Isang taong nakalipas...
Silvia's POV
Ngayon ay unang kaarawan ni Miya Jadeite at nagkakaroon ng kasiyahan sa kaharian ng Zariya. Dumating rin ang mga Hari, Reyna, Prinsipe at Prinsesa na nagmula sa iba't ibang mga kaharian. Nagkaroon ng katuwaan ang hari sa pamamagitan ng inuman, ang mga reyna naman nag-uusap sa mga ginagawa ng kanilang mga anak, habang ang mga prinsipe at prinsesa nasa hardin.
"Kay saya ng buong paligid..." Sambit ko. Tinitingnan ko ang buong paligid nang biglang nakita ko ang isang alagad ni Erwin na papunta sa silid ni Miya kaya sinundan ko. Nang makita kong dala niya ang sanggol, lumakas ang iyak tapos tumakbo siya nang mabilis kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa labas. Nang makita kong huminto ang alagad binaba niya ang batang umiiyak at umalis.
"Bakit niya binaba ang bata?" Tanong ko sa sarili. Tapos pinuntahan ko ang sanggol na sobrang lakas umiyak. Kaya binitbit ko siya upang ipatahan. Tumahimik rin siya sa kakaiyak at nakatulog nang mahimbing.
"Mabuti naman napatahan na kita. Kailangan na kitang ibalik sa iyong ama at ina." Sabi ko sa bata. Nang papunta na sana ako sa Zariya, nakita ko si Luna sa harap ko.
"Huwag mong ibalik ang bata." Bilin niya.
"Ha? Bakit, Mahal na Diwata? Masama ba ang gagawin ko?" Tanong ko na may pagdududa.
"Wala kang ginagawang masama, Silvia. Ngunit kapag binalik mo ang bata, babalik at babalik si Erwin." Sagot niya.
"S-Saan ko siya dadalhin? Ayokong iiwan rito ang bata." Sambit ko kay Luna. Nag-isip siya ng paraan tapos tumingin siya sa akin.
"A-Ano yun?" Tanong ko.
"Ikaw na ang magpalaki sa kanya." Sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Ako? Magpapalaki sa bata?
"Ha???" Sigaw ko.
"Yan ang natatanging paraan para mailigtas ang bata. At lalaki siyang isang magiting na prinsesa ng Zariya." Sabi niya. Napaisip ako sa sinabi niya. May punto rin siya pero paano kung malaman ni Erwin na nasa akin ang bata?
"Sige. Ako na ang mag-aalaga sa bata." Sabi ko.
"Magandang desisyon. At pagdating ng labing pitong taon, matatapos na ang iyong panahon rito sa Ancara." Sabi niya. Tumango ako at naglaho na si Luna. Tiningnan ko ulit si Miya tapos dinala ko siya sa isang bahay kung saan walang tao.
"Maayos na ito. Mag-uumpisa ka na rin sa iyong buhay bilang isang nawawalang prinsesa ng Zariya." Sambit ko sa kanya. Ngunit bago kami pumasok, bininyagan ko si Miya.
"Miya Jadeite, binibinyagan kita na may magandang katangian ng isang prinsesa, malakas ang loob na makakagawa ng tama para sa mga tao at talas ng isip. Nawa'y gabayan ka ng diwatang Luna sa iyong paglalakbay bilang ang bagong liwanag ng Ancara." Sambit ko at lumiwanag ang buong paligid ko nang binyagan mo si Miya Jadeite. Nakita ko ang pagbabago sa bata. Ang kayumangging mata'y naging ginto at ang buhok mas lalong pumuti. Nang matapos ang pagbinyag sa kanya ay pumasok na kami sa loob.
Zandro's POV
Nagkakasiyahan na kaming mga hari sa hapagkainan. Sina Faramis, Idris, Zion at Mikael ay nalasing na. Habang kami nina Kuya Zorro, Uriel, Luca, Ash at Aragon ay maayos pa ang kalagayan habang umiinom ng alak.
"I... ZANG... TAGAY... PA!!!" Sigaw ni Zion habang nakahiga sa sahig.
"HUY!!! WAG... KANG... ZUMIGAW!!!" Sigaw naman ni Idris.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...