Chapter VIII

100 2 0
                                    

Zandro's POV

Pumunta ang isang guro mula sa Academiae Royale ukol sa mga mag-aaral sa paaralang iyon. Hindi mawala sa aking isipan ang ukol sa aking anak. Nakita ko ang listahan ng mga mag-aaral sa Academiae Royale, at nakita ko ang pangalan ng aking anak.

"Buhay pa talaga si Miya???" Tanong niya sa sarili. Hindi mawala sa kanyang isipan ang ukol sa kanyang anak. Tapos dumating si Kael sa kwarto.

"Ama..." Tawag sa akin.

"Anak... Kumusta naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos lang naman po, Ama. Nabalitaan ko kay Ina na mayroong estudyanteng mag-aaral nangalang Miya Jadeite." Sabi niya.

"Oo..." Sagot ko.

"Parang labing-walong taon na ang nakalipas noong mawala siya... Naniniwala po kayo doon?" Tanong ni Kael.

"Hindi ako sigurado, Anak. Gusto ko sanang maniwala ngunit kailangan makita ko siya nang harapan." Sabi ko.

"Pero, Ama... Paano kung buhay pa talaga si Bunso?" Tanong ni Kael.

"Malalaman na lamang sa inyong pagpasok sa paaralan, Kael." Sabi ko.

"Gusto kong hanapin ang aking kapatid. Gusto ko siyang makita nang dalawang mata ko." Sabi niya na may tatag ng loob. 

"Manang-mana ka talaga sa akin, Kael. Mahahanap rin natin ang iyong kapatid. Kaya tiwala lang sa mga diwata." Sabi ko sa kanya.

"Sige na po. Babalik na po ako sa aking silid." Sabi ni Kael at bumalik na sa kanyang silid. Miya Jadeite... Hindi ako susuko sa paghahanap sa iyo.


Dalawang araw bago ang pasukan...

Miya's POV

Maaga akong nagising dahil umalis ako patungo sa bahay ko kung saan ako lumaki kasama si Nanay Silvia.

"Kay tagal na nating hindi nagkita..." Sabi ko habang tinitingnan muli ang bahay. Hinaplos ko muli ang bahay at lumitaw ang mga alaala ko noong kasama si Nanay Silvia.

"Inang Silvia... Kung nasaan man po kayo... Nais ko lang ipaalam sa inyo na maayos ang aking kalagayan... At makikita ko na rin sa Zariya ang aking tunay na pamilya... Nais kong magpasalamat sa inyo sa pag-aalaga sa akin noong labing-walong taon..." Sambit ko. Tapos nakita ko ang aking sapin noong sanggol pa ako at niyakap ko nang mahigpit. Biglang may narinig akong padyak ng paa sa mga sanga.

"Sino yan???" Tanong ko. Tapos may lumitaw na isang nilalang na nagtatago sa mga puno.

"Parang namumukhaan kita, Binibini..." Sabi ng isang lalaki sa akin. Binibini? Teka... Si Prinsipe Leon?

"Prinsipe Leon ng Lithelle?" Tanong ko sa kanya. Nang tanungin ko siya, tinanggal niya ang kanyang pandong at si Leon nga ang lalaking nasa harapan ko.

"Kinagagalak kitang makilala..." Sabi niya sa akin. Ngunit hindi niya alam ang aking pangalan.

"Jade..." Sabi ko.

"Hmm?" Duda niya.

"Isa sa mga palayaw ko... Jade..." Sabi ko para hindi mahalata ang tunay kong pagkatao.

"Jade... Kay gandang pangalan... Ngunit paano kung gusto kitang tawaging Perlas?" Tanong niya sa akin.

"Nasa sa'yo yan, ayos lang sa akin." Sabi ko sa kanya. Mas maganda na yan para malayo sa pagkatao ko.

Lost Crowned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon