CHAPTER 32- Final Chapter (SPG)

7.3K 167 1
                                    

Liza: (Warning Alert: Super SPG)

6 months ng nakakaraan simula ng mamatay si Darren. Pero kung tatanungin ako ng iba kung nakamove on na ko? Hindi pa.. malayo pa sa actual na nararamdaman ko ngayon. The pain is still here, parang hindi pa nababawasan, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Alam kong OA ako para sa three-month grieving period, pero wala akong magawa dahil kahit pilitin ko na kalimutan ang mga nangyari, masakit pa rin.

Lalo ngayon, magpapasko. Hinahanap hanap ko pa rin sya. Idagdag pa dito na wala akong kasama ngayon sa bahay. Nasa CDO ang daddy ko, emergency syang pumunta don dahil inatake si Tita Mercy, ang mommy ni Jerome. Ang pinsan ko naman nasa US para hanapin ang Ex nyang si Athena, hindi sila in good terms ng mama nya. Medyo masalimuot ang takbo ng buhay ng family namin, madrama, malalim ang pinagdaanan. Kaya ako mismo sa sarili ko hirap ding maka move on, wala akong makapitan.. Walang masandalan.

Mga doorbell  mula sa gate ang pumukaw ng diwa ko. Nagmamadali akong lumakad at masiglang pinagbuksan kung sinumang bisitang dumating. But to my surprised.. Walang Tao! Tumingin pa ko sa paligid para tignan kung may nanloloko sa kin, wala talaga. Kinilabutan ako, sanay akong mag-isa at napakaaga pa para multuhin ako. Naisip ko si Tita Mercy, Baka Senyales to na may masamang nangyari sa kanya. Dinial ko agad si daddy para kumustahin sya at si Tita, okay naman na daw at ligtas na sa panganib.

Pero mas lalo akong kinilabutan. Kung ganon ano Yung doorbell na Yun? Sino ang gumawa non? Sa takot ko mabilis akong tumakbo sa kwarto para sana kunin ang baril ko, mahirap na..maganda na yung sigurado. Pero sa pagkakataong ito, binalot na ko ng sindak. Nakabukas ang pintuan ng kwarto..may nakapasok sa bahay ko!

Anong gagawin ko? Sisigaw ba ko? Tatakbo palabas at hayaan ang taong yun na gawin ang mga bagay na gusto Nya? Hindi na ko papasok sa kwarto, Tatawag na sana ko ng pulis pero huli na, sya na ang kusang lumabas. I was in a state of shock ng makita ko Kung sino ang pangahas na pumasok ng bahay ko. Natulala ako at di na halos makagalaw, tila natuklaw ako ng isang makamandag na Ahas. Walang lumalabas sa boses ko. Dahil ang taong tumambad sa harapan ko ay walang iba kundi si Darren!

Ilang beses akong kumurap, hindi ko alam Kung nananaginip lang ako o naghahallucinate. Pakiramdam ko nasa pagitan ako ng kabilang mundo at realidad. Paanong naririto si Darren? Hindi Ito pwede..imposibleng mangyari! Nasobrahan ka na yata ng lungkot Liza! Kung saan saan mo na sya nakikita. Alam Kong ilusyon lamang ang lahat. Miss na miss ko na kasi sya.

Gumising ka na Liza.. Enough of your agony! I have decided to go through dahil alam kong ilusyon lang ang lahat. When all of a sudden.. he called me!

"Liza!"

Hindi, hindi sya totoo!

"Liza!"

Ang lakas na at may diin ang tawag nya. Wala kong nagawa kundi ang muli syang lingunin, pero bago ko yun magawa ng tuluyan, naramdaman ko na ang mahigpit nyang mga yakap sa akin.

Unti unti akong kumalas sa mga yakap nya. Hinaplos haplos ko ang gwapo nyang mukha.

"Darren..Darren ikaw ba talaga yan? Buhay ka? Panong...??", di makapaniwalang tanong ko.

"Sshhhh..don't move, dito ka lang. Ako to Hon, bumalik ako para sa iyo. Hindi ako pwedeng mamatay.. marami pa kong plano para sa ting dalawa, marami pa kong pangarap sa mga magiging anak natin. Higit sa lahat, Kailangan kong mabuhay dahil alam kong kailangan mo pa ko"

Tuluyan ng naglandas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Iyak na ko ng iyak. Ngayon lang rumehistro sa kin na totoo nga, buhay si Darren. Buhay ang lalaking pinakamamahal ko!

Mataman nya kong tinignan habang pinupunasan ng mga kamay nya ang mukha ko. Para kong bata, pumipihit pa habang umiiyak.

"I'm sorry hon, I'm so sorry. Wag ka ng umiyak, nandito na ko. Hindi na kita iiwan uli, I'll promise. Pero teka, akala ko ba galit ka sa kin? Pinagtabuyan mo ko ng huli tayong magkita. Kayo talagang Mga babae, ang dami nyong drama sa buhay", Aba at mukhang inaasar pa ata ako!

The Heartthrob AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon