"I know... she's just so smart and beautiful. It's a waste losing her. She's one of the best." Anang lalaking nakapayong ng itim kasama ang isang babae na nakaitim na dress din.
"Yeah, why does she has to die? She could've been successful in her career, with someone who loves her dearly." Sagot ng babae.
"He could have proposed to her, the one who loves her." Dagdag ng lalaki.
"Yeah, get married and have lots of kids..." Sagot ng babae. "So how did this happen?" Sabay tingin ng babae sa lalaki.
"She..." The man started.
*
"John!" Tawag ni Alphaeus kay John nang dumating na siya sa isang abandoned building. "John andito na ako!"
"Dahil gusto mong mamatay!" Sigaw ni John kay Rachel nang makita niya itong sinampal si Rhianne.
Nang marinig sila ni Alphaeus ay sinundan niya ang boses at nang makarating sa labas ng isang kwarto na sira ang pinto, sumilip siya rito ng kaunti at nakita niyang nag-aaway sina John at Rachel saka niya nakitang sinampal ni John ng malakas si Rachel na siyang ikinatumba nito sa sahig. Akmang susugod na si Alphaeus kaso naisip niyang kapag padalos-dalos siya, siguradong di pa abutan ng pulis, patay na sila kaya umatras siya at nakitang marami pang mga kwarto sa lugar na iyon sa floor na yun. Napasilip siya sa harap at nakitang blangko ito, saka sa kabila at blangko rin. Naglakad na siya pakaliwa at kada kwartong marating ay sinisilip niya ito sa mga maaaring kasamahan nina John o si Rhianne, hanggang marating niya ang pinakadulong kwarto at nakita si Rhianne at agad niya itong nilapitan at pabulong na kinausap ito.
"Rhianne, honey, Rhianne!" Saka niya ito niyakap ng mahigpit. "Andito na ako."
"Alphaeus! Bakit ka pa nagpunta rito?! Umalis ka na, mapapahamak ka!" Nasabi ni Rhianne kahit na sa kaloob-looban niya ay sumaya siya nang makita ang kasintahan. Napahiwalay si Alphaeus sa kanya.
"Ililigtas kita, okay?"
"Ililigtas?! Anong panama mo sa baril ni John?"
"Don't worry, I got this." Nang akmang tatanggalin na ni Alphaeus ang tali kay Rhianne ay narinig niyang paparating na si John saka siya nagtago sa likuran ng pintuan, nakita pa niya sa gilid ang pagpasok ni John sa loob na punung-puno ng pawis at nanlilisik ang mga mata.
Anong nangyari sa kanya? Masyado siyang na-obsess kay Rhianne. Sa bagay, di ko siya masisisi.
"Rhianne... Baby..." niyakap ni John si Rhianne na siyang ikinunot ng noo ni Alphaeus.
"John, bakit ka..."
"Umiiyak? Ikaw kasi. Mas pinili mo pa yung baklang yun!" Mas nainis pa si Alphaeus. "Akin ka lang, eh!"
Saka naalala ni Rhianne ang sinabi ng isang malapit na kaibigan ni John sa kanya noong head-over-heals pa siya rito...
"Si John, kakabreak up lang niyan nung one year girlfriend niya." Sabi ng lalaki.
"T-talaga?" Nagulat pa si Rhianne dahil ang buong alam niya, siya ang matagal nang gusto ni John kaya akala niya di nito kayang magmahal ng iba.
"Oo... tapos nalaman niyang may ibang lalaki kaya ayun..."
"Kaya ano?"
"Muntikan na niyang mapatay ang l lalaki. Buti nga napigilan pa namin siya sa pananakit sa babae."
"H-ha? Si John, nananakit ng babae?"
"Oo, kaya ikaw, wag na wag kang magloko!" Banta ng babae saka si Rhianne napangiti at naisip na hinding-hindi niya magawang saktan si John dahil mahal na mahal niya ito...
BINABASA MO ANG
Metamorphosis
RomanceSi Rhianne Amber Santos ay naghahanap ng trabaho matapos mapatalsik sa kanyang unang trabaho sa isang kilalang kumpanya. This lead her to a company where she met once more tha boy she never wished to see after 7 years, hindi lang dahil ito ang nagna...