Chapter 10- Accidental Spy

6.9K 223 3
                                    

DARREN:

I'm anticipating na sasampalin nya ko paglabas ng hotel dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Pero hindi..walang nangyaring sampalan. Himala rin, hindi nya ko inaway. Tahimik lang sya at mukhang may malalim na iniisip.

" Seryoso?? ", biro ko sa kanya. Ito ang paborito kong gawin, ang asarin sya. Nakakaaliw kasi syang tignan pag nagagalit.

But then, wala syang reaksyon. Tinignan nya lang ako..poker face. Ayoko ng ganito, hindi ako sanay ng wala syang imik. Tinigil ko ang sasakyan para kausapin sya. Kakausapin ko lang sana sya pero iba ang naramdaman ko ng makita ang mga labi nya. At hindi ko inasaasahan na hahalikan ko sya. Dahan dahan..pero wala akong naramdamang pagtutol mula sa kanya. I started to deepen my kisses at di nagtagal, tumutugon na rin sya. Her lips is so sweet, nakakaaddict. We became intense, kung kanina ay sweet and passionate, this time we're kissing hungrily to each other. Para kaming mauubusan, nag uunahan habang yakap namin ng mahigpit ang isa't isa.

" Heeelllpppp!!! Tulungan nyo Koo!!"

Naputol ang moment naming dalawa dahil sa sigaw na yun. Nakakabitin! Hanggang sa makita namin ang isang babaeng tumatakbo, mukhang takot na takot. Binuksan ko ang kotse, it is my instict na tumulong, lalo pa at isang babae ang namimiligro.

" Okay lang?", tanong ko kay Liza

She nods, senyales na tulungan namin ang babae.

" Get in!", tawag ko sa kanya. Mabilis naman itong pumasok sa loob.

" Thank you..thank you! ", ninenerbiyos nitong sabi

" Anong nangyari? ", tanong ni Liza sa kanya

" Yung taxi driver, hindi ko alam kung anong gagawin nya sa kin. Tinigil nya yung taxi sa madilim na lugar, tapos naglabas sya ng baril", hinihingal pa rin sya

" Grabe, nakakatakot naman pala te. Anong ginawa mo? Pano ka nakababa? "

" May dala kasi kong Benetton perfume na nasa bottle, binato ko sya at tinamaan ang ulo nya. Sinamantala kong lumabas ng masaktan sya. Buti na lang may tao dito, nakita ko kayo "

" Matapang ka te ha. Tama lang yan sa mga lalaking yun. Pano pala kung wala kang presence of mind, baka napano ka na "

Pinakikinggan ko lang silang dalawa. Hindi ako nakikisali, pero nakikiramdam ako. Later on, I saw a taxi na tila sumusunod sa min. Binilisan ko ang pagpapatakbo. Nakita ko na yumuko ang babae at sinisikap na magtago. Ito siguro ang taxing nasakyan nya. In fairness mabilis magmaneho si manong. Kaskasero na nga ako and yet he managed to run after us. Binilisan ko pang lalo, yung tipong pang car racing na until finally hindi na nya kami nasundan. Nakahinga ng maluwag si ate. Hindi pa sya katandaan, mga nasa early thirties pa lang, at may looks kung tutuusin. Bagets ang style nya, naka  long sleeve and jeans, with matching rubber shoes and bag pack.

" Salamat "

" San ka nakatira? Hatid ka na namin, offer ko sa kanya "

" Huwag na, napakalayo ng bahay ko. Ihatid nyo na lang ako sa sakayan ng jeep papuntang Pasig "

" Okay, pero saglit lang ha, pa gas lang tayo "

Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.

" Ate hindi na nya tayo nasundan, at isa pa sobrang liwanag at napakaraming tao dito sa gas station. Liza, bahala ka muna sa kanya..CR lang ako "

" Darren, nasan ka na? Ba't ang tagal mo? Takot na takot na si ate dito. Umiihi ka lang ba talaga? ", tawag ni Liza. Medyo natagalan kasi talaga ko, may ginawa akong importante sa CR.

The Heartthrob AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon