Nasa harap na ng building ng MET si Rhianne at napatingin siya sa taas pa nito.
"Wow... Baka kaya ako napatalsik sa trabaho dahil may naghihintay sa aking napakagandang future!" Pumasok na rin siya sa building.
Dumiretso siya sa registrar. Kaharap niya ang isang magandang babae na nakapostura.
"Good morning," Bati niya rito sabay ngiti.
"Good morning, Miss, how may I help you?" Marahang sagot nito.
"Umm... I'm an applicant for a vacant position. Where should I go?"
"Do you see that line, Miss?" Tinuro ng babae ang isang napakataas na linya ng mga aplikante.
"Ha??" Ang tanging nasabi niya. "Ang- ang taas naman, Miss..."
"Yep, so better get the luck of it!"
"Th-thank you..." Dahan-dahan niyang tinungo ang linya habang may ibang kinakausap ang babae sa registrar.
"New applicant?" Tumingin ang lalaki sa linya. "Ang taas naman."
"Yes, Sir. In-demand po talaga ang position dito. MET is really a very successful company."
"Wala pa, Miss. And we're going to be worldwide." Sabay ngiti nito.
Ganito pala talaga ka-bongga ang mapabilang sa MET. Marami nang nangangarap mapabilang dito at mas marami ang nabigo.
Ang MET ay gumagawa ng mga damit, upper and lower, 3 years having a magazine, at runway show for almost 5 years.
Ngayon ay nais makapasok ni Rhianne sa work on magazine, either an editor or maka-own ng isang part sa magazine. The magazine features their best deals na magagamit for wholesale and retail. May magazine rin for entertainment na fini-feature ang tungkol sa MET at ang family behind its success. Mayroon ding part dito si Lara Damster, isang sikat na modelo at stylist na shareholder ng kumpanya.
Isang napakalaking oportunidad para kay Rhianne ang makapasok dito, lalo pa't galing na siya sa isang umuunlad na kumpanya as editor din.
• • •
Tanghali na, hindi pa natatawag si Rhianne. Napapagod na siya pero ayaw niya pa ring sumuko dahil gustung-gusto niya ang mapabilang sa kumpanya.
"Okay, ladies and gentlemen..." Nakatayo ang isang babaeng naka-corporate attire sa harap ng mga aplikante. "It's already 11:30 so we'll take a break and resume at 1 o'clock sharp. We have your resume' here so it won't be a bother when you're out of the line. Thank you, again, People."
Nagsialisan na ang ibang aplikante maliban kay Rhianne. Nakaupo pa rin siya sa kanyang inuupuan kanina pa at nakatingin sa cellphone.
John... di siya nag-text ngayon kahit 'good morning'... Ganoon na ba katindi ang nasabi ko kahapon? Cool-off lang naman yun, ah? John... miss na kita... Saka siya nakapag-desisyong tumayo at pumunta sa canteen na punung-puno naman ng mga empleyado at mga aplikante.
"Ano ba yan? Wala nang space? Tss, saan na ako kakain ngayon?" Agad siyang tumalikod nang kanyang mabangga ang isang lalaking naka-corporate look din.
"Ah-so-sorry po! Sorry!"
"Huh... New Applicant, eh?"
"Y-yes, Sir..."
"Okay..." Saka dumiretso ng lakad ang lalaki.
Galit ba siya? O... wala lang sa kanya? Sorry po, Boss... Boss? How I wish ako ang mapili.
BINABASA MO ANG
Metamorphosis
RomansaSi Rhianne Amber Santos ay naghahanap ng trabaho matapos mapatalsik sa kanyang unang trabaho sa isang kilalang kumpanya. This lead her to a company where she met once more tha boy she never wished to see after 7 years, hindi lang dahil ito ang nagna...