Chapter 21
*Maylie's POV*
Tatlong araw nang hindi pumapasok si Rush..tatlong araw ko na din siyang hindi nakikita . Wala man lang kaming kahit anong communication..kahit Text wala..miss ko na siya..Miss na miss..
Tiningnan ko yung cellphone ko..napangiti ako . Ako at si Rush ang nakawallpaper dun . Kuha yun nung Valentines Party .
Inopen ko sa message..
To : BabyRushKo
[Baby bat di ka pa pumapasok ? Sorry na sa nangyari nung last na pagkikita natin..paramdam ka naman oh ? Miss na miss na kita.. Iloveyou :* ]
Pang ilang text ko na yun..tumulo yung luha ko . Pero pinunasan ko agad yun . Tumayo na ako para sana bumalik na sa room pero nagulat ako sa nakita ko..
si Rush yun . Nakayuko siya habang naglalakad . Tumakbo ako papunta sa kanya . Nang makalapit na ako bigla ko siyang niyakap ng mahigpit..mahigpit na mahigpit . Miss na miss ko na siya..
"Rush ? " tumingin kami sa likod ni Rush..nanggaling yung tinig na yun kay Trish...gising na pala siya..pero bat walang nagbalita sakin ?
Nagulat ako nang biglang bitawan ako ni Rush at tumaban sa kamay ng babae . At pagkatapos naglakad na sila palayo habang ako nakatulala pa ring nakatingin sa kanila..
My body were frozen . I can't move it . I can't speak .
Naramdaman kong tumulo ang luha ko . Nanginginig na rin ang mga kamay ko . Pinahid ko ang unang pumatak mula sa mga mata ko pero biglang naging sunod sunod ang pagpatak nun . Itinaas ko ang kamay ko at pilit na pinaaampat ang mga luha ko pero tuloy tuloy pa rin yun . Baket ganito ? Para akong pinapatay . Di ako makahinga . Sobrang sakit . Nahawakan ko ang dibdib ko pakiramdam ko sasabog yun . Di ko na napigilan ang mapahagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman ko . Niloko lang ba ako ni Rush ? Ngayon pang sobrang mahal ko na siya...
then biglang may nagflashback sakin..yung panaginip ko..
*Flashback*
"Bat nandito ka ? " ako .
"Wala aalis ako e.."
"Huh ? San..ka pupunta ?? " nauutal na sabi ko .
"Sasama sa kanya . " sabay turo sa babae .
At umalis na nga sila ng magkahawak ang kamay..
*End of Flashback*
"Siya ? Siya pala yung babaeng yun ?! " humagulgol na wika ko sa sarili ko . Taban taban ko yung dibdib ko hindi ako makahinga . Mas masakit pa to sa nangyari sakin sa first love ko . Nung makita ko sila ng magkaakbay at magkasama nasaktan ako pero di kasing sakit ng ngayon..para akong unti unting pinapatay hanggang sa wala na akong makita..wala na din akong marinig..di ko maikilos ang katawan ko...
"MAYLIIEEEE !! "
tinig ni Gail yun kahit di ko siya makita kilala ko ang boses niya . At naramdaman ko na lang bumagsak na ako sa lupa.. And I dont know what will happen next..
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Teen FictionIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...