Chapter XXI: Proposal

39 1 0
                                    

"Rhianne Ember Santos... will you marry me?"

Saka naglabas ng isang singsing na may malaking kumikinang na diamond si Gerald at tila inaabot kay Rhianne.

"What?!" Nagulat si Alphaeus at makikita sa mukha niya ang galit.

"Alpha..." Nasabi ni Rhianne kay Alphaeus. Bibitaw na sana si Alphaeus nang hinawakan siya ni Rhianne. "Don't leave me, please..."

Nagpalakpakan ang lahat saka napatahimik at inantay ang sagot ni Rhianne.

"Rhianne?" Tanong ni Gerald.

"Sagutin mo na! Bagay kayong couple!" Sigaw ng isang lalaki.

"Oo nga, grabe ang paghahanda siguro ni Gerald, kung ako jan di ko na siya pahihiyain pa, papakasalan ko siya!" Dagdag pa ng isang babae.

Totoo... mapapahiya si Gerald at maaaring mapatalsik ako sa trabaho. Parang ang sama kapag di ko siya sinagot. Kung sasagutin ko kaya siya ngayon tapos babawiin ko na lang mamaya?

"Rhianne, I'm waiting..." ang confident na sabi ni Gerald.

"Rhianne... don't..." Pigil ni Alphaeus na hinigpitan ang pagkahawak kay Rhianne.

"I..." Nasabi ni Rhianne.

"Ayan na! Sasagutin na niya!" Hiyaw ng isang babae.

"I'm sorry, Gerald... but I can't marry someone I do not love."
I don't want to lie anymore. Too much for dishonesty!

"What? Haha!" Naglabas ng pilit na tawa si Gerald. "Rhianne, what are you... what, did you just-" Halata sa mukha ni Gerald ang oagkadismaya at galit sa kahihiyang natamo.

"Yes, my answer is NO... I won't marry you, Gerald." Saka nagsimulang mag-uusap-usap ng kung anu-ano ang mga tao saka nagtitigan sina Rhianne at Gerald. Sa sobrang galit ay itinapon ni Gerald ang singsing sa ball room at galit na bumaba ng stage saka hinila si Rhianne ng pilit.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Pigil ni Rhianne.

"Gerald, ano ba!" Pigil ni Alphaeus na siyang nagpabitaw kay Gerald.

"Ito bang ipapalit mo sa akin?" Nilakasan ni Gerald ang kanyang boses. "Eh bakla yan, eh!" Pinagtitinginan na silang tatlo.

"Ano? Hindi siya bakla! Kung may bakla man dito, ikaw yun dahil hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo! And by the way, it's Amber not Ember!" Sagot ni Rhianne.

"Anong sabi mo?" Akmang susuntukin ni Gerald si Rhianne (really???) nang tinulak siya ni Alphaeus.

"Wag mong patulan ang babae, pare!" Sabi ni Alphaeus.

"Sino ka para pagsabihan ako? Eh talunan ka naman! Pabagsak na ang MET! Mawawala na ang pinakaiingatan ng mga Montero! Hahaha! Tama nga kayo, kayo ang magsama mga talunan! You are fired Rhianne! And you're burning!" Nagawa pa niyang mag-biro saka umalis na ng party na bibubunggo kung sinuman ang nakaharang sa dinadaanan niya.

"Rhianne..." Niyakap ni Alphaeus ng mahigpit si Rhianne na siyang tinugunan ng dalaga.

"I'm so hot, ano? I got fired!" Saka tumawa si Alphaeus.

"Just come back to MET..."

"I'm scared..."

"Ano ka ba? You're my girl..." Nakahawak sa dalawang balikat ni Rhianne si Alphaeus saka sila nag-ngitian.

*

"Mama!" Napayakap si Rhianne sa kakabukas pa lang sa pinto niyang ina. "Mama... I miss you so much!" Napaiyak na si Rhianne pati na rin ang Mama niya. Nagtatrabaho na ulit sa MET si Rhianne at hindi pa rin sila nagkikita ng ina hanggang ngayong dinala na ni Alphaeus si Rhianne sa mismong apartment ng ina.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon