May napapansin sya sa kaibigan, kakaiba ang aura nito ngayon. Mukhang masaya at blooming. Bakit kaya?
" Mia, ang ganda natin ngayon ah, in love? "
" Psshh..wag kang maingay. May date ako ", kinikilig na sabi nito
" Sus..ano naman, bakit kailangan secret? "
" Eh kasi, si...Darren yung date ko mamaya. "
" Ano?! Totoo ba yan?! "
" Wag ka sabing maingay "
" Pero bakit? Paano nangyari yun? "
" Tinext ko sya, nagpakilala ko. Surprisingly..kilala nya pala ko. Imagine, kilala ko ni Darren"
" O tapos..? "
" Nilakasan ko na loob ko, kinapalan ko na mukha ko. Ayun..niyaya ko sya na kumain kami sa labas. Sabi ko friendly date lang "
" Ganon lang? Pumayag agad? Kaladkarin ba yun, parang hindi naman. Yung totoo Mia, bakit sya pumayag sa gusto mo? "
" Sobra ka! Maganda naman ako ah, hindi sya lugi pag dinate nya ko."
" Look Mia, don't get me wrong. You're beautiful, but admit the fact na stand out beauty ang mga nagiging fling nun. Ikaw maganda lang! "
" Ganyan ka straightforward? Imbes na suportahan mo ko. How dare you? Kaya walang nanliligaw sa iyo dahil sa ugali mo, dyan ka na nga! Tse! "
Anong nangyari dun? Naoffend? Eh totoo naman!
Pasakay na sya ng kotse ng may biglang humarang sa kanya.
" Kumusta ka na Manang Liza? "
" Drew..ano to? Kinakamusta mo ko eh nagkita naman tayo kanina sa klase "
" Kita nyo na..ang taray di ba? "
Sasagot pa sana sya pero hinawakan ng dalawang kasama ni Drew ang magkabila nyang kamay. Gagamitin sana nya ang mga paa para manlaban ng bigla syang buhatin ni Drew papunta sa sasakyan nito. Hindi sya nakasigaw dahil tinakpan din ang bibig nya.
" Walanghiya ka! Anong ginagawa mo?! Nagsama ka pa ng mga alagad! Tara magsuntukan na lang tayo. ",nasa loob na sya ng kotse ni Drew.
Sinampal sya nito na labis na ikinagulat nya. Nasaktan sya..pero hindi sya natinag..ni hindi nagpakita ng takot sa tatlong lalaking kasama nya ngayon.
" Bakla ka ba? Kailangan saktan mo ko habang hawak hawak ng mga alagad mo ang dalawang kamay ko? Hayop ka Drew.. "
Hindi na nya natuloy ang mga sasabihin pa dahil sinisiil na sya ng halik ni Drew. Wala syang magawa, sumisigaw sya pero tila walang makarinig sa kanya. Nang dumampi ang kamay nito sa kanyang dibdib at sa maselang bahagi ng katawan nya ay doon lumabas lahat ng galit nya. Buong lakas nitong ginamit ang natitirang pwersa dahilan para makawala sya sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya. Hindi nya mapapalampas ang ganitong pagkakataon! Kahit nahihirapan, sinipa nya at sinuntok ang grupo ni Drew sabay labas ng kotse. Mabilis syang tumakbo patungo sa kanyang sasakyan.
Nang matiyak nyang hindi nakasunod ang mga ito ay nagsimula nyang pinaandar ang kotse. Pero bago sya umalis ay isang maiitim na balak ang nabuo sa isip nya. Pinaharurot nya ito patungo sa direksyon ng mga lalaking demonyo. Binangga nya ang bagong Mercedes Benz ni Drew ng buong lakas. Sa likod..sa harap..at sa tagiliran. Wasak na wasak ito. Wala syang pakialam kung ano na ang nangyari sa mga taong nasa loob nito. Sana nga ay mamatay na kayo! Mga hayop! Sigaw nya pa bago sya tuluyang umalis.

BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!