LIZA :
" Ano yung show mo kanina? ", tanong ko kay Darren ng masigurong kami na lang ang nasa sala. Sa aming lima, si daddy lang yata ang nalasing..sabagay hindi naman kami masyado uminom
" Show? Matapos akong magpakatapang kanina sa harap ng daddy mo at mga kaibigan mo, sasabihin mo na show lang yung ginawa ko? Ano..palabas lang ba ang tingin mo sa lahat? "
May paghihimutok at tampo sa boses nya..naguilty naman akong bigla. Pero kasi ito yung paraan ko para itago yung totoo kong nararamdaman.
" I-I'm sorry ", nasabi ko na lang
Sa mga oras na to gustung gusto ko ng lumantad. Gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal ko rin sya..matagal na! Pero natatakot ako na kapag umamin ako bigla naman nya kong iwan. Alam ko na isa kong challenge sa kanya, at ayokong marealized nya na kaya nya ko hinahabol habol ay dahil sa hindi nya ko tuluyang makuha. Kaya hanggang ngayon may reservation pa rin ako, ayoko kasing matapos kami agad. Yung sweetness nya, yung effort, yung kilig kapag nagkikita kaming dalawa..lahat yun ayoko pang mawala. Hindi ko kasi alam kung totoo na lahat ng nakikita ko..kung hanggang saan yung sinasabi nyang pagmamahal.
" Liza..are you afraid of me?..kasi nararamdaman ko na gusto mo ko, pero bakit ayaw mong ipakita? "
Tahimik lang ako, ayokong magsalita. Wala akong maisasagot..mahuhuli nya lang ako.
" Kilala mo ko Liza, matagal na tayo sa ganitong set up, aren't you tired of this? "
" Yun na nga eh..kilala na kita. At ang pagkakakilala ko sa iyo ang malaking hadlang kung bakit ayokong bumigay sa iyo ", shit! ano ba tong nasabi ko
Akala ko magagalit sya, kaya nagulat ako na isang pilyong ngiti ang pinakawalan nya mula sa kanyang labi. Anong tinatawa tawa nito?
" What? Hindi ka pa pala bumibigay ng lagay na yan? Matagal ka ng bumigay sa kin, honey "
Nainis ako sa sinabi nya, anong gusto nyang palabasin? Porke isinuko ko na sa kanya ang pagkababae ko ganyan na. Hambog pa rin pala sya!
" Bastos! ", tinangka kong sampalin sya pero mabilis nyang kinuha ang dalawang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.
" Darren ano ba, pakawalan mo ko!", pagpupumiglas ko
" Pakinggan mo muna ko Liza, and forgive me for saying this. Don't deny it..it's true, bumibigay ka naman talaga kapag ako ang kaharap mo hindi ba? You are a decent woman and you wouldn't give yourself to anybody just for the sake of pleasure and need, gaya ng sinasabi mo sa kin. Lahat ng nangyari sa tin at lahat ng mangyayari pa ay gugustuhin mo..dahil mahal mo rin ko. "
Nawalan ako ng lakas sa sinabi nya. At sa mga oras na to, ito ang hinihingi ng sitwasyon..ang umamin..kahit may takot..kahit may alinlangan.
" Oo Darren mahal kita! Pero tama ka, natatakot ako. Takot ako dahil baka sa oras na tuluyan akong mahulog sa iyo ay talikuran mo na rin ako. Takot ako dahil ang daming tao dyan na nanghihingi ng atensyon mo.."
" Sshhhh ", pinigilan ng mga daliri nya ang bibig ko na muling magsalita.
Marami pa sana kong gustong sabihin pero hindi ko na nasabi..dahil tuluyan ng sinakop ng mga labi nya ang mga labi ko. Inilayo nya ko ng bahagya ng kapwa kami hindi na makahinga..I need more air! Pero hindi pa rin nya pinakakawalan ang mga kamay ko, hawak pa rin nya habang nakatitig sa mga mata ko. My god, nakakapanghina ang mga titig mo Darren!
" Liza, ganon ba kababaw ang pagtingin mo sa kin? Hindi pa ba sapat na kahit saang lupalop ka magpunta sinusundan kita? Kung gusto kitang paglaruan sana noon pa. For god's sake, ang haba na ng panahon na nag hihide and seek tayo! Bakit hindi mo makuha na mahal talaga kita?! Believe me please..I'm serious..I love you "
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!