Bro, nandito ex mo sa school, dinadalaw ka ", text galing sa isa sa mga team mate ko.
Baka akala nandun pa ko..but I don't care. Sa dami ng ex ko, wala akong balak alamin kung sino man sa kanila ang nasa RUN.
" Ang laki ng iginanda nya tol ! Sa lahat ng ex mo, ito ang most improved! "
This man really annoys me. Busy ako dahil sa case, I'm currently working on it. Sinisimulan ko ng ihacked isa isa ang mga account nila Rhian at Mark ng tumunog muli ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin pero nakatawag sa kin ng pansin ang picture mula sa viber na pinanggalingan ng message. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang litrato.. It was Liza!! Sya pala ang nasa school! I immediately shut down the laptop and hurriedly run to my car. May klase pa ko pero hindi na muna ko papasok. Alam kong sandali lang ang bakasyon nya, baka may aayusin lang na papers sa Reinhard. Baka hindi na kami muling magkita, I need to see her!
" OMG...si Darren nandito !! "
Pag mamalasin ka nga naman. Pagbaba ko pa lang ng kotse, ito nilalapitan na ko ng mga Tao. Kumawala ako sa karamihan. I don't want this moment to pass by ng hindi man lang kami nagkikita.
Nasaan kaya sya? Hindi pa naman sya siguro umuuwi.
" Hi Liza, long time no see! "
Lumakas ang kaba ng dibdib ko. When I turned my head..I saw her! And instantly, the whole world seems moving slowly. Four months.. I've been missing this girl since the day she left me. And now, all I want to do is to hugged her..and to hold her tight into my arms.
Napalunok ako ng magtama ang aming mga mata. Parang kailan lang, ang mga titig nya sa kin ay puno ng saya, puno ng paghanga. Pero ngayon, tinignan nya lang ako na parang estranghero. Bakit ganito? May nararamdaman akong sakit sa dibdib. Hindi naman totoong naging kami kaya hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang ganitong klaseng sakit sa kalooban.
Gusto ko syang lapitan. Gustung gusto ko syang kausapin at kamustahin pero hindi ko magawa. Sa gitna ng napakaraming tao na nakapaligid sa akin at sa kanya..wala akong ibang nakikita ngayon kundi sya. Nakatulala ako habang titig na titig sa maganda nyang mukha. Parang dumami yata ang admirer nya ng magpalit sya ng image. It is very evident na napakaraming kalalakihan ang bumabati sa kanya ngayon. But shit, pinipigilan ako ng aking pride at ego para tuluyang lumapit sa kanya.. nauunahan ako ng hiya.
" Liza... ", bigla akong natauhan
" Drew ! "
" Kanina ka pa? Sorry, nag extend yung prof ko napasarap "
" Okay lang, kalalabas ko lang din sa registrar "
" Shall we.. ? "
" Sure.. Pano guys, I have to go. Nice to see you again..bye ! "
Tuluyan na syang inilayo ni Drew sa karamihan. Gago! Natatakot ata na baka agawin sa kanya ng iba si Liza. Kung ganon sila pala talaga. Going strong huh! Parang gusto kong manapak! Pero wala akong karapatan, dahil kahit kailan.. hindi naman sya naging akin. Bagsak ang balikat ko at mabigat ang paa na bumalik sa kotse. Napakaraming babae pa ang nagpapacute sa kin..kung sinu sino rin ang tumatawag. Pero parang wala na kong naririnig. Nablanko ang isip ko at ang huling anyo ni Liza ang nag ooccupy ng buong diwa ko.
--------------------
Just when I thought that I was over you, just when I thought I could stand on my own....
Pambihira, parang nang aasar pati radio. Kung bakit sa dinami rami ng araw at sa hinaba haba ng oras, nagkasabay pa kami ng pagpunta sa school. What is he doing there?
Akala ko okay na ko. Akala ko settled na yung feelings ko for Darren. Pero ng makita ko sya kanina, bumalik lahat ng alaala naming dalawa..nung kami pa, at nagpapanggap. I'm not sure, pero parang nagising muli yung damdamin ko para sa kanya. Hindi ko na dapat syang makita para matahimik na ko. Ewan ko ba naman sa puso ko, bakit ba kailangang sa kanya pa to tumibok?
Ding!
May Tao? Hala, sino naman kaya yun?
