Miya's POV
Nakarating na ako sa Zariya mula sa bahay kung saan ako lumaki. Nakita kong kay ganda ng kaharian kung saan ako nagmula. Kita rito na may mga bilihan rito kung saan magagamit ng mga binata at dalaga sa kanilang pag-aaral.
"Kay ganda pala..." Sambit ko sa sarili ko. Tapos naglibot ako sa mga tindahan at nakita ko ang bilihan ng mga libro na maaaring gamitin.
"Maraming magagamit dito... Ano kaya ang pwedeng bilhin rito?" Sabi ko habang tinitingnan ang mga libro. Tapos nakita ko ang isang librong naiintindihan ko ang kanyang wika.
"Libro Lucem??? Ano kaya ito???" Duda ko tapos binuksan ko ito para malaman kung ano ang laman nito.
"Lux venit. Lux splendida fulgebit. Levis est semper duxi te per viam vestram. (Light will come. Light will shine. Light is always there guiding you to your way.)" Sabi ko habang binabasa ang libro. Biglang may lumapit na isang matandang babae.
"Te potest intelligere in eo libro de verbis? (You can understand the language of that book?)" Tanong ng matanda sa akin. Nagulat ako nang kausapin ako gamit ang wikang ng Zariyan.
"Sic possum (Yes, I can.)" Sabi ko sa kanya. Tapos bigla siyang ngumiti sa akin nang makita niya ako.
"Et iam redierat reginae! (The princess has returned!)" Sabi niya sa akin.
"Esne bene? (Are you okay?)" Tanong ko sa kanya tapos binaba ko sa mesa yung libro at unti-unting lumalayo sa kanya. Nang makarating na ako sa labas, akala ko natakasan ko na siya. Ngunit nasa harap ko na naman ang babae tapos hawak niya ulit yung libro .
"P-Paano ka nakarating dito?" Tanong ko sa kanya.
"Accipe librum vobiscum. Ego auxiliatus sum tibi est ad iter. Hoc autem donum sit tibi, mi princeps. (Take this book with you. It will help you to your journey. This will be a gift for you, dear princess.)" Sabi niya sa akin tapos binigay sa akin yung libro. Nang kunin ko ang libro, bumalik na siya sa loob.
"Nakakapanibago naman..." Sabi ko. Tapos nilagay ko sa aking supot ang librong binigay sa akin at tuloy sa paglalakad. Habang ako'y naglalakad, may nakita akong isang bahay na walang nakatira.
"May nakatira pa ba rito?" Tanong ko sa sarili. Tapos nakita ko ang isang babaeng nasa labas. Kaya tinanong ko ang ukol sa bahay na ito.
"Ate, magtatanong lang po. Mayroon pong nakatira rito?" Tanong ko sa kanya.
"Ay! Wala pong nakatira diyan. Simula noong nawala ang prinsesa ng Zariya. Pero kung gusto niyo pwede po kayong tumira diyan. Maayos pa po ang mga gamit diyan, medyo maalikabok lang." Sagot niya. Tinutukoy niya ang pagkawala ko noong labing-walong taon.
"Ganun po ba? Naghahanap kasi ako ng matutuluyan... Nasunog na rin ang aking bahay... Matagal nang patay ang aking nanay..." Sabi ko sa kanya bilang palusot.
"Naku! Pasensya na sa pagkawala ng iyong mga magulang... Gusto mong dumito ka na muna... Mukhang galing ka pa sa malayong palasyo." Sabi sa akin ng ate na may awa sa mga mata niya.
"S-Salamat po, Ate. Nawa'y bigyan kayo ng biyaya mula sa itaas." Sabi ko sa kanya tapos binigay niya ang susi ng bahay at pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Tapos pumasok muna ako sa loob.
"Linis muna ako nang sandali para naman maayos ang bahay." Sabi ko sa sarili. Tapos nag-umpisa akong maglinis ng bahay. Maayos pa ang mga gamit kaya linis lang sa mga alikabok ang ginawa ko. At mga ilang oras ang nakalipas, natapos rin ang paglilinis ng bahay.
"Buti naman mabilis lang ang paglilinis dito. Labas na muna ako para makabili ng mga damit." Sabi ko tapos hinanda ko ang aking sarili sa aking paglabas ulit. Lumabas ako ulit para maglibot. Dinala ko ang aking sibat at ang mga perang iniwan sa akin ni Inang Silvia bago siya namatay.
