"Hon, pano nangyari na buhay ka? Inuwi dito sa Pilipinas ang bangkay mo, at nandon ako ng tuluyan kang I-cremate"
"Bakit? Nakita mo ba na ako nga yung patay na nasa kabaong?"
"Hindi!"
"See, It's your fault! Inassume nyong ako yun Kahit di nyo naman nakita"
"Pero kasi according to them ikaw Yun. Well hindi nga masasabi na katawan mo Yun dahil sunog na sunog at shrink, but all the evidences were there. Yung sapatos, relo, cellphone, wallet, lahat! Pati damit mo nga di ba nakita sa apartment?"
"Sinadya ko Yun"
"Ano?! Ang sama mo pala talaga!"
Bumangon ako mula sa Kama, bahala sya, ang sarap nyang layasan! Anim na buwan syang nawala at inakala ng lahat na patay na sya Tapos ngayon sasabihin nya sinadya nya yun! Nagbihis ako dali dali mula sa hubad na katawan. Nanggigigil ako sa kanya. All these years ang hirap pa rin nyang basahin. Lagi na lang ganito, pa mysterious effect!
"Uy, san ka pupunta?!", gulat na tawag nya, palabas na ko ng kwarto.
"Aalis!"
"Teka lang, bahay mo to baka nakalimutan mo?"
Nagawa pa nyang magbiro, napaka hunghang talaga ng lalaking to!
"Alam ko! Pero di ka naman aalis kahit palayasin kita, kaya ako na lang muna ang lalabas. Babalik na lang ako pag wala ka na!"
"Iiwan mo ko? Akala ko ba mahal mo ko? Liza.. ano na naman to? For once kadarating ko lang ganito agad tayo."
Tumayo na rin sya. Di ako nakagalaw agad dahil nakahubad pa rin sya. Di na nahiya! Sabagay..maganda naman ang katawan nya.
"Magbihis ka nga!", sabi ko sa kanya ng nakayuko. Ako ang nahiya, parang nalaswaan ako sa sarili Ko. Galit ako pero pinapantasya ko naman sya. At tumatakbo na naman sa isip Ko ang mga nangyari sa min kanina.
Pero heto sya at papalapit na sa kin. Tatakbo sana ko palabas but he catches me and closed the door immediately. Nacorner ako!
"Kung ayoko?", I knew it, he is trying to seduce me. Sa totoo lang di nya kailangang gawin yun, ang taas kaya ng level ng pagnanasa ko sa kanya. Lalo ngayon, he's fully naked in front of me!
"Hindi Tayo mag-uusap hangga't di ka nagbibihis", may diin ang pagsasalita ko
"Okay", tumalikod sya. Hay salamat!
"But after this Honey!"
In just a blink of an eye, sakop nyang muli ang mga labi Ko, at binibigyan ng maiinit na halik. Wala na! Bumagsak na kaming muli sa kama habang sinusulit ang magdamag.
"Honey, I miss you so much. Eight months Liza, it's been eight months. Ang tagal kong nangulila sa iyo baby", sabi nya habang gumagalaw sa ibabaw ko
Ako? Hindi ako makapagsalita ng matino. Puro ungol lang Yung lumalabas sa bibig ko. Malapit na rin akong mamaos sa kasisigaw at medyo nanghihina na ko sa walang katapusang lovemaking namin ni Darren. Akala ko ba galit ako? High blood ako kanina pero ngayon para kong isang alipin na nagpapaubaya sa lahat ng gusto nyang gawin. Haayy, nobody can resist his charm!
"Sinadya ko yun dahil gusto kong isipin ng lahat na patay na ko."
Nagkukwento na sya. Pareho na kaming nakabihis at relax. Pero mas pipilitin kong wag muna magsalita. Pakikinggan ko muna ang lahat ng sasabihin nya. Nagpatuloy sya sa pagsasalita
"Nung araw na Yun, palabas na sana ko ng apartment ng may di kilalang lalaki na dumating. To my surprised, may dala dala syang mga bomba. Tinapon nya sa sahig ng biglaan. Ako na lang ang tao non. Tatakas sana nya habang nakatutok ang baril nya sa kin. Nakita ko yung isang bomba, 2 minutes pa bago samabog habang ang isa pa ay 3 minutes. Maliwanag ang plano nya, ang patayin ako at tiyaking hindi ako makakaligtas. Pero ano, ganon na lang yun? Naisip ko na mamamatay na rin lang ako pwes idamay ko na sya. Dahil pag hinayaan ko syang makawala, walang maiiwang evidence Kahit na DNA or finger prints nya dahil sasabog ang buong bahay. To make things worst, walang makakakilala sa kanya dahil nagpa plastic surgery sya.. para lang gayahin ang mukha ko"

BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomansaDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!