Chapter 24

8 1 0
                                    

Chapter 24

2 years later..

*Gail's POV*

"Hmmmmm.." nag iinat ako sabay tingin sa orasan .

Time : 6:00 AM

Maaga pa . Makapagluto na nga . Kailangan maaga kami sa pagpapaenroll ngayon .

Ang bilis ng araw 4th year college na kami ngayon..parang kailan lang kapapasok lang namin bilang 1st year . Naaalala ko tuloy enrollan kami unang nagkakilala ni Maylie .

OOPS ! Speaking of Maylie , dalawang taon na ang nakalilipas mula ng mangyari ang aksidenteng yun . Sobrang sinisisi ko pa rin ang sarili ko dun hanggang ngayon , ako kase kasama niya nun .

>>Fast Forward<<

Yari na kaming mag enroll . Kaso may gagawin muna daw sila kaya ako lang mag isa . Naglalakad ako papunta sa may cafeteria ng biglang may magsalita mula sa kaliwa ko .

"Kamusta na ? "

nagulat ako sa nagsalita . Si...

l

l

l

l

l

l

v

*Rush POV*

Sa wakas ! nakauwi na rin ako sa Philippines . Ang ganda pa rin dito . Medyo nakakapanibago nga lang kase two years na ang nakaraan..

Ngayon mag eenroll ulit ako sa school namin dati . Buti na lang malakas sila mommy dito kaya walang naging problema sa palipat lipat ko ng school .

Palingon lingon ako sa paligid..wala pa ring nagbago . Maganda pa din tulad ng date . Nakita ko yung isang bench malapit dun sa madaming puno.. napangiti ako . Dun kasi kami mahilig maupo ni Maylie nung kami pa..

nung kami pa..

Hays , Kamusta na kaya siya ? Miss na miss ko na siya.. May..boyfriend na kaya siya ?

Mula kasi ng iwan ko siya wala na akong balita mula sa kanya..iniwasan ko kasi na alamin pa ang mga tungkol sa kanya .

Pamaya maya lang ay may napadaan na babae sakin, mukhang papunta sa cafeteria . Di niya naman ako napansin .

"Kamusta ka na ? " wika ko sa babaeng yun .

Kay Gail..

Nakakapagtaka lang kasi mag isa siya ngayon at hindi niya kasama si Maylie .

Mukhang nagulat ata hindi kasi nagsasalita . Nakatingin lang sakin .

"Hmmmm Rush ??? "

l

l

l

l

l

v

*Gail's POV*

Si...

"Hmmm Rush ?? "

gulat na gulat pa rin ako . Ang gwapo gwapo niya lalo kaya hindi ko siya nakilala . Bat nandito siya ?

"Oo ako nga haha.." natatawang wika niya .

"Kelan ka pa bumalik ? Bat di ko ata nalaman ? Oh e bat andito ka ?? "

"Teka naman ! Isa isa lang mahina ang kalaban ! "

"Ahaha sensya.." natawa na din ako .

"Nung isang araw lang ako dumating . Hindi niyo nalaman kasi para kako surprise haha . Dito na kasi ulit ako mag aaral.." sabi niya ng nakangiti sa akin . Ako naman natigilan sa sinabi niya . Seryoso ba siya ? Hindi bat kaya siya nag aral sa states para maikasal agad pagkagraduate niya ?

"Pero diba--"

"Di na ako ikakasal..kinausap ko sila daddy . Nagkaayos na din kami ni Trish tungkol dun.."

*Flashback*

"Rush.." si Trish .

"Hmmm ? "

"Ayos ka lang ba ? "

Mahigit isang taon na kami dito ni Trish sa states .

Matagal na panahon na.. ng mahiwalay ako sa babaeng mahal na mahal ko .

Magkasama kami ni Trish pero si Maylie pa din..akala ko may nararamdaman pa ako para kay Trish . Pero yung feelings pala na yun..para na lang sa isang kaibigan .

"Hmmmm*nod* okey lang ako.."

"Tsss LIAR ! "

umupo siya sa tabi ko .

"..alam ko kung kelan ka masaya at kung kelan ka malungkot..hindi mo naman kailangang magsinungaling e.."

di ako makapagsalita .

"..Alam mo Rush mahal kita pero..pero hindi na ako magpapakasal sayo.."

"Huh ?? Pero bakit ??! "

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita .

"Alam ko naman Rush na kaibigan na lang yung tingin mo sa akin ngayon..nung una nga gusto ko pang magbingi bingihan at magbulag bulagan..ayaw pa sana kitang pakawalan..pero naisip ko..ayokong matulad ka sakin . Alam ko kung gaano kahirap magpakasal sa isang taong hindi mo naman.mahal..mahirap..lalo na at may mahal kang iba . Isa pa Rush , masyado na kitang nasaktan noon , sobra sobra na kaya *sniff* ayoko nang saktan ka pa . Alam ko naman na siya ang mahal mo e , si Maylie tama ba ?? Alam mo kung paano ko nalaman ? Kase nung nakita ko kung paano mo siya tingnan..alam ko na *sniff* Kase Rush the way you looked at her..*sniff* that's exactly the same way you looked at me before . The looks that says Im-inlove-with you , Im-happy-when-you-were-here , Hey-please-stay-with-me , Hey-I-wanna-spend-the-rest-of-my-life-with-you . Thats what your eyes saying Rush . Kaya Rush, I want you to be happy .. thats why IM LETTING YOU GO..."

May tumulong luha sa mga mata ko . Nasasaktan din kasi akong makita siyang ganito dahil malaki na din ang pinagsamahan namin . Pero masaya na rin ako kasi naiintindihan niya ako .

"Salamat Trish..." sabay yakap ko sa kanya .

"Oo na..sige na..umpisahan mo ng ayusin yung mga kailangan mo . Tas umuwi ka na sa pinas.."

"Salamat talaga..And Im really sorry.."

"Don't be . I just want you to be happy . And Im your BESTFRIEND right ? I will do anything for you :) "

*End of Flashback*

"..natagalan lang ako sa pag uwi kasi inayos ko pa yung mga kailangan para sa business namin.." mahabang pagkekwento niya .

"So iyon pala ang nangyari..wow ang galing ! " bilib na bilib na sabi ko . Ang cute talaga ng kwento nila . Sayang nga lang..dapat mas maaga pa nangyari to .

"Hahaha..ikaw talaga . Hmm nga pala yung box..naibigay mo ba sa kanya nun ? "

AY oo nga pala yung box !

"Ah oo ! Naibigay ko yun nung nasa hospital siya . Nagtataka nga siya dun e kase--"

"Hospital ???! " sigaw na tanong niya sakin . Mukhang di makapaniwala .

"Ah oo..hindi mo ba alam ??? "

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon