Chapter 29

6 1 0
                                        

Chapter 29

*Rush POV*

Hindi ko siya mapapatawad..

Hindi ko siya mapapatawad..

Hindi ko siya mapapatawad..

Ang sakit .. Sobra ! Sa tingin ko panahon na para sumuko ako .

Graduation Day namin ngayon..

aalis na ulit ako ng bansa . Napagpasyahan ko kasi na dun na lang ako magtrabaho tutal wala naman na akong dahilan pa para mag stay dito . Hindi na niya ako mapapatawad..

"Pare dun ka na ba talaga ? " ani Mike .

"Oo pare e.." malungkot na sabi ko .

"Pero pano si Maylie ? " ani Axell .

"Naaalala niyo ba yung sabi niya nun ? Hindi na niya ako mapapatawad.."

"Susuko ka na lang ??? ganon ??! "

"Mga pars..masakit kasi e..mahal na mahal ko yun e..alam niyo yung feeling na parang sinabi na din niya na wala na akong pag asa..sobrang sakit ! " biglang tumulo yung luha ko . Ang bigat ng nararamdaman ko .

"Oy ! Kayo diyan ! Tara na kayo dito oh !! " tawag ni Gail samin . Pinunasan ko ang luha ko at lumapit na kami .

**

Tapos na ang Graduation..

Nagpalinga linga ako sa paligid ng school .

Mamimiss ko tong lugar na to..kung san ko nakilala si Maylie . Tiningnan ko yung mga parte ng school kung san kami madalas na magkasama..napangiti ako . Pero sa kabila ng ngiting yun may malaking lungkot sa puso ko..

"isang magandang ala ala na lang ang lahat ngayon.." bulong ko sa sarili ko . Tumulo yung luha ko pero nagpatuloy na ako sa pag lalakad .

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon