CHAPTER 22- Gate Crasher

7.3K 190 4
                                    

Napakasama pala talaga nya pagdating sa mga babae. Buong  akala ko may natitira pa syang kunsensya. Iniwan nya ko ng ganun ganon lang matapos nyang makuha ang gusto nya. Hindi na nya naisip na best friend nya ang pinsan ko para gawin sa kin yun.


" Liza "


" Dad !", nagulat ako sa tawag ni daddy


" C'mon, malalate na tayo. Iha..umiiyak ka ba? "


Napansin niya yata na namumula ang mata ko. Medyo..naalala ko na naman kasi sya at ang huling nangyari sa aming dalawa.


" Don't cry sweetie, huwag mong gawing malungkot ang kasalan. You should be happy", inakap ako ni daddy, he's trying to console me.


Oo nga pala, wedding ang pupuntahan ko. Masaya dapat ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang hindi pa ko nakamove on. Four years..it's been four years! But everytime I remembered him, the pain is still here.


" Tears of joy dad ", pagsisinungaling ko


" Akala ko pa naman kung ano na. Let's go.. alam mong hindi matutuloy ang kasal ng wala ka. Nagtext na ang parents ni Drew, nasa church na sila "


" Okay dad, paretouch ko lang ng konti ang make up ko "


DARREN:


" Jerome! Bakit bigla ka na lang sumusulpot. Napasyal ka? "


" Hindi ikaw ang ipinunta ko dito, dumaan ako dahil nasa manila na rin naman kami. Kadarating lang  din namin"


" Family? Ano vacation? Himala! "


" Hindi..kasal ni Liza tomorrow kaya lumuwas kami lahat "


What?!!


" Si-sinong ikakasal? "


" Si Liza, yung pinsan ko "


" Kanino? At paano? "


" Gago ka, anong tanong yan? Ikakasal nga tapos paano? "


" Wala nagulat lang ako na may boyfriend pala sya "


" I told you that she's pretty! Ang huling kita mo kasi sa kanya nung Reinhard days nyo pa with her eye glasses and braces. "


" Oo nga. Tama ba, si Drew ang groom? ", I pretended to be cool but deep inside, napakabigat na ng dibdib ko.


" Yes, the billionaire! "


" So sila rin pala in the end. True love. San ang kasalan? "


" Sa Manila Cathedral. Ang dami mong tanong di ka naman invited "


" Yun nga eh, bakit hindi nyo man lang ako ininvite? "


" Bro hindi ako ang ikakasal, si Liza. Bakit, close ka ba nila? Teka humahaba ang usapan. Anong petsa na? Akala ko may news ka sa mga Romualdez? "


Bakit hindi ko nabantayan si Liza? What happened to her for the past four years? Alam kong dinisconnect nya ang lahat ng social media. At si Drew, ang huli kong balita ay nag migrate sya sa US for their business expansion. Hindi ko na inalam ang whereabouts nya dahil wala naman akong pakialam. Pano nangyari yun?


Four years.. I was too busy doing my job as an agent and trying to finish my studies at the same time. Hindi ko na muna ginulo noon si Liza, hiyang hiya ako sa ginawa ko.  I told to myself, haharapin ko sya kapag handa na ko, at kapag kaya na ng schedule. Now..I gained my title as a lawyer. More than that, may sarili na rin akong detective agency. But I am too late for Liza! Tomorrow, all our memories were totally  gone.

The Heartthrob AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon