Miya's POV
Pumunta muna ako sa likod upang magdasal na maging maayos ang lahat.
"Bathalang Lakan... Nananawagan po ako upang bigyang kaligtasan ang mga kaharian sa buong Ancara laban kay Zola. Panginoong Sora, maging gabay ka nawa sa aming lahat. Iligtas mo kami sa kapahamakan." Dasal ko nang taimtim. Tapos bigla na lamang nagbago ang aking suot. Suot ko ang damit na binigay ni Inang Silvia ngunit purong puti lahat.
"A-Anong nangyari? Bakit naging puti ang damit?" Tanong ko. Biglang dumating sina Diwatang Silvia at Luna.
"Miya..." Tawag nila.
"Inang? Diwata?" Tawag ko.
"Basbas yan mula kay Bathalang Lakan. Dininig niya ang iyong dasal. At alam niyang matutumba mo siya." Sabi ni Luna.
"Pero sa ngayon, panahon na para maibunyag ang iyong pagkatao." Sabi ni Inang Silvia hanggang sa naglaho sila. Sinuot ko ang balabal ni Luna at pumunta sa palasyo. At nadatnan kong napapaligiran ng mga alagad ang mga paham, mga punong kawal, at ang mga pinuno. Tapos nakita kong dumating si Zola at ang mga kanang kamay.
"Hindi man lang ako nabigyan ng imbitasyon? Ang sakit naman sa puso..." Ngisi ni Zola.
"Zola... Sa pagkakaalam ko ay hindi ka talaga imbitado rito." Sabi ni Ama. Kita ko sa mga mata ng lahat na natatakot na sila kay Zola dahil isa siyang Panginoon.
"HAHAHAHAHAH!!! Nakakatuwa ka talaga, Zandro... Maiimbita ako sa pagdiriwang na ito... Kung mamamatay ka na NGAYON!!!" Sigaw niya at balak atakihin si Ama. Kaya mabilisan kong sinipa ang kanyang sikmura at napalipad patungo sa mga kanang kamay.
"AAAAHHHHH!!!" Sigaw ni Zola.
"Panginoon!" Tawag ni Mauro.
"IKAW!?!?!" Sigaw ni Ina.
"Ako nga..." Sumbat ko pagkatapos niya akong pagsabihan noon.
"MANLOLOOB KA AH! BAKIT KA NARIRITO!?!?!?" Angal ni Ina.
"Mamaya na ako magpapaliwanag... Aasikasuhin na muna ang mga yan." Sabi ko at dahan-dahan akong bumababa.
"MGA ALAGAD KO! SUGURIN NIYO!" Sigaw ni Ludo. Tapos sumugod ang mga alagad na may sandata. Kaya nakahanda lang lagi ang aking sibat at paunti-unti ko silang inuubos. Nagulat ang lahat nang makita nila akong gamitin ang sibat ng Zariyan.
"Ang sibat ng Zariyan..." Sambit ni Ama. Tapos nakita kong tinumba ni Leo ang mga alagad na nakapaligid sa mga paham.
"Salamat Leo." Bulong ko at tuluyan kong inubos ang mga alagad na nasa paligid ko. Nang ubusin ko silang lahat, napansin ni Zola ang aking tanda.
"Koronang tanda? IMPOSIBLE!!!"Sigaw niya.
"Anong imposible ukol rito?" Tanong ko nang ipakita ang tanda.
"Isang bata lang ang mayroong tandang ganyan!!! Walang iba kundi ang nawawalang prinsesa ng Zariya!!! Si MIYA JADEITE!!!" Sigaw niya.
"Tama! Hindi ka nagkakamali, Zola! Ito ang koronang tanda ng nawawalang prinsesa noong labing-walong taon! Kung tutuusin... AKO MISMO ANG TINUTUKOY NA NAWAWALANG PRINSESA NG ZARIYA!!!" Sigaw ko at doon nagulat ang lahat sa aking isiniwalat na balita.
"DAPAT PATAY KA NA NOON!!! PWES, PAPATAYIN KITA ULIT!!!" Sigaw ni Zola at biglang gumawa siya ng ipo-ipo sa gitna ng palasyo.
"Tch. Madadamay ang lahat..." Sambit ko. Tapos gumawa ako ng mga kalasag sa bawat grupong nasa loob ng palasyo.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...