Chapter 18
*Rush POV*
Grabe sobrang saya ko . 9th monthsary namin ang pinakamemorable sakin sa lahat . Hindi pa rin talaga ako maka get over sa mga nangyari kahapon haha . Di ko naman inaasahan na ikikiss niya ako e kaya nabigla ako nung ginawa niya yun . Syempre sinulit ko na ang pagkakataon kaya pinalalim ko pa yun . Lahat ng mga bagay bagay na nangyari samin mula ng maging kami wala akong pinagsisihan dun . Napakaswerte ko na nakilala ko ang isang tulad niya..
***
Di ko na kasabay pumasok si Maylie nang mga nagdaang araw , sabi niya kasi wag ko na daw siyang sunduin mas mabuti na daw kasi yung hindi kami maya't mayang magkasama para daw kahit papaano mamimiss namin ang isat isa . Kung alam niya lang..Araw arawan at mayat maya ko kaya siya namimiss . Hays , Nakakalungkot tuloy..
Paliko na ako pagkatapos ko akyatin yung hagdan ng may narinig akong nag uusap .
"E pano na yun ? Kailangan mamaya ayusin na natin yun . Sabay na tayo bumili mamaya . " galing ang boses na yun sa isang lalaki .
"Ha ? hmmm oh sige . Kailangan matapos na natin yan ngayon ha ? pagtulungan na natin.."
Pamilyar sakin ang boses na yun ah . Nang tingnan ko si
Maylie pala . Kausap niya yung isa sa kagroup niya na si Kyle . Hays nakakabwisit naman oh ! Parang gusto kong manuntok ! Grabe ! Bat ba kase sila magkasama ng unggoy na yun ??! Kaya ba ayaw na niyang magpasundo sakin para magawa niya na yung mga gusto niya ???? Hays..kung ano ano tuloy naiisip ko .
Napatingin siya sa gawi ko at nakita ako . Ngumiti siya sakin at nag wave . Ang cute niya.. Hays paano ako magagalit sa kanya e ngayon nga lang ayan at nacucutan ako sa kanya . Lakas talaga ng appeal nitong babaeng to ! Kaya inlove ako dito e . haha
"Sige mamaya na lang..bye ingat. " narinig ko siyang nagpaalam na dun sa bwisit na lalaking yun . Buti naman !
"uy Boyfie ko andito ka na pala..bat ayaw mo pa pumasok ? " tanong niya saken at lumapit .
Di ako nagsalita . Di ko siya pinapansin .
"Hmm galit ka ba ? "
Hindi pa rin ako umiimik .
"Hmmm galit ka nga . Alam mo papanget ka niyan..parang ganito oh.."
Nag make face siya na kunwaring parang monster . Pasaway tong babaeng to ah ! pero medyo gumagaan ang pakiramdam ko .
"At ganito pa.." nagmake face siya ulit . Mas nakakaloko ang sumunod na itsura niya ngayon . Napangiti na ako...at unti unting humuhupa ang galit ko . How can I stay angry when she's doing her best to make me smile .
"Ayan buti naman nag smile ka na . Ang gwapo gwapo eh oh.." tapos pinisil niya yung left cheek ko .
"Haha ikaw talaga.." inalog ko yung buhok niya .
"Ayoko na ng lumalapit ka sa ibang lalaki ng walang paalam ha ? " dugtong ko pa .
"Bakit nagseselos ka ba ?" kumapit siya sa braso ko at nag umpisa na kaming maglakad papunta sa room namin .
"OO eh..I get jealous when you are talking to someone instead of me.." yun lang ang sagot ko pero nakita ko sa mukha niya ang isang ngiti . Ang ganda niya pag nakangiti..sana palagi na lang siyang ganyan..
***
l
l
l
l
l
l
v
BINABASA MO ANG
You're My Everything
Teen FictionIto ay story ng isang hearthrob na boy na nagkagusto sa isang napaka simpleng girl . Naging masaya ang mga araw na dumaan sa kanilang dalawa , lalo na ng maging sila . Pero isang araw bumalik ang fiance nito na nakaComatose , ito ang babae na minaha...
