" Where have you been? ", salubong sa kin ni Sir Ethan pagdating
" Dyan lang, nag unwind "
" Unwind, bakit mukhang hindi ka naman narelax? ", puna ni Sir Jeremy
" Nakipagkita ka sa kanya no? Huhulaan ko, pinagtabuyan ka "
What the...hindi talaga ko makapagtago sa matatandang to. Ang gagaling, wala kang maililihim!
" Pinapasok naman ako sir ", pag-amin ko. Magsisinungaling pa ba ko eh buking na.
" So what happened? Parang hindi ka masaya "
" Malamang hindi nakascore yan ", pang-aasar ng kasama ko ring agent.
" Gago, sobra pa nga sa score! "
" Yun naman pala, ano ngayon ang problema? ", balik na tanong ni Jeremy
" Wala, hayaan nyo na yun. Ano ng gagawin natin sir? Action na para magkaalaman! ", pag-iiba ko ng usapan..referring to the case
" Atat? Wag masyadong mainit bata..hinga muna. Pag nagstart tayo 70% ng buhay natin at risk na. Kaya chill muna..baka bukas makalawa wala ka na ", pambabara ng isa pang agent
" Ako lang..hindi ka kasama? ", sarcastic na sagot ko
" Mainit talaga ulo ng binata namin ah. Mamayang dinner imemeet na natin yung mga intelligence ng Malacanang. Tomorrow am iintroduce na tayo sa mga taga FBI"
" May nakuha na bang profile ng mga sindikato? "
" Yung iba oo. Pero karamihan sa kanila unknown yung identity. While the rest..puro alias. Sa collaboration bukas makikita natin yung ilang info sa kanila. And tomorrow night, baka magstart na yung manhunt operation natin sa iba "
" Kaya Capistrano, focus muna sa case "
" Kelan ba ko pumalya sir? ", confident na sagot ko kay Jeremy
" Sabagay tama ka dyan. Mukha kang easy go lucky pero laging ikaw ang nakakasolve ng kaso. Sabi nga nila..may kakambal kang swerte. We just hope na gumana ang alas mo ngayon para may bonus tayo sa presidente"
" Don't worry iho, after nito rest ka muna kahit one year. Mag-aasawa ka na di ba? Ano sure na ba yun? "
Nagkibit balikat lang ako kay Sir Ethan. Wala naman akong isasagot. Pano ko mag-aasawa eh friends nga lang kami ng babaeng gusto kong pakasalan. Friends.. with benefits!
" Ah..nafriend zone? ", bulong nya sa kin sabay tapik sa balikat ko.
Napailing na lang ako. May edad na si sir but no doubt, sa tagal nya bilang private detective..nababasa na nya ang isip ng tao
Kinabukasan maaga kaming nagpunta sa secret head quarters. Kasama na namin ang mga intelligence ng Philippine government, ang FBI at CIA. Isa isa ng pinapakita sa min ang profile at mukha ng mga kriminal.
Napapailing kaming lahat, para kasi kaming maghahanap ng isang karayom sa gitna ng karagatan. Sa kabuuan twenty kaming agents na kasama sa manhunt operations. And though may link kami sa mga local authorities like NYPD, LAPD, USSS at sa iba pang Fedaral Law enforcement..ang hirap pa rin humakbang. Saan kami magsisimula?
" So folks, be ready as we are about to start our operations this evening. "
" Agent DC ", natigil ako sa pag-iisip ng tawagin na ko ni Railey, ang agent na magiging buddy ko sa assignment na to. Ako si DC..at sya si RZ.
" Let's go, mag-aayos pa tayo. Heto na bro yung hinihintay mo "
Yeah right, this is it..welcome to the zone of danger!
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!