Naka-corporate attire na si Rhianne nang bumaba siya ng hagdan at sinalubong ng ngiti at titig ng kanyang kasintahang si John.
"Okay lang?" Tanong niya sa binata habang inaayos ang damit.
"Oo naman, sexy kaya ng girlfriend ko." Sagot nito sabay yakap sa baywang ng dalaga.
"Hmm... ikaw mahilig ka talagang mambola!" Sabay dampi ng mga kamay sa balikat ng binata.
"Bilisan mo na baka ma-late ka nanaman! Final interview mo na 'to, do-or-die..."
"Grabe, nakakatakot naman niyan..."
"Tss... kumain ka na?"
"Yup..."
"So, tara?"
• • •
"Good morning, Ma'am." Ang bati ni Rhianne sa isang personnel. "I am the applicant that was told to come back here and-"
"Miss Imperial?" Tanong ng personnel.
"No, ummm... Santos po, Rhianne Santos..."
"Ah, I see. Please come over, let me lead you to the office of the Vice President." Sumunod si Rhianne sa babae sa may hallway malait sa mga nagchi-chikahang mga empleyado sa photocopier.
"Duh... Si Shoki parang may something kay Allan, yung photographer? Kahapon kasi habang nagsho-shoot kami, mainit ang ulo! Walang makaka-conversation kahit tanong, syempre, sinong lalapit dun? Tapos alam mo ba? Nang lumapit si Allan, napangiti! Totoo nga sigurong bakla si Sir!" Ang chismis ng isang babaeng siyang nagpho-photocopy sa kanyang kasamang may hawak na mga papel din.
"Office hours, hindi chismisan hour." Ang nakakagulat na tugon ng personnel na kasama ni Rhianne sa mga babaeng nagchi-chismissan.
"Ma'am??" Nanlaki ang kanilang mga mata at halatang kinakabahan. Nagtinginan silang dalawa dahil sa hiya.
"Kung anu-ano ang pinagchi-chismissan ninyo, trabaho atupagin niyo hindi buhay ng may buhay!" Ang galit na tugon ng personnel.
"Opo, Ma'am." Sabay nilang sagot.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Kung saka-sakaling makuha ka, I hope hindi pagchi-chismiss ang atupagin mo." Ang paalala ng personnel kay Rhianne.
"Op-opo..." Sagot ni Rhianne.
Hanggang sa makarating sila sa isang stained-with-white-glass door. Sa secretary ng VP sa tabi ng office nito sila unang pumunta.
"Good morning, Anne, new applicant..." Ang sabi ng personnel sa secretary. Saka dinampot ng secretary ang telepono sa table niya.
"Sir, new applicant, Miss...?"
"Santos... Rhianne Santos." Sagot ni Rhianne.
"Santos, Sir." Nakinig ang babae sa instruction ng VP. "Okay, Sir." Tumayo ang babae at binuksan ang pintuan, sumunod naman si Rhianne. Ang unang nakita ni Rhianne ay isang malaking espasyo na lugar na may sofa sa left side and some tables with drawers on the left. Sa unahan pa ng mga sofa ay may kwartong may mga kape at fridge, may mini oven din at mesa for two. Ang nakapalibot ay halos lahat big window na abot hanggang paa. Kitang kita ang buong syudad lalo pa't nasa 5th floor sila ng building.
Sa gitnang bahagi malapit sa bintana ay isang table na may mga papeles, telepono, at mga writing materials, at mayroon ding study lamp. Sa harap ay may dalawang upuan at ang may ari ng office ay naka-upo sa trono nito ngunit nakatalikod at nakatingin sa labas ng bintana. Silhouette lamang ang makikita.
BINABASA MO ANG
Metamorphosis
RomanceSi Rhianne Amber Santos ay naghahanap ng trabaho matapos mapatalsik sa kanyang unang trabaho sa isang kilalang kumpanya. This lead her to a company where she met once more tha boy she never wished to see after 7 years, hindi lang dahil ito ang nagna...