Chapter 19
*Rush POV*
Hindi ko inaasahan na iiyak siya ng ganon..di ko naman sinasadya na sigawan siya e..ayoko siyang saktan..pero mukhang tama nga siya , may nararamdaman pa nga yata ako kay Trish dahil hanggang ngayon..sobrang affected pa rin ako...
"Mike please , ikaw na muna bahala kay Maylie..siguraduhin mong ayos lang siya..saka na ako magpapaliwanag...salamat.."
sabi ko kay Mike . Alam kong siya ang makakatulong sakin..magaling kasi siya mag comfort ng mga babae saka mas close kasi siya ni Maylie kesa sa ibang lalaki naming kabarkada .
l
l
l
l
l
l
l
l
v
*Mike's POV*
"Sige ako na bahala.." yun lang ang sinagot ko kay Rush at binaba ko na ang cellphone ko..
Pinuntahan ko si Maylie sa bahay nila pero sabi ni Gail wala daw dun . San kaya nagpunta yun ??
Aha ! Mukhang alam ko na kung san yun nagpunta . Isa lang naman yung paborito nung puntahan e..
sa Park kung san sila nagpunta ni Rush nung nagliligawan pa lang sila . Di ko alam yung name ng park dahil hindi naman sikat at madalang lang ako nagagawi dito..
Hindi ako nagkamali nandito nga siya... kaso iyak siya ng iyak . Ano kayang nangyari sa kanila ? Naaawa ako sa kanya , ngayon ko lang kasi siya nakitang nagkaganito..sa itsura niya ngayon di mo makikita yung Maylie na sweet at masayahin..
"Maylie.." tawag ko sa kanya pagkalapit ko .
Pinunasan niya yung luha niya at tumingin sakin..
Ngumiti siya pero halatang pilit . Tinabihan ko siya sa upuan..
"Sabi na nga ba nandito ka lang.." ako .
"Bakit hinahanap mo ba ako ? " tanong niya .
"Oo e.."
"Huh ? Bakit naman ?? " nagtatakang tanong niya . Nakakunot noo pa siya haha . Ang cute niya kahit bagong iyak..di na ako magtataka kung bakit nainlove dito yung kaibigan ko .
"Wala naman..pinapunta ako dito ni Rush.."
Bigla siyang natahimik at yumuko .
"Oh bakit naman bigla ka na diyang nalungkot ? "
umiling lang siya..kasabay nun may tumulong luha sa mga mata niya .
"Wag ka na umiyak..maaayos din yan.." pang aalo ko sa kanya .
"Ang sakit kase e..ang sakit sakit na makita *sniff* siyang ganon dahil sa Trish na yon ! Kahit minsan *sniff* di niya ako sinigawan pero..pe-pero dahil dun nagawa niya yun saken.."
Yun pala pinag awayan nila..pero sinigawan siya ? Pambihira oh tsss . Ano ba nangyayari dun ??
"Wag mo na pansinin yun..siguro hanggang ngayon sinisisi pa rin niya yung sarili niya . Kase siya ang boyfriend pero wala man lang siya nagawa para kay Trish..si Trish kase napagtripan ng barkada nila Lawrence nun..sila Lawrence sila yung sikat sa campus namin nun..at dahil don nasagasaan si Trish . Nandun kami nun sa mismong pangyayaring yun..nasagasaan siya kase nagtatakbo siya nung makita niya sila Lawrence..siguro dahil galit na galit siya sa mga yun..after that accident na Coma siya . Masyadong dinamdam ni Rush yun , hindi siya nag girlfriend mula nun . Pero nung dumating ka..nabago ang lahat . Di nga namin inaasahan na ikaw na isang simpleng babae..matatanggal mo yung lungkot sa puso niya . Kaya alam mo malaki ang pasasalamat namin sayo kase dumating ka sa buhay niya.."
"Pero di niya ako mahal.." humihikbing sabi niya .
"Pano mo naman yan nasabi ? Sinabi niya sayo ??"
Umiling siya .
"Nararamdaman ko na yun pa rin yung mahal niya..kanina nung pinag uusapan namin si Trish . Nakita ko lahat sa mga mata niya . Ang sakit , poot at pagmamahal niya sa babaeng yun . Yun ang hindi ko kaya..kase mahal ko siya..mahal na mahal.."
Hays ! Wala akong masabe ! Kahit kase ako alam ko na talagang minahal ni Rush yun..kaya di imposible na hanggang ngayon may nararamdaman pa siya para kay Trish . Papaasahin ko lang si Maylie kung sasabihin kong wala .
"Tutulungan kita..aayusin natin yan..wag ka na umiyak.."
![](https://img.wattpad.com/cover/3319324-288-k913869.jpg)
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Novela JuvenilIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...