Chapter VII: The Ring

70 2 0
                                    

"So, ano bang trabaho mo ngayon, Rhianne?"  Ang tanong ng ama ni Alphaeus na nasa gitna ng mahabang table, sa left side niya ay ang kanyang may-bahay at sa kaliwa ang magkasintahang nagpapanggap na magkasintahan.  Kaharap nila ang masasarap na pagkain at mga utensils, pang-mayaman talaga.

"Uhh..."  Napaisip si Rhianne baka mabuking sila kung sabihin niyang kay Alphaeus siya nagtatrabaho bilang editor, eh alam naman ng lahat na naghahanap ng editor si Alphaeus kamakailan lang.

"Editor."  Biglang sagot ni Alphaeus na mas nagpakaba kay Rhianne.

"Editor?  Saang publication?"  Pag-usisa ni Arthuro.

"Sa Sandy Books, Inc. po."  Ang sagot ni Alphaeus.  Totoong galing si Rhianne doon pero hindi bilang isang editor.

"Talaga?  I was never a friend of Roxel Sandy, the one who started that corporation.  I never met her in person, either."

"Pero..."  Biglang sabi ni Rhianne, takot mabuking.  "Hindi nga lang po ako ganun ka-known sa kumpanya, mas marami po kasing magagaling na editor doon.  Minsan nga po di ako napapansin bilang editor."

"Gano'n?  Bakit, di ka ba magaling?"

"I know I am pero siyempre mas maraming mas expert."

"Kahit maraming expert, makakalusot ka talaga kung magaling ka."

"I am always humble.  I never thought of being at the top.  I am satisfied with what I am and what I have."  Ang matapang na sagot ng dalaga.

"Hmm... That makes me want to speak to Sandy."

"But she gave up the job."  Biglang interrupt ni Alphaeus.  Napalingon sa kanya ang lahat.  "She gave up the job dahil sa akin siya nag-apply."

"Bilang editor?"  Ang tanong ni Arthuro.

"Yup.  Kaya nga ako nahirapan. Kapag tatanggapin ko siya kaagad, baka sabihing tinanggap ko siya dahil girlfriend ko, pero her talent and skill really stood up from the others.  She did applied.  She never told me na nag-aapply siya.  Kasama siya sa mga nag-antay sa linya.  Sa mga nasabihang tatawagan na lang.  But she's the best,"  tumingin ito kay Rhianne saka bumalik ng tingin sa parents niya. "and our company deserves the best.  I believe I'm not being biased here."

"Oh-haha!  Kaya pala ayaw mong sa iba ipahawak ang pamimili ng aplikante!  May napili ka na pala! Haha!"  At nagtawanan sila.

"Opo... And I can't let her go."  Sabay hawak ni Alphaeus sa kamay ni Rhianne.  Ngumiti na lang si Rhianne.

"Bakit mo naman naisipang sa amin magtrabaho tsaka ba't di ka na lang dumiretso kay Alphaeus para di ka na luminya?"  Tanong ng ina ni Alphaeus.

"Kasi po ayaw ko pong maging unfair.  Pinaghirapan din po yun ng ibang aplikante so dapat walang palakasan, di po ba?"  Ang nakangiting sagot ni Rhianne.

"Rhianne, talagang noon pa, pursigido't competitive ka.  And I really like you for that."  Ang papuri ni Pia.

"Salamat, po."

"Akala niyo siguro hindi ko mapapansin."  Biglang natigilan ang lahat at lumakas ang tibok ng puso nina Rhianne at Alphaeus.

"Ang alin po?"  Sabay na tanong nina Alphaeus at Rhianne na sobrang kinakabahan na.

"Ang singsing!  Parehong-pareho!"  Nakahinga sila ng maluwag.  Teka, singsing?  Aling singsing?  Napatingin silang dalawa sa kani-kanilang mga daliri at may singsing ngang parehong pareho ang hugis at disenyo.  Bakit pareho?

"Are you engaged?"  Biglang tanong ng ina ni Alphaeus.

"NO!"  Sabay na sagot ng dalawa.

"N-no?"  Ang nanghinang tanong ng ina ni Alphaeus.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon