Rivi's POV
Nasa loob ako ng karwahe dahil dumating ang mga alagad ni Erwin. Hindi rin ako marunong sa pakikipaglaban kaya ako nasa loob. Biglang may isang alagad ni Erwin na pumunta sa may pinto ng karwahe, binuksan niya ito at hinila ako palabas nang hindi alam ni Ravi. Ngunit binitawan niya bigla nang may nakita akong isang taong takip ang ulo. Biglang sumugod ang alagad patungo sa kanya.
"UMILAG KA!!!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang mangyari ay pinugutan ng ulo ang alagad gamit ang kanyang sibat. Pamilyar ang sibat na gamit niya, ang sibat ng Zariyan na pagmamay-ari ng taga-Zariyan. Bakit nasa kanya? Tapos lumapit sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Babae ang boses? Paanong nakakagamit ng sandata ang isang babae.
"A-ayos lang ako..." Sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun... Halika." Sabi niya. Tapos hinila ako papunta sa karwahe. Nang pumasok ako sa karwahe, tinanggal niya ang kanyang pandong sa ulo. Nakita ko ang kanyang itsura, gintong mata, buhok na kasingkulay ng buwan at sobrang kintab ng pagkaputi. Ang ganda niya kaya hindi ko maiwasang tumitig sa kanya nang matagal.
"Tutulungan ko ang mga kasama mo, dito ka lang ha?" Bilin niya sa akin sabay hawak sa aking pisngi. Tumango ako sa kanya, ngumiti siya tapos sinuot niya muli ang kanyang pandong at pinuntahan sina Ravi. Hindi mawala sa aking isip ang itsura ng babae, may kahawig rin kasi siya.
"Sino kaya siya???" Duda ko sa kanyang pagkatao.
Giro's POV
Napapagod na kami nina Kuya Hiro at Ravi dahil sa dami ng mga alagad ni Erwin. Nang mabawasan sila, medyo nakaramdam na ako ng ginhawa.
"Buti naman umalis na rin sila." Sabi ko tapos bumalik ako patungo sa karwahe. Ngunit nakita ko ang mukha nina Kuya at Ravi na parang hindi pa tapos ang laban. Nang tumalikod ako, nakita ko ang isang alagad na mas malaki sa amin nina Kuya Hiro at Ravi at may hawak na malaking martilyo.
"GIRO!!!" Sigaw ni Kuya Hiro. Nang malapit na akong matamaan ng martilyo, may biglang humila sa akin. Dahil doon nakaligtas ako sa atake ng higanteng yun.
"Dito ka lang. Ako ang bahala sa higanteng yan..." Sambit niya. Babae ang boses niya ngunit nang tingnan ko kung sino ang nagligtas sa akin, kita kong nakatakip ang kanyang ulo. Tapos tumakbo siya patungo sa higante.
"TEKA!!! SANDALI LANG!!! DELIKADO!!!" Sigaw ko. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at nakita naming hiniwa niya ang braso ng higante na may hawak na martilyo gamit lamang ang kanyang sandata. Tapos lumapit si Kuya Hiro.
"Giro!" Sigaw niya tapos hinila ako papunta sa karwahe.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Ravi.
"Ayos lang ako. Pero..." Sambit ko tapos tumingin sa taong nakatakip ang ulo. Nang tingnan namin siya, napansin ko ang sibat ng Zariyan na hawak niya.
"Ang nawawalang sibat ng Zariyan? Bakit nasa kanya?" Tanong ni Ravi. Kahit kami ni Kuya Hiro, hindi masasagot ang kanyang tanong. Biglang napansin ko ang kanyang kamay na may koronang tanda.
"Koronang tanda???" Sambit namin ni Kuya Hiro tapos tumingin kami sa isa't isa.
"Kuya, hindi kaya... siya na yun?" Bulong ko sa kanya.
"P-Posible..." Sagot niya. Tapos tiningnan ulit namin siya, at ang huli naming nakita ay ang pinugutan niya ang ulo ng higante.
"Patay na itong higante... Ligtas na kayo..." Sambit niya. Nang lumakas ang hangin, nadamay ang kanyang pandong sa lakas ng hangin. Nakita naming tatlo ang itsura niya, gintong mata at makintab na puting kasing kulay ng buwan ang buhok. Biglang naalala ko ang itsura ni Miya Jadeite noong sanggol siya. Siya na ba ang tinutukoy ni Silvia? Tapos tiningnan kami ng babae na nakatitig sa kanya.
