Aeryn's POV
"I-Ito ba yung lugar na kinalakihan mo?" Tanong ko. Tumango siya at doon naging malinaw sa akin. Tapos pumunta kami sa isang burol kung saan kita ang kabilugan ng buwan at buong kalangitang puno ng mga tala.
"Aeryn, may hihilingin ako sa'yo..." Sabi niya tapos pumunta sa tuktok ng burol.
"Ano yun, Miya?" Tanong ko. Tapos tinabi ang kanyang sibat at balabal, tapos may kinuha siyang pamaypay sa may likod niya.
"Huwag mong alisin ang iyong tingin sa akin... Maaari ba?" Tanong niya. Nagulat at namula ako sa kanyang tanong lalo na't puti pa naman ang kanyang suot.
"O-Oo... Pangako..." Sabi ko nang nauutal.
"Lagi mong tatandaan na sa araw na ito... Makikita mo rin ang taglay ng isang Luna..." Sabi niya at sinimulan niyang sumayaw sa harapan ko. Nawala bigla ang aking kaba nang titigan ko si Miya na sumasayaw. Ang ganda pala nang panoorin ko siya at lumalabas ang mga alitaptap na kumukutitap ang ilaw. Biglang nakita kong lumalabas ang liwanag sa kanyang buhok, mata, at damit.
"A-Anong nangyayari kay Miya?" Tanong ko sa aking sarili. Tapos nakita kong ang kanyang damit ay nagkakaroon ng manggas hanggang sa kanyang pulso at ang palda niya ay hanggang sa tuhod ang haba. At sa pagwawakas ng kanyang sayaw ay lumiwanag ang kanyang paligid at lumabas ang pakpak niya sa likod nang itaas niya ang kanyang pamaypay. May mga lumilipad na balahibo mula sa kanyang pakpak. Lalo akong namangha sa kanya, tapos makalipas ng ilang segundo ay nawala na ang kanyang pakpak.
"Ang ganda..." Sabi ko sa aking isipan.
"A-Ayos lang ba? Medyo kabado pa ako kanina eh." Tanong sa akin ni Miya nang kunin niya ang kanyang balabal at sibat.
"Ang ganda... Sobrang ganda talaga, Miya. H-Hindi ko alam na marunong kang sumayaw at sa kabilugan ng buwan pa." Sabi ko habang pinupuri si Miya upang lumakas ang loob niya.
"S-Salamat. Ah, kaya ko pala ginawa yun dahil ginawa na ni Diwatang Luna ang sayaw na yan tuwing kaarawan ko." Sabi niya. Nagulat ako nang matuklasan yun.
"Sayaw mula kay Diwatang Luna? Ang Lunam Saltatio?" Tanong ko at tumango siya.
"Sinabi niya sa akin na kapag dumating ang araw na maging isang munting dalaga na ako, isasayaw ko yan sa ilalim ng buwan." Sabi niya nang tumingala siya sa buwan. Tiningnan ko rin ang buwan mula sa itaas namin at doon nakita ang tunay na ganda ng buwan.
"Kay ganda ng gabi." Sabi ko.
"Siyang tunay..." Sabi ni Miya. Nang tutungo na ako, biglang nagtama ang aming mga mata. Kita ko ang mga mata niyang ginto at pilak na sobrang kintab at maganda. Nakaramdam ako ng kaba nang tingnan ko si Miya. Hindi ko rin inasahang hinawakan ko ang kanyang pisngi kaya nagulat siya.
"A-Aeryn?" Tawag ni Miya. At nawala na ako sa tamang pag-iisip nang balak ko siyang halikan sa noo. Nang biglang may sumigaw.
"AERRRRYN!!!" Sigaw ng pamilyar na boses. Nagulat kami ni Miya nang may tumawag sa akin. Nang lumingon ako, nakita ko sina Kael, Bastian, Amaro, Kit, Alaric, Giro, Leon, Noah, at Rivi, na tumatakbo patungo sa aming direksyon.
"K-Kael!?!?!?" Sigaw ko. Patay! Lagot ako kay Kael dahil kapatid niya si Miya.
"Kuya!" Tawag ni Miya at nilayo siya ni Kael mula sa akin.
"AERYN!!! LAGOT KA TALAGA SA AMIN!!!" Sabi ni Bastian nang may dala siyang kawayan.
"MAY BINABALAK KA SA PRINSESA NOH!?!?!?!" Sigaw ni Amaro.
BINABASA MO ANG
Lost Crowned Princess
FantasyNamumuhay nang payapa ang kaharian ng Zariya nang magkaroon ng anak na babae si Haring Zandro at Reyna Elena at pinangalanan nilang Miya Jadeite o Miya. Ang munting alaala nila para kay Miya ay ang koronang tanda ng kapanganakan sa kanang kamay niya...