Tinignan ko sa CCTV Kung sino ang nagdodoorbell ngayon sa gate. Halos mahulog ako sa kama ng makita kung sino ang nasa labas... si Darren! And to make it worst, may hawak syang coupon bond na may mga nakasulat na salita. Ifinocus ko sa camera ang papel and it really surprised me kung ano ang nakasulat dito - " I know you're there.. please let me in ".
Alam nyang nakikita ko sya? Paano, ang galing naman nya? Pero bigla akong nainis.. hanggang ngayon demanding pa rin sya. Pwes manigas ka dahil hinding hindi ako lalabas.
After few minutes nakita ko Sa CCTV na umalis na rin ang sasakyan nya. Baka inisip nya na wala nga ako o kaya nagpapahinga kaya hindi na rin sya nagtagal. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Ang gulo rin ng utak ko. Ayokong makita sya pero hindi naman ako masaya ng malamang umalis na sya at di man lang kami nakapag usap. Naisip kong bumaba na, I feel so empty. Binuksan ko ang gate baka sakaling matanaw ko man lang ang dulo ng kotse nya. Labis kong ikinagulat ng makita ko si Darren sa gilid ng gate na napakalapad ng ngiti. Naghyper ventilate ata ako, hindi na ko makahinga sa sobrang kaba dahil kaharap ko na sya ngayon. Magsasalita sana ko pero wala ng lumabas sa bibig ko 'cause he suppressed my lips with a wild kiss.
" Ano ba! ", nagawa ko syang itulak. Nashock talaga ko, pano ba naman bigla bigla syang nanghahalik.
" Tresspassing yang ginagawa mo! Pwede kitang idemanda! "
Hindi ko sya natinag, ni hindi kinakitaan ng takot, ngumiti lang sya..isang pilyong ngiti. Kinabahan ako ng bigla nyang isinara ang pintuan. At unti unti syang lumalapit muli sa kin. Umaatras ako pero wala naman akong takas, it was a dead end! Naisandal na nya ko sa pader ng pintuan and once again... he kissed me.
This time he's giving me a sweet and soft kisses. Hindi ko magawang tumutol, mas masarap pala yung ganito. Yung mild lang..yung dahan dahan at tila puno ng pag-iingat. Naramdaman ko na lang na kusa na kong tumutugon sa mga halik nya. At ng ikapit ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg, mas lalo nya kong hinapit sa bewang, at nilaliman ang kanyang halik. Lunud na lunod ako sa sensation na ipinararanas nya sa kin sa mga oras na to. Ibang iba kung pano nya ko hinahawakan ngayon, malayung malayo kumpara noon na nagpapanggap pa kami. The way he caressed, the way he kissed, and the way he looked into my eyes... it's different! I don't know what it is. Ang alam ko lang..may nagbago.
Kapwa kami humihingal ng maghiwalay ang aming labi. Sa lalim at sa tagal ba naman nun, mauubusan talaga kami ng hininga. At matapos nyang ipalasap sa kin ang napakasarap nyang halik, niyakap nya ko ng napakahigpit. Parang ayaw nya kong mawala sa paningin nya.
" Liza.. I missed you. I really missed you "
Hindi na ko nagulat sa sinabi nya. Alam ko.. ramdam na ramdam ko ang pangungulila nya sa kin sa higpit ng mga yakap nya. At sino pa ba ko para magmatigas. Ayoko na ring magpanggap.. magpapakatotoo na rin ako. Baka hindi na rin kasi maulit ang ganitong tagpo. Baka matagalan na naman bago kami ulit magkita.
" I missed you too Darren"
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahilig sa dibdib ni Darren habang magkayakap kami ngayon sa sofa. Sinusuklay nya ng daliri ang buhok ko at kinikintalan ng matatamis na halik ang noo ko. I find it sweet, at dadayain ko lang ang sarili ko kung hindi ko aaminin na kinikilig ako. Babaeng babae ako ngayon sa loob ng mga bisig nya. Pero ganon pa man, ayokong bigyan ng kahulugan ang lahat ng nangyari sa araw na to. Isa syang play boy, who knows baka ganito nya rin itrato ang mga nagiging girlfriend nya. Ayokong isipin na special ako sa kanya at wala akong balak magtanong sa status naming dalawa. Next week lilipad na naman ako patungong US. I don't know what will happen next at ayokong umasa na madudugtungan ng isang malalim na relasyon ang namamagitan sa aming dalawa. Magiging napakalayo na namin sa isa't isa. Bahala na.. whatever will be..will be, sabi nga ng isang kanta. But for now, I am his girl and he is my man...
![](https://img.wattpad.com/cover/32537511-288-k836803.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!