"May problema ba???" Tanong niya sa akin.
"Ahhh... W-Wala! G-Gusto sana naming magpasalamat sa pagliligtas mo sa aking kapatid." Sabi ni Kuya Hiro.
"Ako nga pala si Giro, kapatid ko si Kuya Hiro. Kami ang mga prinsipe ng Ravaryn." Sabi ko sa kanya.
"Ako naman si Ravi, yung kasama namin sa karwahe ay si Rivi. Kami ang mga prinsipe ng Zinambra." Dagdag ni Ravi. Tapos tumingin sa akin ang babae tapos kay Ravi. Nagtaka siya sa itsura ni Ravi.
"Kakambal mo yung nasa loob ng karwahe?" Tanong niya kay Ravi. Lumingon kaming tatlo kay Rivi tapos balik sa kanya.
"Oo, kakambal ko nga. Bakit mo natanong?" Tanong niya sa babae.
"Wala naman. Kasi kanina niligtas ko siya sa isang alagad na humila sa kanya. Buti na lamang hindi siya nasugatan." Sabi niya kay Ravi.
"HA???" Duda ni Ravi. Nagulat kami sa nasabi niya kaya pinuntahan ni Ravi si Rivi.
"Ayos ka lang, kambal? May sugat ka ba? May masakit?" Tanong ni Ravi na may pag-alala sa kapatid.
"Ayos lang ako. Walang masakit sa akin." Sabi ni Rivi at huminga si Ravi nang malalim. Tapos may napansin ang babae sa akin.
"Bakit ka nakatingin sa akin? Nagagandahan ka sa aking itsura noh???" Biro ko sa kanya.
"Wala akong hilig sa mga lalaking mahilig sa biro." Seryosong sabi niya. Biglang hinawakan niya ang aking brasong dumudugo.
"T-Teka!!! Anong ginagawa mo???" Sabi ko. Tapos nilagay niya ang kamay sa braso kong nasugatan. Nang tingnan ko ulit siya, lumiwanag ang kanyang buhok at kasabay nito ay unti-unting naglalaho ang aking sugat hanggang sa mawala.
"Lumiliwanag ang buhok? Kapag ginagamot???" Duda ni Kuya Hiro.
"Kahit salamat lang, masaya na ako." Sabi niya sa akin.
"Uhm... Salamat... Uh..." Sambit ko ngunit hindi matapos ang aking sasabihin dahil hindi ko alam ang kanyang pangalan.
"Miya..." Sagot niya.
"Ha?" Duda ko.
"Miya Jadeite ang aking pangalan. Tawagin niyo na lang akong Miya." Sabi niya. Nagulat kaming apat sa narinig namin. Miya Jadeite? Siya na nga! Siya na nga ang nawawalang prinsesa ng Zariya. Nasa harap na pala namin si Prinsesa Miya Jadeite ng Zariya.
"Miya... Uhm... Salamat Miya..." Sabi ni Kuya Hiro.
"Walang anuman. Mauna na ako sa inyo, mahal na prinsipe ng Ravaryn." Sabi ni Miya habang sinuot niya muli ang kanyang pandong at umalis. Tiningnan namin siyang umalis sa harap namin tapos kinausap ako ni Kuya Hiro.
"Giro... Siya na nga ang tinutukoy ni Silvia ukol sa nawawalang prinsesa." Sabi niya sa akin habang pabalik na kami sa karwahe.
"Mukha nga eh. Kasi yun din ang pinakita sa atin sa panaginip hindi ba?" Duda ko.
"Teka! May naalala akong binigay ito sa akin ni Silvia." Sabi ni Kuya tapos may kinuha siya sa kanyang bulsa. Ang isang pintadong larawan ng isang dalaga. Tiningnan rin nina Ravi at Rivi ang litratong nilabas ni Kuya.
"Giro... Hindi ba siya yung babae kanina?" Tanong ni Rivi.
"Siya nga, kambal. Kahawig niya ang nawawalang prinsesa nakalipas na labing-walong taon." Sabi ni Ravi. Medyo may punto si Ravi. Ngunit hindi namin muna sasabihin sa kanila na siya na talaga ang nawawalang prinsesa.
"Siguro kailangan na nating pumunta sa Zariya para ipaalam kay Prinsipe Kael ang ukol sa nangyari kanina." Sabi ko sa kanila. Tumango sila dahil sa sang-ayon sila sa plano tapos pumasok na kami sa karwahe patungong Zariya.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...