaya di ko na napigilan ang sarili ko at pinisil ko yung pisngi niya .
"Ow infinity ?? " nakita niya yung singsing ko na infinity . Bigay niya sakin to nung binigay ko sa kanya yung ring na yun .
[AN : nasa chapter 16 po yung part na sa singsing ng infinity . Tingnan niyo na lang po kung di niyo maalala . ]
Hinawakan niya yung kamay ko .
"San to galing ? "
saktong dating naman nila Gail . Tumingin ako sa kanila pero mukhang iniintay lang nila yung sasabihin ko .
"Galing yan..dun sa..
babaeng pinakamamahal ko.."
mukha namang nagulat sila sa sinabi ko . Habang si Maylie mukhang na amaze .
"Talaga ?? Ang sweet naman . Nasan naman yung girl na yun ? "
Di ko alam ang sasabihin .. kinakabahan ako .
"Nasa..nasa malayo e.."
"Aaw ganun..sorry ha . Pero wag ka mag alala kahit malayo yun sayo sigurado ako mahal na mahal ka nun at hindi ka nun ipagpapalit at higit sa lahat hindi ka nun malilimutan . Kase hindi naman siya mag eeffort ng ganyan kung hindi ka mahalaga at mahal e.." nakangiti niyang sabi siguro pinapalakas na din ang loob ko .
Napangiti ako sa kanya . Hanggang ngayon..she's the reason why I smile .
"Sana nga.."
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Ficção AdolescenteIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...
