LIZA:
It's been two months since the last time I saw him .. kumusta na kaya sya? Wala na kaming balita sa kanya, maging si Jerome o ang pamilya nya. Napaka private talaga ng taong yun. Bakit ba ko nag-aalala? Ako ang nagtaboy sa kanya pero ako tong restless ngayon kung nasan na sya. Nakabalik na kaya sila ng bansa?
Ewan ko ba, hindi ako mapalagay now a days sa kakaisip ko sa kanya. Aaminin ko na nabigla lang ako nun sa ginawa ko. Miss na miss ko na sya at gustung gusto ko na syang makita.
Kung pupunta sya ngayon dito at magpapakita sa kin, hindi sya magdadalawang salita, makikipagbalikan ako sa kanya. Sana magparamdam naman sya, sana okay lang sya.Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko. It was a call from Jerome!
"Yes Jerome, napatawag ka?"
"Liza, I don't know if this matter to you. But I think you should know."
Kinabahan akong bigla. Sa tema ng boses nya, alam kong may masamang nangyari.
"Hey, you still there?", ulit nya sa kabilang linya
I take a deep breath..kinalma ko ang sarili ko para sa mga susunod nyang balita.
"Go on..I'm listening", sagot ko kahit sa totoo ay hindi na ko makahinga sa nerbiyos.
"Darren.. he's dead! Kaninang umaga lang"
Halos matumba ko sa narinig ko mula kay Jerome. Na kung hindi lang siguro ko nakahawak sa lamesa baka tuluyan na kong nagbreakdown. Pero hindi, ayokong maniwala.
"Jerome, hindi magandang biro yan! ", pagmamatigas ko. Hindi ko pa maabsorbed, hindi pa nagsisink in sa kin ang lahat.
"Liza I'm sorry, but I'm not kidding. It's true, Darren is dead. Tumawag sa kin ang mommy nya kanina lang at iyak ng iyak.. "
Hindi ko na kinaya, nalaglag na ng tuluyan ang phone ko dahil sa panginginig. Humagulgol na ko at umiyak ng umiyak.
Patay na si Darren? How I wish na panaginip lang ang lahat. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Sana pinatawad ko sya, sana binigyan ko sya ng pagkakataon. Sana pinilit ko na lang syang sumama sa kin at umuwi ng Pilipinas. Hindi sana nangyari to. Mahal na mahal ko si Darren. Hindi ko pa kayang isipin na wala na sya.. na tuluyan na kaming hindi magkikita.
Pinulot ko ang cellphone para muling idial si Jerome. Nagbabakasakali na prank call lang ang nangyari.. na niloloko lang ako ng pinsan ko! Kahit alam kong wala sa pagkatao ni Jerome ang magbibiro ng ganong bagay.
"Jerome, sabihin mo sa kin na hindi totoo ang lahat ng sinabi mo. Buhay si Darren hindi ba? Magkasabwat kayong dalawa. At ginagago nyo ko para malaman kung may damdamin pa ko sa kanya. Pwes sabihin mo sa kaibigan mo na tama sya. Na hanggang ngayon mahal na mahal ko sya. Magpakita na sya sa kin kasi miss na miss ko na sya. Please Jerome.. nakikiusap ako sa iyo, ilantad mo na si Darren. Gusto ko na syang makita"
I was in denial.. I was in a state of shock. Para kong baliw na umiiyak at sumisigaw.
Hindi ko alam kung kelan matatapos ang pag-iyak ko. Wala na si Darren, wala na ang mahal ko. Habang naghihisterical ako, alam kong nasa kabilang linya pa rin si Jerome. Sa mga oras na to, alam kong sya man ay nangungulila rin sa best friend nya. Ang sakit lang.. ang daya mo lang Darren. Napaakaga mo kaming iniwan.
Two days later inuwi ang bangkay ni Darren sa Pilipinas. Isang maliit na kabaong ang pinaglalagyan nya, shrink ang katawan at sunog na sunog daw sabi ng mga kasamahan nya. Nakasara pa rin ito at walang naglalakas loob na magbukas. Nakita ko ang mommy nya na halos tulala, hindi ko alam kung kaya nyang magsalita. Biglaan ang lahat. Successful ang operations nila laban sa lahat ng sindikato.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!