Chapter VI

135 3 0
                                    

Miya's POV

Nakabili na ako ng mga damit na gagamitin ngayong nakatira na ako sa Zariya. Lumabas ako ulit galing sa bahay dahil inuwi ko lang ang aking pinamili. Habang ako'y naglilibot may mga taong tumatakbo papasok sa kani-kanilang mga bahay.

"Anong meron?" Tanong ko na may pagdududa. Tapos nakita ko ang mga alagad ni Erwin na pumupunta sa palasyo. Hindi ako nagdalawang-isip na sundan sila. Nang sundan ko sila, napalibutan nila ang limang prinsipe at isang kawal. Apat sa kanila namumukhaan ko pero yung dalawa ay ngayon ko lamang nakita.

"Giro..." Sabi ko habang nagtatago muna. Tapos may lumapit sa kanilang isang alagad at isang nakasuot na pang-prinsipe na parang kanang kamay ni Erwin.

"Kung magkikita nga naman, ang mga Prinsipe ng Zinambra at Ravaryn. Kasama ang Prinsipe ng Zariya, Prinsipe Kael." Sabi ng lalaki. Prinsipe Kael? Kuya? Grabe! Ang gwapo na ni Kuya. Pero kailangan ko silang iligtas.

"Mauro... Anong ginagawa mo rito? At kasama mo pa ang Prinsipe Leon." Sumbat ni Rivi.

"Nagkataong magkasabay lang kami neto. Tsaka may nais lang akong malaman..." Sabi ni Mauro. Ano ang kailangang malaman?

"Ano na naman ito, Mauro?" Tanong ni Kuya Kael. 

"Nais lang naming malaman kung buhay pa ang iyong nawawalang prinsesa..." Sabi ni Mauro. Teka! Ako ang kanilang pakay? Bakit naman?

"Wala kaming alam sa sinasabi mo Mauro! Kaya pwede ba, tantanan mo na kami!" Bilin ni Kuya Hiro.

"Huwag kayong magsinungaling sa akin! Baka mamaya ngayon na ang inyong katapusan!" Bilin ni Mauro sa kanilang anim. Tiniis nilang sabihin ang ukol sa akin dahil yung apat na prinsipe ang nakakaalam ukol sa akin.

"Wala na kayong sasabihin?" Tanong ni Leon habang hinanda ang kanyang sandata. Biglang may nakakita sa akin.

"HUY! SINO KA!?!?!" Tanong ng alagad tapos sinugod ako. Buti na lang pinigilan ko at sinipa papunta kina Mauro at Leon. Tumingin bigla ang lahat sa akin na nagtatago sa dilim.

"Sino yan?!?!?!?" Tanong ni Mauro. Dahan-dahan akong lumalapit sa kanila hanggang sa nagpakita ako sa liwanag. Gulat ang lahat sa akin dahil hindi pa nila ako nakikita rito sa Zariya maliban kay Giro, Rivi, Ravi at Kuya Hiro.

"IKAW?!?!?!" Sigaw nina Giro at Rivi sa akin. Nagtaka si Kuya Kael at ang isang kawal sa kanilang dalawa.

"Sugurin niyo ang taong yan!!!" Utos ni Leon sa mga alagad at sunod-sunod na sumugod sa akin ang mga alagad. Ngunit isa-isa silang natutumba dahil sa akin nang gamit ko ang aking sibat. Nagulat si Kuya Kael nang makita akong humahawak ng sandata.

"Ang sibat ng Zariyan??? Matagal na nating hinahanap yan ah! Bakit nasa kanya???" Duda ni Kuya Kael.

"Yan ang isang pinagtataka ko... Tsaka paanong napunta sa kanya???" Tanong ng isang kawal. At unti-unting nasira ang lumang balabal ko, kaya hindi ako nagdalawang-isip na tanggalin ito. Nagulat ang apat nang makita ako.

"B-Babae???" Duda ni Leon. Nang lumayo na ang mga alagad, pinuntahan ko sina Giro.

"Kay liit naman ng mundo." Asar ni Giro. Kaya sinipa ko siya.

"Manahimik ka nga. Kahit prinsipe ka, hindi yan uubra sa akin. Oo nga pala, ayos lang kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo. Tsaka anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Kuya Hiro.

"Nakita ko sila kanina na pupuntang palasyo kaya inisip ko may panganib." Sagot ko sa kanya.

"Mukhang malakas ang babae." Sabi ni Prinsipe Leon. Nang tingnan ko si Prinsipe Leon, biglang may lumitaw na pangitain sa aking isipan ukol kay Leon. Nakita ko ang kanyang nakaraan, noong kalong-kalong siya ni Inang Silvia. Malakas kutob kong anak siya ni Silvia.

Lost Crowned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon