Chapter 28
*Maylie's POV*
"Class magkakaroon tayo ng activity na gagawin niyo para sa sembreak . Partner partner , lalaki at babae . Osya sasabihin ko na ang mga partner..Rochelle & Angelo , Gail & Mike , Cian & Raquel , Axell & Paula , Janneth & Josh , Maylie & Rush....blah blah blah blah..."
Tumingin ako kay Rush , nakatingin din siya . Ngumiti ako at ngumiti din siya . Bakit ganito ? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ? Nagkakagusto na nga kaya ako sa kanya ?
***
Sa bahay..
"Gail may tanong ako.." ako habang nakaupo sa lamesa . Katatapos lang magluto ni Gail kaya umupo na din siya sa upuan kaharap ko .
"Bakit ba ayaw mong sabihin sakin ang dahilan kung bakit ako naaksidente ? "
Mukha naman siyang nagulat dahil saglit siyang di nakapagsalita .
"Gusto mo ba talagang malaman ? " bakas sa mga mata niya ang lungkot . Tumango ako .
Huminga siya ng malalim .
"Kaya ka naaksidente nun kase dahil sa ex boyfriend mo . Lasing na lasing ka nun . Di mo kasi matanggap na....na..iniwan ka niya.."
Parang sumikip ang dibdib ko . Parang may ala alang gustong bumalik sa isipan ko . Ang sakit ng ulo ko..
"Gail ! Maylie ! Andito kami !" tawag ng tinig mula sa pinto . Sigurado ako sa boses na yun sila Raquel yun . Binuksan ko ang pinto , kasama sila Rush . Nginitian niya ako..
Eto na naman..ang bilis na naman ng tibok ng puso ko . Pinagpapawisan at kinakabahan ako . Bat ba ganito ? Inlove ba ako sa kanya ?
**
Nakaupo na kami nun sa sala..
Bida bidahan lang sila ako nakatahimik lang..
"Bat ba ako iniwan ako nung... sinasabi niyong dahilan ng pag kaka aksidente ko ? " biglang tanong ko .
Nagulat naman sila . Lahat sila natigilan sa mga ginagawa at nakatingin lang sakin .
"Ehem !" si Cian .
"Masaya ka naman na diba ? Wag mo na lang ungkatin pa yun.." si Rochelle .
"Pero..sa tingin niyo ba makukumpleto ang ala ala ko kung may tinatago kayo sakin ? Hindi..kaya please sabihin niyo na.."
Tahimik lang sila .
"Pero Maylie..kung sakaling balikan ka ba..nung taong yun..tatanggapin mo pa siya ?? " biglang tanong ni Rush . Halatang kinakabahan siya putol putol din ang pagsasalita niya .
Umiling ako .
"Hindi ! Kase..Dahil sa kanya nangyari sakin to . Dahil sa kanya naghihirap ako ngayon . Kasalanan niya lahat . Kasalanan niya !! Hindi ko siya mapapatawad.." sabi ko sabay talikod . Pumunta na ako sa kwarto ko
![](https://img.wattpad.com/cover/3319324-288-k913869.jpg)
BINABASA MO ANG
You're My Everything
JugendliteraturIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...