Bastian's POV
Ilang minuto na akong sumusunod sa kanila nang hindi nila ako nakikita. Tapos narinig kong magsalita si Nunong Zain.
"Ligtas na tayo." Sabi ni Nunong Zain.
"Ano po ang pag-uusapan, Nuno?" Tanong ni Miya.
"Nalaman ko kay Jareth na pumunta rito si Dina upang dakpin ka. Tapos dumating si Leo at tinulungan ka." Sabi niya. Sino si Leo? Ano ang kinalaman ni Miya kay Dina?
"Opo. Bakit po?" Tanong niya.
"Mukhang binigay ni Luna ang kanyang taglay ng isang Luna." Tugon niya. Luna? Si Diwatang Luna?
"Ano pong meron bakit paunti-unti po akong nakakaramdam ng biyaya?" Tanong ni Miya.
"Dahil sa iyo ibinigay ang taglay ng kanyang bulaklak." Sagot niya. Nagulat ako sa natuklasan kong na ang kakayahan ng bulaklak ni Luna ay nasa dalagang ito.
"Paano po napunta sa akin ang kanyang bulaklak?" Tanong ulit ni Miya.
"Napunta sa'yo yun noong isilang ka. Pinainom ko ang tubig na may halong bulaklak ni Luna. Tapos ang taglay niya ay napunta sa'yo. At doon sa bulaklak na iyon, naibibigay niya ang kanyang kapangyarihan sa'yo." Paliwanag niya. Teka! Yan ang araw noong nagkasakit si Reyna Elena bago isilang ang nawawalang prinsesa!
"Kaya pala..." Sambit niya.
"Maraming hindi nakakaalam na ang nawawalang sanggol noong labing-walong taon ay ikaw. Kaya inisip nilang patay ka na. Kailan mo na ba ipapaalam sa iyong magulang at kay Kael?" Tanong sa akin ni Nunong Zain. Teka! Si Miya ang nawawalang prinsesa!?!? Totoo nga ang kutob ni Prinsipe Kael!
"Hindi ko po masasabi kung kailan. Pero darating ang araw... Makakaharap ko sila..." Sabi niya. Anong ibig niyang sabihin.
"Oo nga pala, ipapaalam ko na malapit na ang iyong kaarawan. Kaya kailangan mong pumunta sa palasyo." Sabi niya.
"Opo." Tugon ni Miya..
"At lagi kang mag-iingat, Prinsesa Miya. Malamang dadakpin ka ni Erwin upang patayin." Bilin ni Nunong Zain. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya nagpakita na lang ako sa kanila.
"Prinsesa?" Tanong ko.
"Bastian?" Duda ni Miya.
"Nunong Zain? Totoo po ba ang aking narinig? Ang sanggol noong labing-walong taon at si Miya ngayon... Ay iisa?" Tanong ko kay Nunong Zain.
Miya's POV
Sumama ako kay Nunong Zain dahil sa may pag-uusapan raw kami. Ano kaya ang pag-uusapan? Tumingin siya sa buong paligid para malamang ligtas kami.
"Ligtas na tayo." Sabi ni Nunong Zain.
"Ano po ang pag-uusapan, Nuno?" Tanong ko.
"Nalaman ko kay Jareth na pumunta rito si Dina upang dakpin ka. Tapos dumating si Leo at tinulungan ka." Sabi niya.
"Opo. Bakit po?" Tanong ko.
"Mukhang binigay ni Luna ang kanyang taglay ng isang Luna." Tugon niya.
"Ano pong meron bakit paunti-unti po akong nakakaramdam ng biyaya?" Tanong ko.
"Dahil sa iyo ibinigay ang taglay ng kanyang bulaklak." Sagot niya.
"Paano po napunta sa akin ang kanyang bulaklak?" Tanong ko.
"Napunta sa'yo yun noong isilang ka. Pinainom ko ang tubig na may halong bulaklak ni Luna. Tapos ang taglay niya ay napunta sa'yo. At doon sa bulaklak na iyon, naibibigay niya ang kanyang kapangyarihan sa'yo." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...