Chapter
*Rush POV*
Wala na akong gana kaya umuwi na ako sa bahay . Tinawagan ko naman na si Mike , sabi niya naihatid na niya sa bahay si Maylie .
Papasok na ako sa pinto ng bigla akong sinalubong ni mommy . Mukhang tuwang tuwa siya..
"Anak ! Anak ! Si..si Trish...gising na ! " napapaiyak sa tuwa na sabi ni mommy .
Bakit ganito ?? Bakit parang imbes na matuwa ako e ang lungkot ko ?? Di ko maintindihan . Naguguluhan na ako .
***
"Rushh..." tawag sakin ni Trish habang nakahiga pa rin siya .
Andito kami ngayon sa hospital kung san halos naging tirahan na ni Trish sa loob ng mahigit isang taon .
May tumulong luha sa mga mata niya..at pinunasan ko yun .
"Mabuti naman nagising ka na.." naiiyak na sabi ko habang hinahaplos yung mukha niya . Nahihirapan ako na makita siyang ganito .
"Hmmmm*nod* gumising ako para sayo..magpapakasal pa kasi tayo diba ? " nakangiti siya habang sinasabi yun . Natigilan ako..hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko .
"Oo hija..wag ka mag alala magpapakasal kayo pag ka graduate niyo..pag gumaling ka na ng husto lilipad na tayo papuntang states . Kasama si Rush..aayusin natin lahat.. yung matagal na nating plano bago pa mangyari yan . diba Rush ?" wika ni Tita Elaine na mommy ni Trish .
Di ako makasagot . Tumingin ako kay mama , nakatingin lang siya sakin..
So ibig sabihin..
**
"Ma , aalis tayo ??! " tanong ko kay mama .
Nasa labas na kami . Lumabas muna kami para makapag usap .
"Oo anak..yan naman talaga plano natin bago pa mangyari an---"
"Oo Ma , pero may girlfriend na ako diba ? " napataban na ako sa buhok ko . Gulong gulo na ako sa sitwasyon .
"Hindi na ngayon anak..dahil hihiwalayan mo na siya.."
"Pero ma ! "
"Anak ! Para naman sa inyo to e . Saka kayo naman talaga ni Trish diba ?? "
"Para saken ??! Oh para sa inyo ?? Sa tingin niyo ba..magiging masaya pa ako ?? Ma matagal na panahon na yun..mahal ko si Maylie alam niyo yan..akala ko ba gusto niyo siya para saken ??"
"Oo anak gusto ko siya..pero paano ang daddy mo ?? huh !? "
natahimik ako nung marinig ko si mommy . Si daddy kasi..siya yung tipo ng tao na kung ano ang gusto niya yun ang masusunod .
Di na ako nagsalita pa . Umuwi na ako . And I don't know what happen next..
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Genç KurguIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...
