Chapter 22
*Rush POV*
Tatlong araw akong di nakakapasok..inayos kasi namin yung flight namin papuntang states . Tatlong araw..parang napakatagal na panahon dahil miss na miss ko na si Maylie . Ilang text messages na din ang narerecieve ko mula sa kanya pero isa man don wala akong nireplyan kailangan ko na kasi talaga siyang layuan . Dahil kung di ko pa yun gagawin masasaktan lang siya kapag dumating na sa point na kailangan ko ng umalis..
Naglalakad lakad lang ako dito sa school..sinamahan ko kasi si Trish .
Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin ng mahigpit . Mahigpit na mahigpit . Alam ko na si Maylie yun . Pero kahit sobrang miss na miss ko na siya..kahit na gustong gusto ko siyang yakapin..hindi ko pa rin siya niyakap . At alam kong ang ginawa kong yun ay isa sa pagsisihan ko sa buong buhay ko .
"Rush ? " tinig yun ni Trish mula sa likuran namin .
Di niya alam na may girlfriend ako kaya..
Binitawan ko si Maylie at humawak sa kamay ni Trish . Ang sakit para sakin..parang nilulukot yung puso ko . Ang sikip sikip sa dibdib . Pero kailangan ko yung gawin .
Naglakad na kami palayo ni Trish ng magkahawak kamay.. habang siya iniwan namin ng umiiyak..
Alam ko NAPAKALAKI KONG GAGO !!! Pero wala na akong magagawa .
l
l
l
l
l
l
v
*Maylie's POV*
"Ahhh ! " daing ko habang hawak hawak yung ulo ko . Ang sakit kasi , parang binibiyak sa kirot .
Natigilan ako ng makita kong wala ako sa bahay .
"Best buti naman gising ka na..dinala ka namin nila Mike dito sa clinic ng school kasi hinimatay ka..inaapoy ka pala ng lagnat e . Ano bang nangyari sayo ? huh ?? " nag aalalang tanong sakin ni Gail .
Tumingin ako sa paligid . Tama nga siya nasa clinic ako..biglang may tumulong luha sa mga mata ko .
"Best.."
"Gail si Rush..ibalik niyo siya sakin pleasee . Hindi ko kaya ng wala siya.." humahagulgol na sabi ko kay Gail .
Niyakap niya ako habang dahan dahang hinahaplos yung likod ko .
Nasa ganun kaming sitwasyon ng may marinig akong nag uusap .
"Hmm sa isang araw na pala yung flight nila Rush papuntang states.."
"Bat ang bilis naman ? "
"Dun na daw muna ata mag aaral tapos aayusin na yung kasal nila.."
"FLIGHT ???! KASAL ??! " umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kanila . Nasa likuran nila ako nun .
Mukhang nagulat sila kaya bigla silang napatingin sa gawi ko .
"Maylie.." si mike .
"Matagal niyo na bang alam to ha ??! " sigaw ko .
"No..sinabi lang niya samin nung isang gabi.." si Cian .
Hindi ko din naman sila masisisi alam ko na ayaw lang nila ako masaktan kaya nila hindi sinabi sakin ang tungkol dun.
Hindi na ako sumagot . Tumakbo na ako at sumakay ng taxi . Kailangan kong kausapin si Rush .
Ilang oras lang ay nandito na ako . Nag doorbell ako .
Ilang sandali lang ay pinagbuksan na ako ng maid at pinatuloy . Kilala na ako ng mga maids dito kaya hinayaan na lang nila ako .
"Sige hija tuloy ka..si Rush nasa kwarto niya dumiretso ka na lang dun.." wika ng isang maid .
Pumunta na ako sa kwarto ni Rush . Nakasara ang pinto kaya tumoktok na rin ako . Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at nakita ko siya . Gustong tumulo ng luha ko pagkakita ko sa kanya pero pilit kong pinigilan . Ayoko na makita niya akong umiyak . Isasara sana niya pero..
"Teka lang Rush gusto sana kitang makausap.." taban taban ko ang pinto nun . Narinig ko na nagbuntong hininga siya .
"Sabihin mo na.." malamig na sabi niya sakin . Maging mga mata niya ay walang kaemo emosyon .
"A-aalis ka ba.. talaga ? Iiwan mo na-na ako ? " putol putol na sabi ko . Gusto kong umiyak pero ayoko sa pagkakataong ito , gusto kong malaman ang isasagot niya .
Matagal tagal muna siyang nakatingin sakin saka..tumango .
Natawa ako pagak habang umiiling iling . Di ako makapaniwala sa nangyayari. "Ah..hmm pano na tayo ?? "
"Wala ng tayo.." malamig pa sa yelo na wika niya .
"Anong..anong ibig mong sabihin ?? "
"Lets end this.."
Para akong binagsakan ng langit at lupa pagkarinig ko sa salitang yun . Three words..tatlong salita lang yun pero para akong unti unting pinapatay .
That moment when someone tells you something that hurts you and you try not to cry .
Sobrang hirap..
"Mahal mo ba si Trish ? " nakatinging sa baba na tanong ko sa kanya . Ayoko makita ang mata niya . Ayoko makita na parang 'wala lang' ako kung tingnan niya ngayon .
"Hindi mo na kailangang malaman yan.."
"I need to.."
Kung sakaling sabihin niyang oo . Kahit masakit , kahit sobrang sakit . I will let him go . Even if it will hurts me A LOT .
"Why ?! " sigaw niya .
"Kung mahal mo siya , I will wish you happiness with her . Aalis ako at tatalikod at hindi na uli lilingon pa . Pero kung hindi--"
"Kung hindi ay ano ?? "
"Kung hindi mo siya mahal ay ipaglalaban kita.." diretsong tingin sa matang turan ko sa kanya . "..kukunin kita sa kanya.."
"Ba-bakit ? "
"Sasagutin ko yan kapag sinagot mo ang tanong ko . Mahal mo ba si Trish ?"
Hindi siya sumagot .
"Mahal mo ba siya Rush ??! "
"Sweetheart ? "
narinig namin ang tinig na yun mula sa aking likuran . Hindi namin namalayan na nakaakyat na pala ng hagdan si Trish at nakalapit na sa amin .
"Sabi ko na nga ba dito ka dumiretso . Sinama ako nila mommy sa pag aasikaso nung pag alis natin e .. hmm something wrong ? "
ani Trish sabay kapit sa braso ni Rush at tumingin sakin .
"Nothing . Pasok na tayo sa loob.." sabi ni Rush sabay sara ng pinto .
Habang sinasarado niya ang pinto ang pakiramdam ko ay sinasarado niya ang buhay niya sa akin..sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon , para akong unti unting pinapatay . Naranasan ko ng balewalain pero mas grabe pala ang sakit kapag ang taong tumatalikod sayo ay ang taong mahal na mahal mo at hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko..
paalis na ako ng makasalubong ko ang mama ni Rush . Halatang malungkot din siya .
"Maylie baby , I like you for my son , but he has a fiance I didn't know that I will met you , so please take you memories with Rush.."
I nod .
I know , it hurts .
But he needs to .
For his parents he'll do .
Tama nga talaga..
SOMETIMES YOU JUST HAVE TO ACCEPT THE FACT THAT SOME PEOPLE ONLY ENTER YOUR LIFE AS A TEMPORARY HAPPINESS :|

BINABASA MO ANG
You're My Everything
Teen FictionIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...