" Bakit mukhang biyernes santo yang mukha mo? ", tanong ko kay Mia isang araw
" Liza, si Darren gagradute na. Two months ko na lang syang makikita ", malungkot na malungkot ang mukha nito
" And so? Teka muna, di ba dito naman sya maglalaw? So mahigit one year mo pa sya makikita",
" Hindi kaya! Magtatransfer sya ng Ermington, dun sya mag lalaw "
" What?! Bakit dun?! Dihamak na maganda at mas prestige ang Reinhard lilipat pa sya?"
Nagulat talaga ko. I never knew na lilipat sya ng school paka graduate. Hindi ko maintindihan! Full scholarship sya dito at isa sa pinakamagandang university sa Pilipinas ang RUN. At nakakalungkot talaga, imagine, mas alam pa ng stalker ang nangyayari sa kanya kesa sa ako na girlfriend nya! Wala ba talaga kong halaga sa kanya na kahit ang maliliit na bagay sa buhay nya ay ayaw nyang ikwento?
I go back to my chair, hindi ko natiis na itext sya.
" Is it true na magtatransfer ka ng school for your law "
After fifteen minutes.. no reply. I send another message.
" I thought we're friends! Mas alam pa ni Mia kesa sa kin :-( "
One hour later..wala pa ring sagot. Okay fine, kung ayaw mo wag mo!
Aaminin ko, malungkot ang balitang yun. Two months..two months na lang kami magkikita. Who knows, baka makipag break na rin sya sa kin, after all umurong na raw sa kasal yung babaeng mukhang hipon na gustong ipakasal sa kanya. Tama lang pala na hindi ako nag invest ng emotions. At mas lalong tama na pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya. Almost ! Pero pambihira, pano ko ba sya kakalimutan gayong everytime na nababanggit sya ay naaalala ko yung nangyari last time sa birthday ng mommy nya.
" Da-Darren..", it was a surprised kissed, sa harap pa mismo ng pinsan nya.
Pinigilan ko sya pero sa halip na tumigil, lalo nya kong inilapit at pinalalim ang halikan namin. He's really a good kisser, or should I say..he's too irresistible kaya natangay ako ng mga halik nya. Suma tutal, bumigay ako at tinugon ang mga kilos at galaw nya without realizing na nasa public place kami..with his relatives and family!
" Darren! The two of you, get a room!! Lakas maka PDA ", umiiling na tinalikuran kami mi Gilbert. Hindi nya natagalan ang eksena. Ano yun nainggit? Hindi siguro.. baka nalaswaan.
PAK! Sinampal ko sya ng makalabas na kami ng bahay nila.
"Aray! Bakit?! ", nagtatakang tanong nya
" Para saan yung show na ginawa mo kanina? "
" Show? Yung kiss? Kanina pa yun ah, bakit delayed reaction? "
" Gustong gusto ko ng sampalin ka kanina pa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Darren wala sa usapan na maghahalikan tayo! "
" You're overreacting! Hindi ko yun sinasadya, nabigla lang ako. I need to do that to show to my cousin that you're mine"
" Wala akong pakialam kung anumang rivalry meron kayo. Mali pa rin na hinalikan mo ko! "
" Come on Liza, bakit ba galit na galit ka samantalang bigay na bigay ka naman kanina."
" Hi Liza.. "
Nilingon ko ang taong bumasag ng pagdaday dream ko. Drew! Ano na naman ang kailangan nito?
" May katabi ka, pwedeng makiupo? "
" Sure, I don't own this chair ", sarcastic kong sagot
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!