Liza! ", may kamay na humila sa kin paglabas na paglabas ko pa lng ng CR.
Hindi na ko nagulat. Kilala ko na kung sino man sya at isang tao lang naman ang pwedeng gumawa nito.
Bakit ba narito sya? Ako ang gumawa ng lahat ng invitations, kasama rin ako nila Mia at Drew habang pumipili ng mga iimbitahan. Pero ito, wala sya sa listahan. Hah! Gate crasher ang walanghiya, ang kapal ng mukha!
" Liza..we need to talk ", nagpaubaya lang ako. Dinala nya ko sa second floor ng hotel kung saan nasa baba lang ang reception ng kasalan. Napansin ko na lang na pumasok kami sa isang malaking room at kung pano nya nabuksan yun ay hindi ko na rin alam.
" Ano pa ba ang pag-uusapan natin? By the way, long time no see Darren! " Mukha akong cool and relax habang kausap ko sya. Pero sa totoo lang, gusto ko na syang maglaho sa harapan ko. Si Darren..hindi ko na sya gusto pang makita.
" Liz.., I'm sorry for what happened in the past. Alam kong wala na kong mukhang maihaharap sa iyo. Pero nagbabakasakali pa rin ako, sana.. mapatawad mo ko "
Sa dami ng kasalanang ginawa mo sa kin, wala ng pag-asa na patawarin pa kita. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero para ano pa. Wala na ring saysay ang galit ko sa kanya dahil hindi na rin naman kami magkikita. Kung magkakatagpo man ang aming mga landas dahil best friend nya si Jerome, once in a blue moon na lang yun.
" C'mon Darren, napakatagal na nun, halos di ko na nga maalala kung di mo lang sinabi. Forget about it..let's move on "
" Liza..I-I hope we could still be friends. Just like before.. "
Gago ka ba? Matapos mo kong babuyin at iwanan, hihingin mo sa kin na maging magkaibigan tayo? Yan ang nilalaman ng isip ko. Galit! Na kung pwede nga lang sampalin ko sya, murahin, at isumpa ginawa ko na. Pero hindi ko ipaparamdam sa kanya na hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin ako. He doesn't deserve my tears..he doesn't deserve my pains. Tama na yung alam nya na nakamove on na ko..that I don't really care kung nag eexist man sya o hindi.
" Oh, it's impossible now Mr. Capistrano. "
" Why? I thought.. "
" Don't get me wrong. Hindi na ko galit sa iyo, napatawad na kita. But trust is a different issue, hindi na kita pwedeng pagkatiwalaan ", casual kong sagot. Normal din yung tone ko, parang nagrerecite lang sa klase nung sinabi ko ang mga salitang yun. Kanina pa ko nagpapanggap na okay lang ang lahat, pero ang huli kong binitiwan..totoo yun.
I am not a fool to be friends with my rapist!
" I have to go, baka hinahanap na nila ko, hindi pa tapos ang program"
Tumalikod na ko pero mabilis nyang hinila ang kamay ko pabalik sa kanya. At gaya ng lagi nyang ginagawa noon, kinabig nya ko at niyakap ng mahigpit.
Here we go again Darren. Ano to Dejavu! Nangyari na to, paulit ulit na nga eh!
Maya maya ay inilayo nya ko ng konti. Pero this time, hinawakan nya ang magkabila kong kamay at tinitigan nya ko sa mga mata.
" I'm sorry.. I hurt you for so many times. I always failed.. and I don't know if you will still believe me. But Liza.. I miss you. I miss us, yung dating ikaw..yung dating tayo "
He look so pathetic! Tama ba ang nakikita ko? Malungkot sya at mukhang totoo na nagsisisi. Pero kung anuman yun, wala na kong pakialam. Hindi na ako ang dating gullible na teenager at patay na patay sa kanya.
" Darren, may gusto ka ba sa kin? ", diretso kong tanong sa kanya. Again, casual lang ang pagkakatanong ko pero nakita ko kung pano sya namutla.
" Hindi ko hinihintay na sagutin mo ko. It's just a plain question. And I don't really care kung may gusto ka man sa kin o wala. Napapansin ko lang kasi na sa tuwing nagkikita tayo eh lagi mo kong sine seduce. Ang alam ko kasi, wala kang tumatagal na girlfriend. If I am not mistaken, pang short time lang sila. Tama ba ko..ang pinakamatagal mo yata ay one month? Pero bakit ako..why do you waste your time para lang habulin ako? " para lang akong nagkukwento sa isang dating school mate sa mga oras na to. Wala akong masyadong emotions na inilalabas..wala ring sarcasm. Namaster ko na yata ang art of pretensions.

BINABASA MO ANG
The Heartthrob Agent
RomanceDarren Capistrano... He's hot, he's handsome, and the dream of every woman to be her man. But he's mysterious.. and a very dangerous man!