Ravi's POV
Pagkatapos ng pagtutuos namin sa mga alagad ni Erwin sa tulong ng babaeng kahawig ng nawawalang prinsesa, dumiretso na kami sa Zariya. Nakarating na kami sa palasyo at doon namin nakita si Prinsipe Kael at ang punong kawal na si Bastian.
"Prinsipe Kael!" Bati ni Prinsipe Hiro sa kanya pagkababa namin sa karwahe.
"Prinsipe Hiro, mabuti naman at ligtas kayo sa inyong paglalakbay. At kasama mo pa ang iyong kapatid at ang mga kambal na prinsipe ng Zinambra." Sabi ni Prinsipe Kael sa amin.
"Sa totoo lang, hindi naging ligtas ang paglalakbay ngunit maayos naman kami." Sabi ni Prinsipe Giro sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Prinsipe Kael.
"Pag-usapan natin ito sa labas ng palasyo para hindi magtaka ang iyong ama at ina." Suhestyon ni Rivi.
"Magandang plano yan, Riv." Sabi ko sa aking kapatid. Tumango kaming lahat at lumabas ng palasyo papunta sa isang sikat na kainan ng Zariya. Nang makarating na kami sa loob ng kainan, pinag-usapan namin ang ukol sa nangyari kanina.
"Kuha na rin tayo ng makakain. Gutom na rin ako eh." Sabi ni Prinsipe Kael.
"Isama ko na rin yung sa amin. Nagutom kami sa sobrang pagod." Sabi ni Prinsipe Giro.
"Ano pala ang nangyari sa inyo kanina sa inyong paglalakbay?" Tanong agad ni Prinsipe Kael.
"Una talagang nangyari ay bago pa kami umalis ni Giro, kinausap kami ng anima mea (kaluluwa) ni Silvia." Paliwanag ni Prinsipe Hiro. Nagulat kaming tatlo nina Rivi at Kael sa balita niya.
"Si Silvia? Ang diwata ng Alandra?" Tanong ni Bastian sa kanya.
"Oo. Siya nga. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging kaluluwa si Silvia. May ibinilin ba sa inyo ang diwata, Prinsipe Hiro?" Sumbat ni Rivi.
"Ang ibinilin lamang niya sa amin na darating dito sa Zariya ang isang liwanag na matagal nang hinahanap." Sagot ni Giro. Liwanag? Sino?
"Sino?" Tanong ni Prinsipe Kael.
"Si Miya Jadeite... Ang iyong bunsong kapatid." Sagot ni Prinsipe Hiro kay Prinsipe Kael. Nakita naming nagulat kaming tatlo nang malaman namin buhay ang nawawalang prinsesa.
"B-Buhay si Miya? Buhay ang aking kapatid???" Tanong ni Prinsipe Kael.
"Yan ang sabi sa amin. Ngunit kailangan pa naming hanapin siya." Sabi ni Prinsipe Hiro.
"Sino naman ang nagbalita niyan? Baka mamaya maling balita ang binigay niya sa inyo." Duda ni Rivi.
"Kay Silvia mismo nanggaling ang balitang ito. At malakas ang hinala naming nakarating na siya rito." Sabi ni Giro.
"Hindi ba't Miya Jadeite rin ang babaeng nagligtas sa atin kanina?" Tanong ko sa kanila. Nagulat bigla si Prinsipe Kael sa aking tanong.
"Ha? Anong nagligtas? Kanino?" Tanong ulit ni Prinsipe Kael.
"Oo. May mga sumugod na alagad ni Erwin na sumugod sa amin. Buti na lang may tumulong sa aming babaeng nagpakilalang Miya Jadeite." Paliwanag ni Rivi.
"Anong itsura ng babae???" Tanong ulit ni Prinsipe Kael. Tutuloy na sana ang pagpapaliwanag ni Giro ngunit biglang may nakita akong kaguluhan sa labas.
"Bakit nagkakagulo sa labas?" Tanong ko sabay turo sa labas. Tumingin ang mga kasama ko sa labas at nakitang may mga tumatakbo papasok sa kanilang bahay. Tapos nakita namin ang isa sa mga kanang kamay ni Erwin, si Mauro.
"Si Mauro? Anong ginagawa niya rito?" Duda ni Prinsipe Hiro.
"Narito sa palasyo ang mga alagad ni Erwin. Tara na!" Sabi ni Prinsipe Kael. Tapos lumabas kaming anim para iligtas ang Zariya.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...