Chapter XXXI

41 1 0
                                    

Zandro's POV

Nagpapahinga ako ngayon sa aking silid at iniisip pa rin ang mga ganap sa mundo ngayon simula noong dumating sa Zariya ang babaeng kahawig ng aking nawawalang anak. Ang kanyang pisikal na anyo ang parehong-pareho sa aking anak.

"Sino ka ba talaga?" Sabi ko. Tapos dumating ang isang kawal sa aking silid.

"Ginoong Zandro, narito na po si Ginoong Zorro." Sabi niya.

"Papasukin mo na..." Sabi ko nang biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

"Zandro?" Tawag ni Zorro hanggang sa nakaluhod na ako. Tapos lumapit sa akin si Zorro.

"Tawagin mo sina Kael at Bastian!" Sigaw ni Zorro.

"Masusunod po!" Sabi ng kawal at umalis.

"Tulungan kita, Kaibigan." Sabi ni Zorro at binuhat ako upang ihiga sa aking kama.

"Magpahinga ka lang diyan. Kukuha lang ako ng tubig." Sabi ni Zorro at umalis sa aking silid. Napapapikit ako hanggang sa namamalik-mata ako nang nasa harap ko si Diwatang Luna, ang sinaunang reyna ng Zariya. 

"Hara... Luna..." Sambit ko hanggang sa nakatulog ako nang mahimbing.


Kael's POV

Nagulat kami nang makita naming nasa harap namin sina Bastian at Miya. Hindi ko akalain na may ganyang lakas ang aking bunsong kapatid.

"Miya..." Sambit kong nakangiti.

"Ayos lang kayo, Prinsipe Kael?" Tanong ni Bastian sa akin.

"Ayos lang kami." Sabi ko habang sinusubukang umupo.

"Mabuti kung ganun. Mukhang malakas yung nakalaban ninyo." Sabi ni Miya na may ngiti sa labi.

"Napatagal ba ang aming dating, Daniel?" Tanong ni Bastian kay Ginoong Daniel.

"Sakto lang... Halos natumba na kaming lahat..." Sabi ni Ginoong Daniel nang dahan-dahan siyang tumatayo.

"Huwag na po kayong mag-alala... Kami na ang bahala dito." Sabi ni Miya at hinanda ang kanilang sarili sa pag-atake ni Dante.

"AAAAAHHHHHH!!!" Sigaw ni Dante.

"Siya si Dante, kanang kamay ni Erwin na may kakayahan sa kalakasan ng katawan." Sabi ni Ginoong Daniel kay Miya. Sumugod si Dante kina Miya at Bastian ngunit nakailag ang dalawa.

"AAAAAAGHHH!!!" Sigaw ni Dante habang hinahabol ang dalawa.

"Ang bilis nila..." Sabi ni Aeryn.

"Oo nga eh... Hindi mo na nga masundan ang kanilang kilos eh..." Sabi ni Kit.

"MIYA!!!" Sigaw ni Bastian. Tumango siya at hinanda ang kanyang kalasag. 

"Anong gagawin nila?" Tanong ni Amaro. Tumalon si Miya para kumuha ng buwelo mula sa kalasag ni Bastian at tinulak niya patungo kay Dante. Tapos sinipa ko siya sa kanyang sikmura.

"GHAA!!!" Angal ni Dante dahil sa pagkasipa ni Miya sa kanyang sikmura. 

"Ang galing..." Sabi namin. Tapos unti-unting bumangon si Dante ngunit nagulat siya nang makita niya si Miya.

"I-Imposible!!! P-Pinatay ka noong isang daang taon!!!" Sigaw niya.

"Pinatay noong isang daang taon? Anong ibig niyang sabihin?" Duda ni Jasper.

Lost Crowned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon