Giro's POV
Ngayon alam ko na ang buong kwento ukol kay Miya. Totoo nga ang sabi ni Silvia sa amin ni Kuya, buhay nga ang prinsesa.
"Ngayon alam mo na ang ukol sa akin... Anong plano niyo?" Tanong ni Miya.
"Sasabihin ko lamang kay Kuya ang mga nalalaman ko. Kami pa lamang ang nakakaalam ukol sa'yo mula kay Silvia." Sagot ko.
"Nakausap mo si Nanay?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.
"Basta mag-ingat ka na lang ah... Bibisitahin ka namin ni Kuya, huwag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya.
"Sige... Anong oras na? Baka hanapin ka pa ng Kuya mo..." Bilin ni Miya.
"Opo, Mahal na Prinsesa... Babalik na rin ako..." Sabi ko tapos pumunta sa bintana. Ngunit bago ako pumunta sa bintana, nakita ko si Prinsipe Kael nasa labas.
"Lagot!" Bulong ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Ang kuya mo nasa labas..." Sagot ko.
"Ano?" Duda niya. Kainis! Hindi ako makalabas. Kailangan hindi rin niya malaman ang ukol kay Miya.
"Paano ito?" Tanong ni Miya. Tiningnan ko ulit si Kael tapos tinawag siya ni Bastian.
"Prinsipe Kael! Pinapatawag ka ng iyong ama!" Sabi niya. Kaya pumunta siya sa palasyo at doon na ako lumabas.
"Paano na, mauuna na ako, mahal na prinsesa..." Sabi ko at umalis na sa bahay bago pa ako makita ni Prinsipe Kael. Saktong-sakto nakita ko sina Kuya Hiro at yung kambal sa may karwahe.
"Prinsipe Hiro, ayan na pala ang iyong kapatid." Sabi ni Ravi. Pagkalingon ni Kuya sa akin bigla akong binatukan.
"Aray! Bakit???" Tanong ko sa kanya habang hinawakan ang aking ulo kung saan ako binatukan.
"Alam mo bang alalang-alala kami sa paghahanap sa'yo! Saan ka ba galing?" Tanong niya na may pagdududa.
"Ah... Eh... Hinahanap ko rin yung si Miya..." Sagot ko.
"Nahanap mo na siya?" Tanong ni Rivi.
"H-Hindi eh..." Palusot ko.
"Sige na, pasok na tayo..." Sabi ni Ravi. Pumasok ang kambal sa loob ngunit pinigilan kong pumasok si Kuya.
"Kuya..." Tawag ko tapos hinila para ibulong ang kailangan niyang malaman.
"Si Miya nga ang nawawalang prinsesa..." Bulong ko sa kanya. Nagulat siya sa aking inulat sa kanya.
"Buhay nga siya???" Bulong ni Kuya. Tumango ako.
"Mamaya, pag-usapan natin sa palasyo." Bilin ko tapos pumasok na kami sa karwahe at umuwi na patungo sa Ravaryn.
Leon's POV
Nakauwi ako sa Alandra galing sa Zariya. Isang pangyayari ang hindi ko makalimutan. Ang isang pangyayaring nais kong malaman...
"Babaeng kasingkulay ng buwan ang buhok... May koronang tanda sa kanang kamay... Kulay gintong mata..." Sambit ko habang inaalala ang anyo ng babae.
"Ikaw si Prinsipe Leon? Ang anak ni Diwatang Silvia?" Tanong ng babae.
"Paano mo ako kilala? Paano mo nalaman ang ukol sa akin?" Tanong ko.
"Nakausap ko siya bago siya pumanaw." Sagot niya.
Hinding-hindi mawala sa aking isipan ang tanong sa akin ng babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...