Sa Kantina...
Kael's POV
Kakatapos lang ng klase ukol sa musika. At papunta na kami nina Jasper, Amaro, Aeryn at Alaric sa kantina dahil sa nagugutom na kami. Nalagay ako sa ikatlong pangkat nang makita ko ang listahan kaninang umaga.
"Kael, anong problema mo? Kanina ka pa tahimik..." Sabi ni Jasper.
"W-Wala... Marami lang iniisip..." Sagot ko. Tapos kumuha na kami ng pagkain at pumunta sa aming pwesto para kumain. Habang kami ay kumakain dumating sina Ella, Zeta, at Kit.
"Oh! Buti naman nakarating na kayo. Anong nangyari sa klase niyo?" Tanong ni Amaro.
"Ayos lang naman. Tsaka marami na kaming naririnig na usapan ukol sa bagong dalaga sa Zariya." Sabi ni Zeta.
"Yun ba yung babaeng may buhok na kasing kulay ng buwan?" Tanong ni Aeryn.
"Tapos may nakita rin akong tanda sa kanyang kanang kamay na hugis korona." Sabi ni Zeta. Nagulat ako sa sinabi nila ukol sa babae dahil yan mismo ang katangian ni Miya Jadeite.
"Oo. Siya nga. Kahawig niya kasi ang iyong kapatid, Kael." Sabi ni Kit sa akin. Tapos biglang dumating si Leon at may hinahanap. Biglang lumapit sa amin.
"Prinsipe Kael!" Tawag sa akin ni Leon.
"Leon? Hindi ba't may klase kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Meron sana kaso pinasok kami ng mga alagad ni Erwin." Sabi niya.
"Ano?!?!?!" Sigaw ng mga kasama ko.
"Samahan mo ako, Leon." Sabi ko. Tapos pumunta kami sa kanilang lugar kung saan ang kanilang klase.
"Teka! Kael!!!" Sigaw ni Amaro at biglang sumunod sa amin ang mga kasama ko. Bakit ngayon pa nagpakita ang mga alagad?
Sa Larangan ng Digmaan...
Nang makarating kami sa larangan kung saan ang klase nila, nakita kong sugatan si Jareth, ang punong kawal ng Ravaryn na guro namin sa pakikipagdigma. Biglang lumapit kay Jareth si Ludo, ang isa sa kanang kamay ni Erwin.
"Mukhang nanghihina ka na, Jareth. May huling bilin pa ba?" Asar ni Ludo sa kanya. Nanahimik si Ginoong Jareth tapos ihinanda ni Ludo ang pag-atake.
"Anong nangyari?!?!?!" Sigaw ni Jasper nang makarating sila sa pwesto ko. Nang malapit nang masaksak ni Ludo si Ginoong Jareth, may pumigil sa kanyang atake. Nagulat kami na isang dalaga ang nagligtas kay Jareth
"Ano???" Duda ni Ludo. Tapos sinipa siya sa kanyang tiyan.
"MIYA!!!" Sigaw nina Sabal, Rivi, at Hiro na pinuntahan si Ginoong Jareth. Miya? Siya si Miya?
"T-Teka anong ginagawa mo? Delikado ang ginagawa mo!" Tanong ni Ginoong Jareth sa kanya.
"Sanay na ako sa mga panganib, Ginoong Jareth. Nalantad na po ako sa ganitong sitwasyon." Sagot niya.
"Koronang tanda?" Duda niya. Koronang tanda? Tapos nakita ko rin ang kanyang koronang tanda sa kanang kamay. Bunso? Ikaw na ba yan?
"MIYA!" Sigaw ni Hiro. Tapos tiningnan namin ang higanteng alagad na susugod sa kanila.
"Alam ko..." Sabi niya at bumilis ang kanyang kilos laban sa higante. Nakita naming lahat kung paano siya kumilos gamit ang sibat.
"Grabe! Ang galing niya! Wala pang ilang linggo, marunong na siya." Sabi ni Alaric.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...