"Oh, Rhianne, mag-o-overtime ka ba?" Ang tanong ng isang kasamahan ni Rhianne sa trabaho.
"Umm, siguro. May tatapusin pa kasi ako, eh tsaka kaunti nalang matatapos ko na 'to." Nginitian ni Rhianne ang kasamahan kahit sobrang busy nito sa computer.
"Di ba yan pwedeng ipagpabukas?"
"Eh kasi malapit na tsaka ayokong iwan ang trabahong di ko pa natatapos."
"O, sige. Mauna na ako, okay?" Rhianne smiled saka ibinalik ang atensyon sa computer. "Ah, Rhianne." Biglang bumalik ang kasamahan ni Rhianne na may worried face. "May sasabihin ako."
"Ano yun? Di pwedeng ipagpabukas?"
"Kasi... dito sa office, napabalitang..." Lumingon-lingon ang kasamahan ni Rhianne sa paligid at napansin niyang paunti-unti nang umaalis ang ibang employee. "...may nagmumulto raw."
Biglang napalingon si Rhianne sa kasama na nanlaki ang mga mata at napahinto sa tinatrabaho.
"Babae, mahaba ang kanyang maitim na buhok... Umiiyak daw at nagpapakita kadalasan sa mga nag-iisa na nag-o-overtime. Minsan nga sa isang janitor na umalis na dito sa kumpanya dahil nga raw yun sa multong walang tigil na hinahabol siya." Nagsimula nang manginig ang kalamnan ni Rhianne. Takot siya sa mga ganitong bagay kaya hindi siya nanonood ng horror movies. Gusto na niyang tumigil sa trabaho pero kaunti na lang ay matatapos na 'to.
"Uh-hehe!" Mahilaw na tawa ni Rhianne. "Janice naman, naniniwala ka ba sa mga gano'n? Eh, baka hindi multo ang dahilan ng pag-alis nung janitor dito, di ba?"
"Uh, baka rin dahil hindi kinonsodera ng management ang pagleave niya ng ilang araw dahil graduation ng anak, pero sa tingin ko at ng maraming tao dito sa kumpanya na isa sa mga dahilan ang multo... Tsaka Rhianne, dito sa floor na ito nagpapakita ang multo. Lalo na sa may elevator." Natahimik sila sa ilang segundo bago pinutol ni Rhianne ang katahimikan.
"Ha-ha! I'll be fine, thanks! Umuwi ka na baka ikaw pa ang pagbuntungan ng galit ng multo."
"Okay, ang sa akin lang naman ay 'wag kang masyadong magpagabi. O siya, mauna na ako, okay?"
Matapos mag-goodbye ay naiwan si Rhianne na mag-isa sa kanyang cubicle.
Sa tuwing nagpipindot siya ng mga letra at ng mouse ay nararamdaman niyang may nakatitig sa kanya mula sa likuran saka siya lumilingon pero wala namang taong nakatingin.
Rhianne Amber Santos, walang tao, walang nakatingin sa'yo kaya 'wag kang OA! Multo? Tss etchos lang yun ng mga tao rito, duh! Walang multo, okay? Napaisip si Rhianne.
Tahimik na ang lahat at sobrang lakas na ng tibok ng puso ni Rhianne. Naririnig niya bawat pitik nito. Ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin niya ng maayos ang kanyang trabaho kahit minsa'y nagkakapalit-palit na ang mga letra, napapansin niya pa rin ito at naitatama.
"Hooh... okay Rhianne malapit na... kaunti na lang..."
"Talking to yourself?" Napatalon sa inuupuan niya si Rhianne nang marinig ang isang boses lalaki sa likuran ng cubicle niya. "I-I'm so sorry, I didn't mean to startle you or anything, I am just wondering why you're talking to no one."
Napatitig lamang si Rhianne sa lalaki.
"Umm... Rhianne, right?" Tanong ng binata.
"Y-yeah..." Saka napahingang malalim si Rhianne.
"I'm Gerald, remember?"
"G-Gerald..." Inaalala ni Rhianne sino si Gerald.
"We met on the elevator..." Saka naalala ni Rhianne ang lahat.
BINABASA MO ANG
Metamorphosis
Roman d'amourSi Rhianne Amber Santos ay naghahanap ng trabaho matapos mapatalsik sa kanyang unang trabaho sa isang kilalang kumpanya. This lead her to a company where she met once more tha boy she never wished to see after 7 years, hindi lang dahil ito ang nagna...