Chapter 30

14 1 0
                                        

Chapter 30

*Maylie's POV*

Ngayon ang alis ni Rush papuntang states . Ayaw niya magpahatid samin kase daw malulungkot lang siya . Sa loob ng mga araw na nagkasama kami..gumaan ang loob ko sa kanya .

Naaalala ko pa nung inapoy ako ng lagnat siya ang nag alaga sakin . Di siya halos natulog mabantayan lang ako . Nasa bahay niya ako nun dahil gagawa sana kami ng activity .

Nung sa P.E naman namin nun . Nadapa ako katangahan ko kasi yun tuloy hindi ako makapag lakad ng maayos kaya pinasan niya ako . Ang sweet diba ? hahaha .

At higit sa lahat ang hindi ko malilimutan yung kinantahan niya ako ng paborito kong kanta na PiecesOfMe nung hindi ako makatulog . Nasa baguio kami nun para sa seminar camp .

Ngayon aalis na siya..

Napatingin ako sa isang susi na taban ko . Bigay niya to kanina pagkayari ng graduation . Itatanong ko sana kung para san pero madaming abala kaya hindi ko na nagawa . Bigla kong naalala yung box na halos dalawang taon mahigit ko ng tinatago . Kinuha ko yun sa bag ko .

Sinubukan kong itry dun yung susi .

Wow ! Bumukas !

Sa loob ng box may isang necklace na heart ..at sa loob ng heart na yun nakasulat ang 'RushLie' . Tiningnan ko pa yung ibang laman . May mga pictures na puro kaming dalawa ang magkasama . Pero hindi ko naman matandaan ang mga kuhang yun . May isang message..

( Baby happy 10th monthsary ! Mahal na mahal kita..kahit aalis ako ngayon para magpakasal sa ibang babae . Ipapangako ko sayo at sa sarili ko na ikaw lang mamahalin ko habang buhay..mag iingat ka palagi ha ? Iloveyou.. )

Kasabay nun pumatak ang mga luha ko . Biglang sumakit ang ulo ko , masakit na masakit . At isa isang dumaloy ang mga ala alang matagal ko ng gustong malaman...

"Aalis na ulit siya ?? No ! Kailangan ko siyang pigilan ! Mahal na mahal ko siya.." sabi ko habang tuloy tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko .

Tumakbo ako . Kahit umiiyak takbo pa rin ako ng takbo .

Hanggang makarating ako malapit sa may field . May nakita akong lalaki na naglalakad . Nakayuko lang siya pero patuloy pa rin sa paglalakad . Kilalang kilala ko siya kahit nakatalikod pa .

"Iiwan mo ulit ako ?? " umiiyak na sabi ko . Tumigil siya sa paglalakad .

Lumingon siya . Umiiyak din siya .

"Maylie.." mahina niyang sabi kasabay ng pagpatak ng luha niya .

"Bumalik na yung ala ala ko..dahil dito.." inangat ko yung box na bigay niya dati .

"..Iiwan mo ba ulit ako ?? " dugtong ko .

Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit .

"No , hindi na kita iiwan ulit akala ko kasi hindi mo na talaga ako mapapatawad . Masyado kong pinagsisihan ang ginawa ko nun sayo . Sorry...Sorry for all I did wrong . Sorry for breaking up with you without even saying the reason . Sorry for being such a stupid..Sorry....sorry..."

Nararamdaman ko yung mga luha niya na unti unting bumabasa sa damit ko .

"No..pinatawad na kita..mas di ko makakaya kapag nawala ka ulit saken.." iyak din ako ng iyak habang nakasandal sa dibdib niya .

Bumitiw siya at tinabanan ako sa dalawa kong pisngi .

"Naaalala mo ba yung tanong mo sakin dati na hindi ko nasagot ? Yung tinanong mo ko kung mahal ko ba si Trish ? "

Tumango ako .

"..ang sagot ko don hindi . Dahil ikaw lang ang mahal ko . Mahal na mahal kita Maylie..mahal na mahal..mahal na mahal..." paulit ulit niya yung sinasabi hanggang unti unti ng humina ang mga salitang yun .

Ngumiti ako . Yun na ata ang pinakamasayang ngiti na nagmarka sa mga labi ko .

"Mahal na mahal din kita Rush..mahal din kita...

because YOU'RE MY EVERYTHING.."

Ngumiti siya ng matamis at dahan dahang bumaba ang labi nito papunta sa labi ko...

^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^_^

AN : thanks po sa mga nagbasa ^_____^ yung VOTE niyo po ah . Asahan ko yan hahaha . Thank you , Godbless Ü Mwa ! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon