Chapter VIII: The Girl

46 0 0
                                    

"Hey, Baby!" Ang bati ni Rachel kay Alphaeus sabay halik nito sa pisngi ng binata habang siya'y bumisita sa kanyang opisina. Halatang umiwas si Alphaeus ngunit nahagip pa rin siya sa labi ng dalaga.

"I didn't call for you so what are you doing here?" Ang cold answer ni Alphaeus sa kanina'y nakangiting si Rachel.

"Do you really have to be that mean? I just visited you that's all. I just wanna hang out!"

"Hang out? This isn't a place for hang outs! This is my office in a business firm!"

"Look, I just miss you and besides, Tito Arthuro, my Dad a little soon said we are to be married soon!"

"Why on earth would I marry you?"

"Bakit ba ganyan ka ha? Ba't ba ang sama mo sa akin? All I did was love you! Bakit kailangang ganito ang trato mo sa akin?"

"Rachel, I don't... love you... Kaya kita pinakisamahan noon dahil kay Dad but I don't have any intensions to-you know? Court you. Besides, I already have a girlfriend."

"What?? Who's that flirt girl??"

"Flirt? Are you serious?"

"Yeah! Bakit ka pa niya kukunin eh magpapakasal ka na sa akin!"

"Ano?? Nakikinig ka ba sa akin o hindi?"

"That girl's a bit*h! I'm gonna give her a sh*t!"

"Kaya hindi kita magustuhan dahil sa ugali mo! Busy ako, you may leave, kung saan ka dumaan papasok, doon ka lumabas." Saka inasikaso ni Alphaeus ang kanyang mga papeles.

"What did you say? Uh- I am your editor! You need me!" May biglang kumatok saka pumasok.

"Alphaeus andito na yung first two articles na ifi-feature sa-" Natigilan si Rhianne nang makita si Rachel at Alphaeus na nag-uusap. "I-I'm sorry..." Tumalikod na siya para umalis nang pinigilan siya ng binata.

"Hon..." Naiinis na lumingon si Rhianne. Napatingin si Rachel kay Alphaeus at bumalik kay Rhianne.

"Hon??" Ang nagtatakang tanong ni Rachel na napalakas ang boses.

"Uh-H-Hon..." Ang mahinang sabi ni Rhianne na kinabahan.

"Hon, it's alright, halika!" Ang naiutos ni Alphaeus. Dahan-dahang naglakad si Rhianne patungo sa dalawa na kinakabahan sa tingin ni Rachel na tila nakaka-evaporate. Tumayo si Alphaeus at nilapitan si Rhianne, kinuha ang papel at mas lumapit pa.

"Itong heading..." Inakbayan niya si Rhianne habang kinakausap.

"No, kasi hindi babagay sa background ni Sarah." Ang sagot ni Rhianne.

"Gano'n? Si Sarah pala ang dito? Haha!"

And there she goes, dahil sa selos at out of place, nagpunta si Rachel sa harap ng dalawa, naka-crossed hands, nakataas ang kanang kilay at nagmumukhang sobrang mataray.

"So you're his girlfriend!" Ang matapang na sabi nito. Humarap sa kanya sina Alphaeus at Rhianne.

"Yeah, she's my girlfriend." Ang sagot ni Alphaeus.

"Editor ka ba dito?"

"Oo, editor ko siya." Si Alphaeus.

"Siguro inakit mo para makuha kang editor sa isang malaking kumpanya."

"Nope, she's one of the best."

"At talagang ang kapal ng mukha mong sumipsip?"

"Nope, she lined up and applied like the other does."

"Alam mo bang ikakasal na kami?"

"Alam niyang siya ang pakakasalan ko."

Natigilan si Rachel at napatingin kay Alphaeus.

"You'll never gonna make it." Saka binangga ng balikat nito ang balikat ni Rhianne.

MetamorphosisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon