Miya's POV
Nakarating na kami ni Leon sa Zariya nang ligtas at hindi mawala sa aming isipan ang sinabi ni diwatang Silvia ukol sa taong nangangalang Zola.
"Leon, may alam ka ba tungkol sa Zola na ito?" Tanong ko.
"Oo, si Zola ay kapatid ni Sora na kung saan namamahala siya sa kadiliman." Sagot niya.
"Ano kaya ba ang meron sa kanya? Bakit tayo binigyan ni diwatang Silvia ng babala ukol sa kanya?" Tanong ko. Nang biglang sumulpot si Nunong Zain.
"Mukhang ako ang makakasagot niyan, Mahal na Prinsesa." Sabi niya.
"Nunong Zain..." Sambit ko.
"Halika, doon tayo sa inyo. At ikukwento ko ang ukol sa inyong tanong." Sabi niya at dumiretso na kami sa amin.
Zandro's POV
Narito pa ako sa aming hapagkainan at tinitingnan ang litrato naming apat noong kasama pa si Miya. Saan ka na kaya, Miya?
"Zandro..." Sambit ng isang boses ng babae. Lumingon ako, wala namang tao.
"Sinong nandiyan?" Tanong ko. Tapos nakita ko ang isang babaeng nakaputi na dumaan sa hagdan patungo sa isang silid.
"SANDALI!" Sigaw ko at sinundan ang babae hanggang sa makarating ako sa silid ni Miya noong sanggol pa siya. Nakita ko ang dalawang pamilyar na kaluluwa. Nang lumingon ang dalawa, sina Erwin at Silvia ang nagpakita.
"Diwatang Silvia? B-Bakit kayo magkasama ng lalaking ito?" Tanong ko sa kanya.
"Mukhang hindi mo pa alam ang ukol sa nangyari sa akin bago ako pumanaw." Sambit ni Erwin.
"A-Ano?" Duda ko.
"Hindi si Erwin ang nasa Lithelle ngayon... Kundi ang kapatid ni Panginoong Sora..." Sambit ni Silvia.
"Si Zola?" Tanong ko. Tumango si Erwin bilang tugon niya.
"B-Bakit?" Tanong ko.
"Nagpanggap siyang bilang ako bago dumating sa puntong nawala ang inyong prinsesa... Sa buong buhay nang pamumuno ninyo, si Zola ang kinakalaban niyo." Paliwanag ni Erwin.
"N-Ngayon maliwanag na sa akin..." Sambit ko.
"Kaya kailangan mong sabihan ang iba pang mga hari at reyna ng bawat kaharian." Bilin ni Silvia.
"Masusunod, Mahal na diwata..." Tugon ko.
"Haring Zandro... May huling bilin pa ako..." Sabi ni Silvia.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Sa darating na panahon, makakasama mo na ang iyong hinahanap. Ngunit hindi ko sasabihin kung sino, dahil siya mismo ang lalapit sa inyo." Sabi niya. Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"S-Sino?" Tanong ko. Biglang may tumawag sa akin.
"Ama..." Tawag ng isang babae. Ama ang tawag sa akin? Huwag mong sabihing... buhay siya...
"Miya??? Miya???" Tawag ko ulit. At nang magising ako, si Kael ang nasa tabi ko. Isang panaginip ang nakita ko kanina.
"Ama, ayos lang po kayo?" Tanong ni Kael.
"O-Oo... Ayos lang ako, Anak. May napanaginipan lang ako..." Sabi ko.
"Ukol saan?" Tanong niy
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...