Chapter XX: The Thought of You

24 0 0
                                    


Nang marinig ang boses ay kumakabog na sa pagsabog ang dibdib ni Alphaeus saka siya napalingon dito at nakita siya...

"Rhianne?" Lalo pang lumakas ang tibok ng puso niya nang makumpirmang ang babaeng hinahanap niya ay nasa harapan na niya pala at isa sa nakapalago ng kumpanya ng kalaban niya.

"A-Alphae-" Nanlaki ang mga mata ni Rhianne, di niya inaasahan ang pagpunta ni Alphaeus dahil nga magkakumpetensya ang kanilang kumpanya.

"Woah, woah, ganyan ba kayo makareact after seeing each other? Hm?" Inakbayan ni Gerald si Rhianne.  "Ganito, umm... let me go with her in a dance so please excuse us." Nang paalis na sila ay hinawakan ni Alphaeus ang balikat ni Gerald.

"Hindi pa tayo tapos, Gerald!"

"Ow?" Tukso ni Gerald sabay lingon kay Alphaeus. "Alin doon? Haha! We'll meet soon, 'couz... magsasayaw pa kami ni Rhianne." Saka niya dinala sa ball ground si Rhianne saka sinayaw ito.

Rhianne?? Rhianne bakit?? Di na nakapag-pigil pa si Alphaeus at nagmadi siyang puntahan sina Gerald saka hinila si Rhianne papalayo.

"Hey, she's my date! Hindi pa kami tapos!" Reklamo ni Gerald.

"She's never yours!" Sagot ni Alphaeus na hinarap si Gerald.

"What are you talking about?" Lumapit si Gerald sa kanila hanggang pumagitna na si Rhianne.

"Gerald please... Give us some time." Tugon ni Rhianne saka itinaas ni Gerald ang kanyang dalawang kamay for surrender.

"Okay, okay! Just be quick! Remember, you're MY date." Saka tuluyan nang nagpunta sa balcony sina Rhianne at Alphaeus.

"You could've asked nicely kesa naman gumawa ka pa ng eksena!" Reklamo ni Rhianne na nakatingin sa garden at nakakunot ang noo.

"What was that, Rhianne? Bakit mo siya kasama? Kinakalaban mo ba kami?" Tanong ni Alphaeus.

"What?" Napaharap si Rhianne sa kanya.  "Hindi ko kayo kinakalaban!"

"The thought of you being on the same company as our number One competitor these days, paano ako hindi makakaisip na kinakalaban mo kami? Bakit ba? Galit ka ba sa buo kong pamilya, ha?"

"Pwede ba, Alphaeus, tama na!"

"O bakit ka nga nasa kumpanya ni Gerald?"

"I needed a job, I applied to L Company, got hired and nalaman kong si Gerald nga ang presidente! Hindi ko intensyong kalabanin ang MET, alam mo yan!"

"Pero bakit sa kumpanya niya?"

"I thought I said I needed a job?"

"Bakit hindi ka sa MET nag-apply?"

"Sa MET, sure ka?" At natigilan si Alphaeus na nakasandala ng dalawang kamay sa railings ng balcony at napasulyap sa dalaga na nakasandal ang likod sa railings.

"Please... mag-resign ka..." Nasabi ni Alphaeus.

"Wha- are you nuts? At bakit naman ako magreresign sa napakaganda kong trabaho?"

"Bakit ano bang nasa kumpanyang yan na wala ang MET?"

"Walang mga matang nanglilibak at sinisiraan ang buo kong pagkatao!" At natigilan ulit si Alphaeus. Nagkatinginan sila sa mga mata.

"Huh... please... come back..."

"Para saan pa? Para paalisin nanaman ako saka oofferan ng malaking halaga na pera at ipamukhang mukhang pera ako?" Iniwasan niya ng tingin ang lalaki.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon