Chapter Nine

10 1 0
                                        

Chapter Nine

Andito pa din kami sa cottage . Umuulan pa kasi .

Nakita ko si Maylie giniginaw siya , nabasa rin kasi kami kahit papaano kahit tumakbo naman kami .

"Maylie.."

Tumingin siya sakin .

"Bakit ? " tanong niya .

"Kung sakali na may manligaw sayo... papayagan mo ba ? "

hinihintay ko siyang sumagot .

"Ewan..." yun lang yung sabi niya .

Di ko na sinagot yung sinabi niya . Para kasing nawalan ako ng buhay sa sagot niyang ewan niya . Di ko alam kung bakit , ewan lang naman yung sinabi niya hindi HINDI . Pero yung dating kasi ng ewan na yun sakin parang wala akong pag asa .

Pamaya maya tumigil na din yung ulan .

"Tara na " pag aya ko sa kanya .

Tinabanan ko yung kamay niya at hinila na siya .

Nakarating na kami sa mga rooms .

"Maligo ka na at magbihis ka na , baka lagnatin ka pa . Matulog ka na din pagkatapos mo . " sabi ko sa kanya .

Ayoko siyang magkasakit . Importante siya sa akin .

She nodded .

"Ikaw din.." ngumiti siya tas tumalikod na .

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang papasok siya sa may kwarto .

Di ko alam na aabot ako sa ganito . Akala ko simpleng gaan ng loob lang ang nararamdaman ko para sa kanya . Pero ngayon iba na , mas higit pa dun .

Nung nag enroll siya , yun ang unang kita ko sa kanya .

Unang kita ko pa lang....

unang sulyap pa lang...

parang gumaan ang loob ko...

At ngayon nga na nagkakilala na kami parang...

nawala yung sakit na dulot ni Trish....

Nawala yung lungkot sa puso ko .

You're My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon