Chapter XII: VIP

59 1 0
                                    


I want to hold on but you let me go, now I'm slowly slipping from my grip on you. I can't hold on any longer.

KRIIIIIIINNNNGGGG!!! KRIIIIIINNNGGG!!!

Inabot ni Rhianne ang kanyang alarm clock para patayin. Kagabi lang ay inalarm niya ito ng 6 am para di malate sa trabaho. Bumangon na siya at tinali ang buhok. She's still weak at namamaga ang kanyang mata kakaiyak gabi-gabi mula nang maghiwalay sila ni John sa Serenade Restaurant. Napalingon siya sa kanyang cellphone saka ito inabot. Tiningnan niya kung may message ba, meron, kaso wala ang kanyang inaasam-asam na numerong magte-text.

John... ano bang nangyayari sa atin? Paano tayo umabot sa ganito, John?

John...my sweet...

Sweet...

I never knew the sweet taste is bitter...

Love is designed to hate...

Love is designed to hurt people!

Ang sakit-sakit!

Umurong ang luha niya nang biglang tumunog ng napakalakas ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito.

"Alpha..." Ang tamad nitong sabi.

"Rhianne, bangon na, maligo ka na, kumain ka na. Make sure wala kang eyebags dahil pag meron paooperahan ko yang mata mo, kuha mo?" Daldal ni Alphaeus.

"Alphaeus pwede ba, not now. Araw-araw mo na lang akong kinukulit ng ganyan. I'm tired, okay?" Humiga siya pabalik.

"Tired of crying?" Napahinto si Rhianne. It's been 5 nights na laging umiiyak si Rhianne and every morning, she tries to act like nothing's wrong. Sometimes nakakaramdam siya ng break down, kaya nagpupunta siya ng CR at umiiyak.

"Ano bang kailangan mo?" She asked trying to change the subject.

"Nasa labas ako ng bahay mo."

"Ha??" Napabangon bigla si Rhianne. Dali-dali siyang dumungaw sa bintana at nakita niya ang binatang nakatayo at nakasandal sa kanyang kotse.

"Ang panget mo pag bagong gising!" Kantiyaw ni Alphaeus.

"Ang panget ng mukha mo araw-araw! Wag kang pumasok!"

"Salamat. Okay na sa akin ang kape." At nagbabaan na sila ng telepono.

Maya-maya ay binuksan na ni Rhianne ang kanyang gate.

"Ha! Mas panget ka pag malapitan!" Kantiyaw ni Alphaeus.

"Mas panget ka malapit at malayo!" Sagot ni Rhianne.

"I'll take that as a compliment." He gave a smirk saka nagsimulang maglakad papunta kay Rhianne.

"Saan ka pupunta?" Nakaharang si Rhianne sa gate.

Lumapit si Alphaeus kay Rhianne, leaning his arms sa itaas ng gate at mas inilapit ang mukha sa kay Rhianne.

"I'm fine with coffee..." He gave a smirk, again.

"C-coff-coffee lang...coffee..." She stepped back dahil sa kaba. Tumabi siya para padaanin si Alphaeus papasok.

"Ano bang trip mo dito, ha?" Tanong ni Rhianne habang sinasara ang gate.

"Wala, I just want to mess at your house." He said casually sabay pasok sa bahay ni Rhianne. "Wow! Ang linis naman ng bahay mo!"

"Siyempre, ako pa!"

"Sayang, ang ganda ng bahay, ang pa-"

"O sige, ituloy mo, malilintikan ka sa'kin!"

"Okay, okay!" He raised his hands for surrender.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon