Chapter Eight

11 1 0
                                        

Chapter Eight

*Rush POV*

Kinakabahan ako alam kong maaga pang masyado para sabihin ko to pero di ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko .

Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ko yung kamay niya .

"Alam mo ang gaan ng pakiramdam ko sayo ."

kinakabahan ako di ko alam kung saan sisimulan .

"Ako din . " matipid niyang sagot .

Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita .

"Salamat sayo Maylie ha , kasi palagi kang andiyan , nakakasama ko . At mabait ka sa akin , nakalimutan kong maging malungkot . "

Nakatitig ako sa kanya .

Tinitingnan kung ano magiging reaksiyon niya .

"Salamat din sayo Rush kasi naging kaibigan kita . "

nanginginig siya . Ewan ko kung bakit , Itutuloy ko pa kaya ? hays . ang hirap kinakabahan ako .

"Maylie may sasabihin sana ako sayo "

seryoso ako habang nakatitig pa rin sa kanya .

"Ano yun Rush ? " tanong niya .

Nararamdaman ko na nanlalamig yung kamay niya .

"Gusto na ata kita .."

kasabay ng pagkasabi ko biglang bumuhos yung malakas na ulan .

Makulimlim kasi kanina nung hapon kaya inaasahan ko na uulan .

Kaso di ko alam na sa ganitong time pa .

Hinila ko siya at tumakbo kami sa may isang cottage .

Ayoko na lagnatin pa siya o masipon .

Pagkarating namin dun , tinanong niya ako .

"Ano ulit yun Rush ? Di ko kasi narinig e . "

nakatingin siya sakin .

" Wala yun."

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon