Chapter XXVI

53 1 0
                                    

Pagkatapos ng unang klase...

Miya's POV

Natapos na ang aming unang klase nang biglang may anunsyo mula sa kaharian ng Zariya. 

"Lahat ng mga mag-aaral ay magpulong-pulong sa awditoryum! Ito ay utos ni Haring Zandro!" Sabi ng tagapagbalita. Kaya pumunta na kami nina Kuya Hiro, Sabal, Rivi at Leon sa awditoryum.

"Anong kayang meron?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Parang hindi maganda ang lagay ko." Sabi ni Leon.

"Basta bantayan ka lang namin, lalo na't nakatapal ang isang mata mo." Sabi ni Kuya Hiro. Tapos dumating ang Hari at Reyna ng Zariya, ang aking ama at ina.

"Salamat at kayo'y dumating. Kaya kayo pinapapunta rito dahil meron kaming ipapahayag para sa inyo." Sabi ni Ama. Nagbubulungan na ang lahat kung ukol saan ito.

"Medyo kabado ako sa kanyang sasabihin." Sabi ng isang dalaga.

"Ako rin eh..." Sabi ng pangalawa. Yan halos ang naririnig namin.

"Ang Academiae Royale ay magkakaroon ng panibagong pangkat para sa mga napiling paham dito. Kung sino man ang mga tinawag namin, pumunta kayo sa harapan." Sabi ni Ama. Tapos binuklat ng isang guro ang isang pergamino na may mga pangalan namin.

"Ang nangununa... Mula sa Unang pangkat... Miya Jadeite!!!" Sabi ng tagapagsalita. Nagulat ang halos lahat kabilang ang aking ama at ina kaya pumunta na ako sa harapan. Medyo ramdam ko ang kaba nang makaharap ko ang aking ama at ina.

"Rivi ng Unang Pangkat at Ravi ng Ikalawang Pangkat!!!" Ani ng tagapagsalita. Pumunta rin sa harap ang kambal.

"Ayos! Magkasama tayo sa iisang silid." Ani Ravi. Tapos tinawag na yung ibang mga kasama sa paham ng Academiae Royale. Sina Leon, Giro, Kuya Hiro at Sabal nakasama sa mga paham. Mga kasama ni Kuya Kael sa kantina noong isang araw, nakasama rin. Yung dalawang prinsipe mula sa Ikalawang Pangkat at apat na prinsesa mula sa Ikaapat na Pangkat ay nakasama rin.

"Mukhang marami tayo..." Sabi ni Rivi sa akin.

"Sinabi mo pa..." Sagot ko. Tapos lumapit sa amin si Nunong Zain.

"Nunong Zain, Magandang araw po." Bati ko

"Magandang araw rin. Kumusta mga alaga ko? Binabati ko kayo sa pagiging paham ng paaralang ito." Bati sa amin ni Nunong Zain.

"Na-kumpleto na ang mga paham natin. Muli, binabati ko kayo sa inyong labing-dalawang paham. Ngayon, magiging tatlong pangkat na ang mga hindi kasama sa mga paham. Ang Ikatlong pangkat ay maghahati-hati at pupunan niyo ang mga bakanteng puwang sa Una, Ikalawa at Ikaapat na Pangkat." Utos ni Ama at nag-ayos na ang mga mag-aaral at naging Una, Ikalawa at Ikatlong Pangkat. Tapos ang tawag sa pangkat namin at 'Pangkat ng Paham.'

"Ngayong nabuo na ang mga pangkat, Pangkat ng Paham, ang susundan niyong ang dating oras ay yung sa Unang pangkat. Yung sa Una, Ikalawa at Ikatlong Pangkat ng di paham, yung kasunod na oras ang susundan niyo." Bilin ni Ina.

"Ngayon, Pangkat ng Paham, pumunta na kayo sa larangan. Hinihintay na kayo ni Ginoong Shun." Sabi ni Ama. Si Ginoong Shun ang punong kawal ng Nethilor. Kaya pumunta na kami sa larangan kung saan puro tuldaan ang paligid at saktong labing-dalawa dahil labing-dalawa kami sa isang pangkat.

"Magandang araw sa inyo, mga paham, Prinsipe Aeryn." Bati ni Ginoong Shun.

"Punong Kawal..." Bati ni Aeryn.

Lost Crowned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon