Chapter X: I Love You, Boss

64 1 2
                                    

"Rhianne matutunaw na yang screen kakatitig mo, maawa ka naman." Sabay tawa ni Janice kay Rhianne. Napansin nga ni Rhianne na kanina pa siya tulala, napakarami niya namang kailangang gawin. Hindi niya maalis sa isipan niya si John. Siya ang first crush ko, first love ko, at first heart ache. Ayokong nag-aaway kami pero lagi na lang kasi ako ang nagso-sorry. Kahit siya ang mali, ako ang nagso-sorry. He manipulates me. At di ko alam kung paano makawala sa kanyang magic spell. "Rhianne? Hello? Earth to Rhianne, andito ka pa ba sa earth?"

"Ah!" She snapped out. "Sorry!" Sumandal siya sa swivel chair niya at ibinaling ang tingin kay Janice. "May kailangan ka?"

"Huh..." She rolled her eyes. "Okay ka lang? Kanina ka pa tulala! Wala kang nagagawang trabaho. You do realize na ang report na nasa screen mo ay ipapasa na mamayang alas tres! Alam mo naman sigurong strikto si Sir di ba?"

"O-oo... Sige, tatapusin ko na." Saka inabot ni Rhianne ang mouse at naupo ng maayos saka tinapos yung report.

"May problema ka ba, Rhianne? Kanina ka pa wala sa mundo. Saan ka galing?"

"Sa... sa planetang Nemic, gusto kong tulungan si Goku na talunin si Friza." Biro niya nang walang kaexpre-expression sa mukha na nakatuon ang atensyon sa screen. Natawa lang si Janice.

"Ano?"

"I guess di niya kailangan ng tamad sa pagpugsa kay Friza." Napatalon ang puso Rhianne sa gulat nang makita niya sa kanyang harapan si Alphaeus na seryosong-seryoso. "To my office, Miss Santos, baka sakaling makita mo doon ang isa sa pitong dragon ball." Saka nauna na siyang naglakad. Maya-maya ay tumayo na rin si Rhianne saka niya napansin ang tawang-tawa na si Janice na pilit pinipigilang mag-ingay na halos di na makahinga at namumula na ang buong mukha.

"Was that a joke?"

"Malamang, natawa ka, eh!" Seryoso nitong sagot saka sumunod kay Alphaeus.

Kumatok si Rhianne ng tatlong beses sa pintuan ni Alphaeus saka niya ito binuksan at bumugad sa kanya si Alphaeus na nakasandal sa desk niya na nakatalikod at nakatingin sa malaking glass window na tanaw ang buong syudad.

"Ano po yun, Sir." Did you hear that? She said 'SIR' ng maayos na talagang employee-like. Kasi nga pinahiya niya ako kagabi kaya di na kami close!

"Miss Santos, kung ano mang problema mong personal, wag mong dalhin dito sa opisina. Make sure it won't affect your performance. Makakasira ka lang sa kumpanya. Ayusin mo ang trabaho mo nang di ka nakakaabala."

"Wag ka nang mag-abala..." Bigla niyang sabi. Hindi niya iyon intensyon, talagang wala siya sa mood para makipag-usap kay Alphaeus.

"Anong sabi mo?" Napalingon si Alphaeus at tumayo ng maayos. Naglakad na siya papunta kay Rhianne na medyo galit na! OMG! Mapapahiya nanaman ba ako nito??

Huminto siya nang 1m sa harap ni Rhianne.

"Kailangan kong mag-abala dahil you are under my department and your performance reflects my work as a BOSS! You know I worked hard for this and I don't want to loose this project as much as you don't want to loose your job!" Di makapag-salita si Rhianne, di niya matingnan sa mga mata si Aplaeus, naninigas ang kanyang mga kamay at nanlalamig. Seryosong seryoso si Alphaeus sa lahat ng sinabi niya. This time, I am just his employee and he's my boss. I am not his fake girlfriend and he's not mine. This time I realized, ayokong mag-syota ng katrabaho ko. Ang hirap pala.

Napayuko na lang si Rhianne at nilalaro ang kanyang mga daliri sa isa't isa na kinakabahan sa isasagot.

"I'm sorry, Sir..." Di niya namalayang tumulo na ang mga luha niya. Iyakin talaga T_T.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon